Temptation Thirty

89.5K 1.4K 30
                                    

Hindi ko maintindihan kung Bakit Puro Babae ang Business Partners ni Tyron. Talaga bang sila ang Imemeet ni tyron o Mga heiress lang ang mga ito. Namumuro na kasi! Parang Bingo. Kanina ay maaga kaming Umalis ng Hotel para habulin ang Golf Appointment nito sa Isang Partner nya. Dahil hindi naman ako marunong mag golf. Umupo lang ako at Nagpayong habang pinapanuod sila, Kung paano nila landiin si Tyron. Landi! Sarap Ilibing ng buhay!

Kunwari hindi marunong maglaro tapos Mas marunong naman yata kaysa kay Tyron mismo. Itong Tyron naman na ito hinahayaan lang na nilalandi siya. Ano pa nga ba ang ineexpect ko kay Tyron eh ganyan yan eh.! Nakakainis lang dahil alam naman niyang kasama niya ako ni hindi man lang niya ako maipakilala. Nabwibwisit na talaga ako.

Ngayon ay nasa Mud Field naman kami. Ibang Babae na naman ang kasakasama ni Tyron. Ngayon napasugod lahat ng Alila nung baabe dito dahil nahulog siya sa Putik. Buti nga. Nakaheels kasing pupunta sa Putik.

Tapos To the Rescue si Tyron. Ang Malanding Nobyo ko.

"Oh, Tyron Thank You." Narinig kong sabi nung Babae at kumapit sa Braso ni Tyron. Aba para siyang hinimatay.

"It's Okay. You need to becareful." Ngumiti naman si Tyron sa kanya.

Dahil wala naman akong intensyon na sumunod sa kanila sa Putik, Naisip ko Aalis na lang muna ako. Nakakahiya naman baka maistorbo ko sila

"Ahhh!!!!!!" Papalakad na sana ako palayo nang bigla akong nadulas at nahulog sa Putik.

"Ahhhhhh!!!!!" Napasigaw nalang ako nang makita ko ang buong katawan kong nabalot ng Putik. Pati mukha ko ay nalagyan na ng putik!

Ang Kamalasan ko ay nagsisimula na namang umatake sa akin.

"Juniel!" Agad na lumapit sa akin si Tyron at hinawakan ako sa braso pero kumalas ako kaagad sa pagkakahawak niya sa akin "Tumigil ka! Layuan mo ako!" Nainis kong sabi sa kanya. Kung hindi mo lang ako pinabayaan kanina at binawasan mo ng kaunti ang pakikipaglandian mo ni hindi sana nangyari to sa kin!

"I will help you." Nagpumilit si Tyron na hawakan ang kamay ko pero Inilayo ko kaagad ang kamay ko sa kanya "Ayaw ko sayo. Kay levin na lang. Levin!!!!" Sigaw ko sa kanya. Nagdalawnag isip pa yata itong lumapit sa akin.

Nagpatulong ako sa kanyang tumayo. Nakita kong napayuko nalang ito nang sinamaan siya ng tingin ni Tyron

"Tyron! Come Here!" Napalingon kami sa Babaeng kasama niya kanina.

"Yan Tawag ka ng Babae mo. Sige na Sumama ka na dun. " Kumapit ako kay Levin at Sumampa sa Bato kung saan ako nakatayo kanina. Wala naman akong narinig na salita mula kay Tyron. Lumingon ulit ako sa kanya at nakita ko siyang pabalik sa kasama niyang babae kanina

"Kung bakit ba kasi tayo mangunguha ng shellfish!" Nainis kong bulong sa sarili ko

"Importante pong Tao si Miss Hong. Kaya sumasama nalang po si Sir Tyron. " Biglang nagsalita si Levin. Napansin niya yatang masama ang tingin ko sa kanya at napayuko nalang siya

"Bakit ako ba? Hindi! Kung Ganun sabihin mo sa Boss mo Babalik na lang ako ng Pilipinas mag isa. " Maglalakad na sana ako palayo pero nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa kamay "Ma'am Masesesante po ako kapag ginawa niyo yan..." Pagmamakaawa naman nito

*******************

Nang matapos kong linisan ang Sarili ko sa Shower Room ay Nagtungo ako sa Pool. Dahil naabutan na kami ng Lunch ay Nagtungo kami sa Resort malapit sa Field.

Iniba ko ang direksyon ko nang makita ko si Tyron. Pasimple akong naglakad na parang hindi ko siya nakita pero naramdaman ko ang pagbilis ng Lakad niya at paghabol nito sa akin

A Beautiful Temptation (Mafias' Series #4) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon