Juniel's POV
"Mommy!"
I tried hard not to look at Amari while I was going down the stairs. Hindi na siya nakasunod pa sa akin nang nakita kong binuhat siya ni Tyron nang makababa ako.
I wiped my tears as I look away. If I turn my back again, Baka hindi ko na maituloy ang pag alis ko.
Hinila ko ang maleta ko palabas ng bahay. At nang makapasok ako sa kotse ay pinaharurot ko kaagad ito.
I always thought that upon marrying Tyron and having Amari in our lives will change him.
Pero, I was wrong when I was trying to do that. Dahil, Tyron will always be who he is. Regardless if I am still in his life.
Siguro tama nga ang sinabi nila. Na kapag kasal na kayo... Marami pang mas mahirap na pagsubok na maaring pagdaanan. I am not that stong. And I yes. I should be ashame of it. But aside from being a Mother, I am also a wife.
Isa akong asawa na naghihintay gabi gabi sa paguwi ng asawa niya.
Naghihintay parin ako kahit sa totoo lang ay wala na pala akong mahihintay.
I was his only Temptation. But I guess, I'm not anymore..
Inaamin ko naman na hindi na ako kagaya ng dati. I wasn't able to maintain my figure and my beauty.
I gained weight at tuluyan ko nang napabayaan ang sarili ko.
When Amari turned 4, naging sakitin na siya. Pabalik balik siya ng doctor dahil sa Asthma.
And it hasn't been long since I suffered from miscarriage.
Ang sabi sa akin ng doctor ay dahil ito sa masyadong stress. Dahil nga noong unang mga buwan na nagbubuntis ako para sa pangalawang anak sana namin ni Tyron ay siyang mga panahong pabalik balik si Amari sa Hospital.
I somehow thinks it is my fault. I lost a precious life because I became careless.
**
-The day before Juniel left home-
"What is this?" Nang makaupo si Tyron sa sofa ay agad akong bumaba at inilatag sa lamesa ang mga litratong hawak ko
"Ano na naman ba ito. Juniel? Pagod ako" Tumayo lamang siya at sinubukan akong lagpasan pero hinarang ko ang sarili ko sa kanya.
"Anong meron kayo ni Katherine? At bakit mo ulit siya kinuhang model? Her career was done years ago!"
"She needs help. Sa Meredith din siya nagsimula. Baka ito rin ang makakatulong sa kanya. Bakit ka ba panay duda ha! Bawat pag-uwi ko pagdududahan mo'ko?"
Para akong nasaktan nang pag-taasan ako ng boses ni Tyron. He's never done this before. But lately he is being different. Pakiramdam ko nagkikipag usap ako sa ibang tao.
"Help? Anong klaseng tulong ba ang binibigay mo sa kanya?"
"If you don't believe me. That's your problem" turo pa nito sa akin bago siya tuluyang naglakad papunta sa hagdanan
Pero hinabol ko siya. I can't let it end like this again.
"Puro ka nalang ganyan! Give me an answer! I deserve to hear your reasons.. Kung bakit mo ito nagawa sa akin?"
When Tyron turned to me, He stared at me for a while. Dahan dahan itong bumaba mula sa hagdanan at binalikan niya ako.
"Why do I feel like, I wasn't always enough for you, Juniel?"
BINABASA MO ANG
A Beautiful Temptation (Mafias' Series #4) - RAW/UNEDITED
General FictionREAD AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED *** FIRST RULE. Don't ask why. SECOND RULE. Don't expect anything. THIRD RULE. You are just my DISTRACTION Mafias' Series # 4 Tyron Clark Villafuerte