Kinabukasan ay maaga akong nagising, kahit namamaga pa ang mga mata ko ay pinilit ko paring imulat ang mga ito. Dahil sabado naman ngayon ay mas pinili ko nalang ang maglinis ng condo unit ko. Marunong na rin naman ako ng gawaing bahay. I learned many things simula ng nagsarili ako. Kung dati may mga katulong kami na siyang tagalinis, ngayon ako na mismo. Napag isip-isip ko rin kasi na hindi lahat ng oras magiging buhay prinsesa ako, kailangan ko rin tumayo sa sarili kong mga paa.
Pagtapos kong maglinis ay napag desisyunan ko nalang magluto ng pananghalian, sawa narin kase ko sa ordered foods.
Palagi kasing order ang ginagawa ko this past few weeks because of my hectic schedules. Kung hindi Jollibee eh Chinese Foods ang inoorder ko.
Habang nagluluto ako ay may narinig akong nag doorbell."Sino naman kaya to?"
Hindi ko paman tuluyang nabubuksan ang pinto ay pumasok na ang mga bruha kong "kaibigan kuno".
"Wow ha, welcome sa condo ko mga ineng", sabi ko.
"Thank you Dhine, bait mo talaga", sabi ni rainbow at nag flying kiss pa ang bruha.
"TSS. Oh anong sadya niyo at nandito kayo?", tanong ko sa dalawa.
"Makikikain kami beshy mwehehehe", si Brit .
"Wow ano ako restaurant?"
"Hindi naman sa ganun beshy. Hmmmm ano yung amoy na yun besh?"
Oh shit! Yung niluluto ko!
Dali-dali akong nagpunta sa kusina ng hindi sinasagot ang tanong ni Brit.
Hay! Salamat buti nalang hindi nasunog!
"BEshy!"
"Ay! Kabayong buntis na nanganak ng sampung palaka! Ano ba brit, wag kanamang manggugulat!" Halos pasigaw kong sabi at ang mga bruha pinagtawanan pa ko.
"Grabe dhine, kung nakita mo lang pagmumukha mo, para kang constipated", saad ni Rainbow na nakahawak pa sa tyan niya dahil sa kakatawa.
Sinamaan ko nalang sila ng tingin."Ano ba yang niluluto mo beshy? pfft", tanong ni Brittle na nagpipigil ng tawa.
"Tse! Isa pang tawa niyo, palalayasin ko kayo sa condo ko".
"To naman di mabiro, ano nga kasi yan dhine ?" Rainbow ask.
"Adobo", maikli kong sabi.
"Wiieeh luto naba besh? Gutom na mga dragon sa tyan ko eh, kain na tayo". Oha? Gara ng mga bruhang to diba? Parang wala lang nangyari kung makapang aya eh.
"Osya maupo na kayo dyan mga patay gutom".
"Grabe siya oh!" Sabi ni Ulan.
Ayun na nga ang nangyari dahil nasa condo narin naman sila ano paba magagawa ko kung hindi ang pakainin sila. Kaya nung natapos akong magluto ay sabay-sabay na kaming nananghalian.
"Dhine? Hindi kaba nabobore dito? Jusko, panonood lang ng TV ang ginagawa mo eh.", si Rain.
Kasalukuyan kaming nasa living room at nanonood ng TV."Hindi naman, kasi marami naman akong pinagkakaabalahan, pagbabasa ng books, pagdedesign and many more.", balewalang sagot ko habang pumapapak ng popcorn.
"Beshy gala tayo sa mall, sama ka samin ni ulan."
"Ano namang gagawin natin dun?
"Baka magtitinda tayo dhine, syempre magsashopping"
"Eh kung pektusan ko ngalangala mo ulan? Gusto mo?" Sagot ko sa kanya.
"Joke ulit! Di ka talaga mabiro. Tara na kasi sama ka samin ni Brit. Woy Brit tama na yang kain kaya pala natahimik ka jan eh." Puna nito kay Brit.
"Oh sya! Hintayin niyo ko magbibihis lang ako!
"Yes!
Hiyaw ng dalawang bruha.
Naiiling na umakyat ako sa aking kwarto para magbihis."Beshy, eto oh bagay sayo diba ulan? Bagay kay beshy?
"Yep perfect to the highest level!
Simula ng dumating kami dito sa mall ay ginawa na nila akong living mannequin, pinapasukat ng ganito ganyan na lagi ko namang tinatanggihan. Bukod kasi sa hindi ko type yung mga designs eh andami ko narin namang mga damit sa condo, sayang lang ang pera. Pero ang dalawang to parang mga bulag na bibe kapag may nagustuhan hala sige bili agad kahit di naman kelangan. Isa rin sa mga natutuhan ko sa pagiging independent ay pagtitipid, kapag hindi naman talaga kailangan huwag na lamang bilhin pa.
"Kanina pa tayo dito, pagod na ko at nagugutom na", reklamo ko sa dalawa.
"Eh? Kasi naman dhine kahit isa wala kapang napipili o di kaya binibili"
"Oo nga beshy tama si Ulan, pili kana kasi kahit isa lang! Pagkatapos kakain na tayo", ungot pa sakin ni Brit .
"Osya sya, ito okay nato maganda narin naman yung kulay tsaka gusto ko yung design" Yung damit na dinampot ko ay simpleng above the knee dress na floral, maganda siya. Okay narin naman.
"Yieehhh let's go Brit bayaran na natin ito at baka magbago pa isip ni dhine.", aya ni Rainbow kay Brit na nagpahatak naman sa kaibigan.
Habang nagbabayad sila Brit at Rainbow sa counter ay nagpasya akong pumunta muna sa garments section. Magtitingin-tingin ako ng mga bago nilang underwares.
"Hon anong gusto mong suotin ko sa vacation natin? Should I wear this or this one?", tanong ng babae habang hawak yung lacy panty na ewan ko ba kung may matatabunan paba nun o wala na at di lang yun nakalingkis pa siya sa lalaki na akala mo mahihiyang dumaan ang hangin sa dalawa at yung lalaki, hinahalikan siya sa tenga o pisnge ba yun? Ah basta ganun yun.
"Jusko Lord patawarin mo po sila dahil hindi nila alam ang ginagawa nila" mahina kong usal.
"It's up to you hon but I prefer you naked", sabay kindat ng lalaki.
"Yieeeh I'm so kinikilig na talaga hon", saad naman ng babae na akala mo naman ay binudburan ng asin.
"Makaalis na nga dito, nakakabwisit ang aarte. Tss magbebreak din kayo mga ulul". Bubulong-bulong na sabi ko habang nakatingin sa magsyota.
"Bakit kaya ang daming bitter sa mundo?.
Napatingin ako sa taong nasa aking likuran at nagulat ng mapagsino ko ito.
BINABASA MO ANG
The Great Hypocrite
RomanceWhen a girl is used to getting hurt ,she won't know how it feels when a guy starts to appreciate her, so she ends up pushing him. This is the story of Maratha Dhine Sierra This is the first time I will write a story so please bear with all the typos...