Ako agad ang nagbawi sa tinginan namin ni Jerred nang masayang tumayo si Tita Ayessa kasabay ng masigabong palakpakan ng mga bisita bunga ng aking pagkanta.
"Oh my god Iha, I didn't know that you sing very well. Kung hindi pa ko nag request hindi ko malalaman na may itinatago ka palang talento." Kitang kita ko sa mga mata niya ang paghanga. Na siyang nginitian ko lamang bilang tugon sa kanyang sinabi.
Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa aking pwesto kanina. Hindi ko na lamang pinansin ang pagsunod ng tingin ni Jerred sakin noong dumaan ako sa harap niya. Nahihiya akong tumingin sa kanya dahil sa naghuhumerentado kong puso. This is so wrong. Hindi ako dapat nagkaka ganito dahil lang sa isang lalaki. Nagpaalam muna ko sa mga staff ko noong nagsalita ulit si Tita Ayessa sa harap. Pinili kong pumunta sa gasebo sa likurang bahagi ng reception."God! Ano bang nangyayari sakin? Hindi ako dapat makaramdam ng ganon sa lalaking yun. He's my client for Pete's sake." Inis kong sinabunutan ang buhok ko dahil sa sobrang frustration. Sa ganoong akto ako naabutan ni Jayson. Napabaling ako dito ng tumikhim ito sa likod ko. Na siya namang ikinataas ng kilay ko. Ano namang ginagawa ng lalaking to dito?
"Wooh! Don't look at me as if I've done wrong to you", defensive na sabi nito.
"Tss ano namang ginagawa mo dito mister aber?"
"Am I not allowed to go here? As far as I am concern the Balber Family is the owner of this place", nangingiting sabi nito.
"Edi ikaw na, dyan kana nga", inismiran ko lang siya at akmang tatalikod, nang pigilan niya ako sa aking braso. Awtomatiko namang napatingin ako sa kamay na nakahawak sakin pagkatapos ay tiningnan ko siya.
"Oh? May kailangan ka mister?"
Agad naman nitong binitawan ang braso ko na tila mo naiilang.
"A-Ah N-nothing, you can go ahead", sabi nito na napapakamot pa sa batok at bahagya pang namumula.
"Oh okay, bye?",nagtataka kong tanong at mabilis na nilisan ang gasebo.
Anyare sa lalaking yun? Nakakapagtaka yung kinikilos niya. Kung itrato naman ako nun sa unit eh parang hangin lang naman ako. Sabay kami kung kumain nun pero hindi naman kami nag-uusap or what! Weird.
Pagbalik ko sa loob ay isa-isa nang nag-aalisan ang mga bisita. Napansin ko rin yung mga babae sa isang gilid. They're looking with the same person I am looking at. He's so handsome with his suit. Si Jerred yung tipong kahit anong damit yung isuot ay bagay na bagay sa kanya."God besh ang hot talaga ni Jerred", girl 1.
"I know right' at magaling din siya sa kama besh", sabi naman ni girl 2 na nagmumukha ng payaso dahil sa kapal ng make-up plus yung damit niyang kinulang sa tela.
Wow! Magaling sa kama? So does that mean na may nangyari sa kanilang dalawa ni Jerred? Yuck! Di ko akalaing pumapatol pala si Jerred sa payaso.
Mabilis kong tinalikuran yung mga babaeng yun at nagsimula na ring tumulong sa mga staff ko na busy sa pagliligpit.
Ilang saglit pa ay nahagip ng mata ko si Alice na papasok sa entrance ng venue na pinagdausan ng reception. She's wearing a beautiful cocktail dress. Agad naman siyang sinalubong ng ate ni Jerred na si Hazel at nag beso. After that, she guided Alice on her parents. As soon as they got there, Tita Ayessa hugged her immediately.
Parang may kung anong kumurot sa puso ko. Yung yakap kasi ni Tita kay Alice ay yakap ng mapagmahal na ina na ni minsan ay hindi ko naranasan sa aking Mommy. Oo nga't naibigay niya ang mga pangangailangan ko ng mga panahong magkasama pa kami, pero yakap ng mapagmahal na ina? Nah! Ni minsan hindi ko naranasan yun."Ma'am? Ba't po kayo umiiyak?", nag-aalalang tanong ng empleyado ko.
Pasimple kong pinahid yung luha sa mata ko na hindi ko namalayang tumulo.
"Ah wala to, tapos na ba lahat? ",tanong ko at ngumiti ng bahagya.
"Yes po Ma'am, nauna na po yung mga photographers para daw po masimulan ng I edit yung pictures and videos."
"Good, tell the others that you can go home."
"Okay po" Akmang tatalikod na ito ng mapalingon ulit ito at nagtanong.
"Okay lang po ba talaga kayo Ma'am?"
"Yeah, don't worry about me", I genuinely smiled at her.
"Okay po, sige po Ma'am"
Ng makaalis siya ay napabuntong-hininga ko. Masyado na ata akong nagiging transparent sa emotions ko. Marami ng nakakakita ng mga ito na dapat ako lang ang nakakaalam. Nasaan yung matapang na ako? Simula ng may mga tao akong pinayagang makapasok sa buhay ko ay ganun rin kabilis nagbabago ang lahat sa akin. Tinanaw ko ulit kung saan naroroon sila Alice pero wala na ang mga ito roon. Wala na rin yung mga babaeng nag-uusap tungkol kay Jerred. Mangilan-ngilan nalang yung natitirang bisita. I sighed. Kailangan ko na ring sigurong umalis.
Nagtungo muna ko sa ladies room para ayusin yung sarili ko. Pagpasok ko doon ay walang tao. Nakahinga ako ng maluwag. Nilagay ko muna yung clutch bag ko sa isang gilid at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ngumiti ako ng mapait. Nakikita ko sa salamin ang babaeng pagod na pagod at puno ng sakit ang mga mata. Larawan ako ng babaeng parang hindi marunong ngumiti. I pitied myself. Kung hindi kaya nangyari sakin ang iwan ng mga magulang ko, lalaki kaya akong ganito? Kung nagkaroon kami ng magandang samahan at pagmamahalan, siguro hindi ako nasasaktan ng ganito. Kung buhay kaya si JJ hahayaan niya kaya akong i isolate yung sarili ko sa iba?"Bakit ang hirap maging masaya?", tanong ko sa babaeng nasa salamin at bigla na lamang akong napahagulhol ng iyak.
Nahihirapan na kong magsabi na okay lang ang lahat kahit na hindi at masakit na masakit na sa dibdib. I've already master how to act normal when facing others but when I'm all alone I let my facade fall. Napaupo ako sa sahig at niyakap ang tuhod ko at napahagulhol ng iyak. Nasa ganoong posisyon ako ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si Jerred na may nag-aalalang mukha. Lumapit ito sa akin at agad akong tinanong.
"Dhine? What's wrong why are you crying?"
Hindi ako sumagot at niyakap lang ng mahigpit ang aking tuhod at patuloy lang sa pag iyak. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko siya ay nakakalimutan kong dapat malakas ako, na walang makakapang-api sakin, na kaya kong alagaan ang aking sarili. Naramdaman ko na lamang na niyakap niya ako ng mahigpit.
"Whatever it is, I'm here for you hindi kita iiwan, iiyak mo lang yan"
Nang dahil sa sinabi niya ay mas bumuhos pa ang luha ko. After how many years, ngayon lang ulit may nagsabi sa akin nun. Mula ng mamatay si JJ ay parang nawalan na ko ng kakampi sa buhay, na kapag malungkot ako ay nandyan siya para pasayahin ako. With that thought, ay awtomatikong napayakap rin ako kay Jerred at umiyak sa dibdib niya.
"J-jerred, b-bakit ang h-hirap maging masa-ya?", nahihirapan na akong magsalita at huminga dahil sa kakaiyak ko.
"Ssshhh Dhine, hindi mahirap maging masaya. Kailangan mo lang talagang mag-open up sa iba para mabawasan yung mga nararamdaman mo. ", sabi nito na hinahagod ang likod ko para tumahan.
"B-bakit g-ganun? L-lagi nalang a-akong naiiwan? Hindi b-ba talaga ko ka-mahal m-mahal?"
"Ssshh may nagmamahal sayo hindi mo lang napapansin dahil hindi mo hinahayaan ang sarili mo na makita ito."
"Nagmahal ako hindi naman ako minahal pabalik, bakit nasasaktan ako ng ganito? Ha??" Nahihirapan na akong huminga at nandidilim na rin ang paningin ko. Naririnig kong nagsasalita si Jerred pero hindi na malinaw. And the next thing I knew napapanawan na ako ng ulirat.
"Dhine I love you"
Ang katagang narinig ko bago ako mawalan ng malay.
#AN
Next update will be Jerred's POV ;)
Hindi ko kasi dapat gagawan siya ng POV pero dahil masaya ako gagawan ko siya lolInactive si Ako dahil sa pagtuturo huhuhu kaya mag a update ako pag may spare time. May nagbabasa pa kaya nito? Lol
BINABASA MO ANG
The Great Hypocrite
RomanceWhen a girl is used to getting hurt ,she won't know how it feels when a guy starts to appreciate her, so she ends up pushing him. This is the story of Maratha Dhine Sierra This is the first time I will write a story so please bear with all the typos...