Chapter 5

16 6 5
                                    

ULAAAAAAAAAANNNN!!!

Patakbong sigaw ni Brit para yakapin si Rainbow. Ayan na naman po tayo sa kabaliwan ng dalawang to.hay

"KYAHHH BRITTT', ganting sigaw naman ng huli.

"Hoy mga bruha anong drama niyo? Muntanga lang mga teh? Parang antagal di nagkita ah? Parang nag lunch break lang excited na agad kayo magkita?.

"Besh naman kung makatanga to, eh sa na miss namin ang isat'isa diba ulan?", sabi ni Brit. May paawa effect pa ang bruha.

"True! Ang bitterer mo talaga Dhine hmp! Ihetchu!" Dugtong pa ni Rainbow.

Hay hindi na ko naninibago sa kanila, magkaibigan nga silang dalawa. Weird .

Rainbow Mendoza is our co- worker .Fashion designer rin siya. They are under my supervision.

Ewan ko ba. Even how I tried to distance myself from others napapalapit naman ako sa mga baliw na to. Kahit na anong pag mamaldita ko nandyan parin sila para sakin. Pinapabayaan ko nalang iniisip ko nalang na sila yung pinadala ni Jake para makasama ko.

"Anyways high waist, nakita mo si fafa Jerred ulan? Kyahhh ang yummy niya no?, here we go again sa Jerred topic na to.Napaikot nalang ang mata ko sa kanila.

"Yes nemen Brit. Kinindatan niya nga ako eh. Ang sarap2x niyang kurutin sa abs nung ginawa niya yun Brit! Akala ko nga malalaglag bra ko eh hahaha." ,at nag appear pa talaga ang dalawa.

Sino ba talaga yung Jerred na yun?

"Sandali nga! Sino ba talaga yang Jerred nayan ha? Ba't parang sikat na sikat siya para sa inyo?"putol ko sa kanilang pag-uusap.

"WHAAAAAAATTTT??? HINDI MO KILALA SI JERRED RHYZER VIRATA ???", hysterical na sigaw ng dalawa. Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao sa hallway.

"Hinaan niyo nga yang mga boses niyo, hindi na kayo nahiya pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh!", inis na saway ko sa dalawa.

"Seriously besh hindi mo kilala si Fafa Jerred?", manghang tanong ni Brit.

"Magtatanong ba ko kung kilala ko yung tukmol na yun?" , balik na tanong ko sa kanya.

"Wahhh san kabang planeta nanggaling at hindi mo kilala si Fafa Jerred? Tsaka wag mo siyang tinatawag na tukmol ang hot kaya niya", may pa nguso pang sagot naman ni Rainbow.Isa pa to seriously hiyang hiya nako sa mga pinaggagawa ng mga to.

"Sino nga kasi siya?"

"Naku besh isa lang naman siya sa mga sikat na Bachelors sa bansa. And hindi lang yun CEO rin siya ng Fourangels Inc.,Pinarangalan pa siyang most sexiest man of the Philippines! oh diba hot na mayaman pa san kapa? ",mahabang lintaya ni Brit.

" Ah okay, sige pasok na ko sa office ko, magtrabaho narin kayo, mamaya nayang daldalan niyo tungkol sa Jerred na yun.",
paalam ko sa dalawa.

"Woy beshy ganun nalang yun? Bumalik ka dito uy." sigaw ni Brit sakin.

Iiling-iling naman akong pumasok sa office ko.
Kaya naman pala masyadong mahangin si tukmol may ibubuga rin pala. Tss panigurado kaliwa't kanan ang mga babae nun. Sa isang kilatis palang alam mong walang pag seseryoso yung lalaking yun. Tsk kung sambahin naman siya ng mga tao dito akala mo artista. Gwapo nga mahangin naman lakas ng bilib sa sarili.
At kaibigan pa pala siya ni Sir Carlo. Hmmm no wonder Birds with the same feathers are birds este flocks together.

Pagkatapos ng office hours ko ay dumiretso nako sa Condo Unit ko. Simula nung grumaduate ako ay bumili ako ng sarili kong Condo tutal mag-isa narin naman ako sa buhay kaya mas pinili kong magsarili kaysa tumira sa bahay ng mga magulang ko. Maaalala ko lang ang mga masasakit na alala ng bahay na yun. Sa duration ng paninirahan ko dun ni minsan hindi naparamdam ng mga magulang ko sakin ang pagmamahal at pagkakaroon ng buong pamilya, yung feeling na excited kang umuwi galing school kasi yung mommy mo nag aabang sa labas ng bahay niyo at naghahanda ng merienda para sayo. Inasam asam ko yun pero palagi akong bigo. Imbis na salubong ng akap na may halong pagmamahal yung mararamdaman mo eh kabaligtaran. Kung wala sila ni daddy't mommy, pag-aaway naman nila ang bubungad sa akin. Naging masaya lang naman ako dun noong dumating si Jake at ngayong wala na siya , umalis na rin ako dun. Iniwan ko nalang kina yaya Nelia yung bahay , sila daddy parin naman ang nagpapasweldo sa kanila. Kaya hindi parin sila mawawalan ng trabaho.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong humilata.

"Hello JJ, kumusta araw mo? " Nakangiti kong kausap sa litratong nasa coffee table ko. Ganito ang laging ginagawa ko sa tuwing uuwi ako, kinakausap ko siya. Siguro pag may nakakita sakin, sasabihin nilang nababaliw na ko.
Stress reliever ko to eh ang kausapin siya kahit na alam ko sa sarili kong hindi na siya kailan man sasagot sa mga tanong ko.

"Hay sana JJ nandito kapa, sana hindi moko iniwan". At nang gabing yun nakatulugan ko na ang pag-iyak.

AN. Pasensya po kung natagalan hinahanapan ko pa po kasi to ng inspirasyon pero dahil masaya ako ngayon nag UD agad ako. Salamat po sa mga nagbabasa labyu.

Ps. Waiting is a virtue hahahha

The Great Hypocrite Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon