Smile 10: Math Grades Nightmares

162 24 3
                                    

ANIKA's POV

"I want you all know na masaya ako sa resulta ng grades niyo, Balayong" nakangiting sabi ni Sir Elo habang isa isang tinitignan ang resulta ng grade namin sa papel.

Naghiyawan at tilian naman ang mga kaklase ko sa tuwa, I frowned— Hoo! Simpleng bagay kailangan pa nilang ihiyaw? Jusme! Ang easy pisy lang kaya ng pina-test.

It's been another week since that presence happened at oo nga pala nagkaroon kami ng test nung nakaraang linggo at eto na nga. Ngayon ilalabas ang resulta.

"— Ibibigay ko na ang test niyo sa akin."ani ni Sir Elo sabay nagtawag "Artes?"
"Sir?"
"Bilantres? Bondo? Bilar!"
"Yes pasado ako"

Halos nagtatatalon pa ang mga kaklase ko sa tuwa nang makita ng test paper nila— Kuh! Lahat naman ata kaya sagutin iyon.

"Crown"

Napatingin sa akin ang lahat. I smirked and confidently na pumunta sa harap ni Sir para kunin ang akin, hinablot ko na lamang ito at agad bumalik sa pwesto ko.

Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang tinawag at masayang tinig— Oh em! Ano to?!

"One over fifty?" Bulong ko. "Shit!"

Namutla ako nang makita ko ang test paper ko— God! Pakiramdam ko nasa horror movie ako. This can't be! Bagsak ako sa test!

"Gosh! I love it na!"

Nagulat ako ng biglang bumalandra ang mukha ni Mio sa akin. Matagal tagal na pala akong natulala sa grade ko na halos hindi ko na napansing break time na.

"Bakit?"

I frowned at her, pa simple ko pang itinago ang test paper ko sa gilid ng palda ko— This is embarrasing!

"Look at this, girl" masaya niyang ipinakita ang test paper niya sa kin "Forty over fifty ako, ang saya lang" dagdag niya pa
"Tsk. Mas mataas pa rin ang grade ko diyan" singit naman ni Tracy bago ilabas ang test paper niya at ipagyabang sa amin "Naka forty one ako over fifty! Yes! Wala akong remidial!"
"Tsk! Sisiw lang naman kasi ang test girls" nagulat pa ko ng biglang sumingit si Dylan "Tignan niyo to" mayabang niyang inilabas ang test paper niya at halos mapasinghap kami ng makita ang grado nito
"Forty nine over fifty" sabay sabay naming sabi
"Wow ang galing mo naman" manghang sabi ni Mio "Sabagay, Equations ng X lang naman ang topic na pinag-aralan, kahit kinder masasagutan lahat yun"

That made my sense panicked— God! Walang hiya ka talaga Mio! Pinariringgan mo ba ko ha?! Ano?! Sampalan na lang oh!

"Dapat nga perfect niyo na yan, look at us" singit ni Kelly

Napanganga kami nang makitang perfect ang score nito pati na si Nathan.

"It's quite easy" ngiti ni Nathan "Hindi naman siya mahirap kung tutuusin lalo na at multiple choice pa ang nasa test"

Napayuko na lamang ako— This can't be! Lalabas na bobo ako sa klase! MAPAPAHIYA AKO! Shit!

"You all have to do is to know the equation" seryoso namang sabi ni Kelly
"Nakita ko ang grade ng iba at halos lahat nakakuha ng forty plus" ani naman ni Tracy
"For sure niyang walang magre-remidial" ani naman ni Nathan "Nakita niyo naman si Sir hindi ba? Mukhang ang saya saya niya sa resulta"

SMILE:The Prince and the Princess Revelation (NEAR ENDING) - (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon