Chapter 17

31 3 4
                                    

AN.
Sorry for being in active, marami lang talagang bumabagabag sakin lol so here's my update bilang pambawi sa ilang buwang nawala. Shout out nga pala kay Jayson na nangamusta sa story kong to kagabi. Para sayo to tsong!




Matuling lumipas ang mga araw. At ngayon na nga ang itinakdang araw ng renewal of vows ng parents ni Jerred. Maraming nangyari sa mga buwan nang preparasyon. Nakikipagkita naman sakin si Jerred upang mapag-usapan namin yung mga details para maging maayos yung vows ng parents niya. He's civil naman towards me. Ewan ko nga kung anong drama ng lalaking yun sa buhay niya at parang ako pa ang may mali kaya di niya ako masyadong kinakausap. The hell I care. On the other hand, isinantabi ko muna yung mga tanong sa isip ko. Yes, binabagabag pa rin talaga ko sa mga nakita ko. Ikinibitbalikat ko na lamang ang mga ito. Wala rin naman sakin kung anong meron sila. I know Alice will open up to me kapag may exciting na nangyari sa kanya ngunit ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hanggang ngayon ay wala naman siyang nababanggit sa akin. Sa tuwing tatawag siya sa akin ay panay ako ang tampulan niya ng tukso ng dahil sa room mate kong si Jayson. Speaking of that guy, ayun tuloy parin naman yung pambababae niya at sa awa naman ng diyos ay hindi niya naman dinadala sa unit namin ang mga babaeng nakakalampungan niya tulad ng nangyari isang buwan na ang nakararaan. Mantakin mong dinala niya yung host ng isang TV show sa unit namin. At ang magaling na lalaki ay lasing na lasing at punong-puno ng kalibugan, ayun hindi na nakatiis sa kusina pa talaga ang dalawa ng "jugjugan". Sorry for the word tho. At sa ganoon ko silang akto naabutan. Magtitimpla lang sana ko ng gatas dahil hindi ko makatulog sa pag-iisip. Sa pandidiri ko ay hindi nako nagtimpla. Nagmartsa nalang ako pabalik sa kwarto. Noong nag umaga ay nag-usap kami ng masisinsinan at inilatag ko ang mga rules na kailangan naming sundin. Para fair sa aming dalawa at kasama na doon ang prohibition na magdala ng lalaki o babae sa unit unless kaibigan at hindi kalibugan. Pangalawang beses ko narin kasi siyang nakikitang nag gaganun. Siguro laspag na laspag na yung lalaking yun. At sa kabutihang palad ay pumayag ang lolo mo sa rules na ginawa ko.

"Ma'am Dhine, andyan na po yung bride", napabaling ako assistant ko ng lumapit ito sa akin at mag imporma.
"Sige gawin niyo na ang mga trabaho niyo"

I saw the mother of Jerred walks down the isle, looking young because of the smile she wears on her face. Despite of her age, she looks stunning and elegant with her gown. Hindi ko naman ito sinasabi na maganda siya dahil ako ang may gawa niyon. Kahit naman ata anong ipasuot dito, nadadala niya pa rin naman ng may class.
She walks with her arm wrapped with her escort Jerred itself. Ang gwapo niya sa kanyang three piece suit. It fits him well, sa unahang bahagi naman ay naghihintay ang daddy nito na kamukhang kamukha ni Jerred.
Nang iabot ni Jerred ang kamay ng ina sa ama ay pumunta na ito sa upuang itinalaga para dito.

Nang matapos ang vows ng parents ni Jerred ay dumiretso na kami agad sa reception. Kanina'y sumaglit muna ako dito bago magtungo sa simbahan upang I check ang venue kung naiayos ito ayun sa kagustuhan ng mga ikinasal. And I cannot help my self but to smile, I'm very much proud to my team because they've done a good job so far.

Nang magsidatingan na mga bisita ay siya ring pagsisimula ng programa. Sinerve na ang mga pagkain sa mga mesa. On the other side of the reception ay may buffet rin, nilagay ito para sa mga gusto pang kumaing bisita kung sakaling kulangin ang nasa mesa. Masayang kumakain ang mga bisita ng kalampagin ng isang bata yung baso niya hawak ang kutsara. Nagsitawanan naman ang mga bisita dahil dito.

"Baby stop it", saway ng sa tingin ko'y mommy niya. Pulang pula ang mukha nito dahil sa ginagawa ng anak.

"Why mommy? Is it bad? I usually saw people doing this when there's a wedding?", nakakunot noong tanong ng bata at tsaka kinalansing ulit ang baso.

Ang mga bisita naman ay nakigaya na rin habang tawa naman ng tawa ang ikinasal.

"See mommy, there's nothing wrong with what I'm doing", proud na sabi ng bata na ikinailing na lamang ng ina.

The Great Hypocrite Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon