Smile 4: Unknown Parents

207 19 3
                                    

ANIKA's POV

"Daddy, sabi niyo uuwi kayo ngayon ni Mommy. How come na nadelay na naman ang flight niyo?!"

Nakita ko namang napabuntong hininga si Daddy habang si Mommy naman ay naiiyak na tumingin sa akin. Me and my parents are having a video chat, may promise kasi ang mga magulang ko na dadalaw sila ngayong weekends, two days yun so it means na magkakaroon kami ng bonding but all of my hope break nang malamang hindi na naman sila tutuloy.

Ang dahilan nila. Nadelay daw ang flight— Gandang pasulot. Note the sarcasm.

"Sweetie I'm s-sorry" Mommy cried "We're s-so s-sorry, b-baby"

"Family Day dapat natin ito at hindi na naman kayo pupunta!" I shouted "You two are too selfish!"

"Anika!" saway sa akin ni Daddy "Stop with that tone, young lady!"

"Totoo naman daddy! Wala na kong halaga at time sa inyo! Nakakainis kayo! Lagi kayong ganyan! Parang hindi niyo ko anak!" I bursted out, bahagya pang nangilid ang luha ko pero pinigilan ko ito. I won't cry to them. Not on their sight "Sabihin niyo lang kung unwanted na ko sa pamilyang ito! I hate you both!"

"Anika bab—"

I ended the call. I bursted into tears, umiyak na ko sa unan ko at dun binuhos lahat lahat ng frustrations ko sa mga magulang ko.

Narinig ko pang tumunog ang phone ko, if I'm not mistaken, mga magulang ko na naman yan— I don't wanna talk to them. Bahala na sila diyan! Nakakainis sila! Sobraaaa!— Ano ba talaga ako sa kanila? Anak naman nila ako hindi ba? Nakakainis lang kasi na mas inuuna pa nila ang kumpanya nila kesa sa akin. Mas mahalaga pa yun kesa sa unica iha nila?

"G-Gosh! I hate them! I hate them!" I whined and cried like a child "I hate you parents! I hate youuuuu both!"

Ever since na nagkaisip ako never ko nakasama ang mga magulang ko sa bahay, alam mo yung pakiramdam na balewala ka lamang sa kanila, yung tipong dadalaw lang sila dito kapag gusto nila at halos isa hanggang apat na oras na lang yun tas aalis na naman sila pa-France at ako naman yung hahabol sa kanila, iiyak at magmamakaawa na isama nila ako o manatili na lamang sila dito kasama ko pero hindi. Hindi nila ginawa at walang lingon lingon na iniwan ako. Kasama si Yaya, kasama si manong pati na ang mga katulong.

"There both stupid! M-Mga walang k-kwentang mga magulang!"

I was on my middle of crying when someone knocked on my room's door. It opened and I saw my yaya sadly smiling at me.

"Bakit?"

Hindi ko na pinansin pa ang namumugto kong mga mata at pasinok sinok kong paghinga, tanging pagsama ng tingin ang pinakita ko sa yaya ko.

"Anika, anak, ang mommy at daddy mo tinatawag ka" aniya sabay pakita ng cellphone, telling me to answer it.

"Tell them to go! Bahala sila sa buhay nila! I don't need them!" I shouted, sinadya ko talaga para marinig ng mga magulang ko.

I saw my yaya frowned.

"Anika naman, kausapin mo naman ang mga magulang mo" yaya said "Inaantay nila tawag mo"

"Ayoko!" Singhal ko "Go away! And stay the fuck up, yaya! Alis!"

Pagtataboy ko dito. Hindi naman natinag si yaya sa kinatatayuan nito kaya pinaghahagisan ko ito ng mga unan.

"Susko maryosep!" Tili ni yaya, iniilagan niya ang mga hinagis ko "Anika!"

"Go away yaya! Go away!" Pagtataboy ko "Layas! Ayaw ko sila kausap! Tell them that!"

Tumayo na ko at agad tinulak si yaya palabas sa kwarto ko.

"Diyos ko, Anika!" Ani ni yaya ng mapalabas ko siya sa kwarto ko "Anika!"

SMILE:The Prince and the Princess Revelation (NEAR ENDING) - (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon