"WHO ARE YOU?", hindi magkamayaw ang dalawa sa paghahanap ng pwede nilang ipang takip sa hubo't hubad nilang katawan. At ang kapal ng mukha ni kuya siya pa may ganang magtanong kung sino ako, eh unit ko to. The Nerve.
"Sino kayo? Bakit nandito kayo sa unit ko?", pa histerya kong sigaw. Sabay abot ng maari kong ipangbato sa kanila. Nahawakan ko yung hanger at yun ang ibinato ko sa kanila.
"Hon! Who is she?" Ouch! Stop that.", nagsisigaw yung babae nung matamaan ko siya.
"Hey Miss! Ano ba masakit!", sigaw naman ng hudas na matamaan ko siya ng aking suklay at dahil hinawakan niya yung noo niyang natamaan ay bigla nalang nalaglag yung hawak niyang unan. Nanlalaki yung mata ko ng makita ko yung hinaharap ng gago. Napatalikod ako ng dahil sa nakita ko.
"Hoy perv! Tabunan mo yang ibon mo gago.", pasigaw kong sabi sa kanya.
"Shit!", tingin ko'y nagmamadali siyang naghanap ng panakip dito."Babaeng malaki ang bundok magbihis kana rin, Dalian niyo mag usap tayo sa baba hihintayin ko kayo" sabi ko ng hindi sila hinaharap.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila, dali-dali kong binuksan ng pabalang ang pintuan at padabog ko itong isinara. Ilang minuto rin akong naghintay sa kanila sa sala. Pinili kong upuan yung malayo sa sofa kung saan naroon ang mga gamit ng mga mahahalay especially those boxer and bra. So disgusted. After 5 minutes ay pababa na sila ng hagdanan. Seeing them together making me puke. Naaalala ko yung mainit na tagpo na siyang nasilayan ko kanina. Tiningnan ko sila ng salubong ang kilay. Yung babae parang linta kong makakapit sa lalaki at pinagduduldulan yung bundok nya. Eeew! Such a whore. At talagang ninanamnam pa nila yung moment habang pababa ng hagdan ko. Tsk! Kaurat silang dalawa. Noong nakalapit na sila ay nagsalita ako.
"So sino kayo at bakit nandito kayo sa unit "KO"?, diinan ko talaga yung pagkakasabi ng "ko", para naman damang dama nila.
"Excuse me miss but this unit is mine, ibibigay ba naman nung receptionist yung key card kung may nagmamay-ari naman pala nito?", nangisi pa siyang nagsalita. Ang ere ng kuya niyo mga Bess ghad!
"Mister----"
"Jayson. I'm Jayson, and you are?", sabat niya na hindi pa pinapatapos yung sasabihin ko.
"Wala kana dun! Ang akin lang ay kung bakit kayo nandito sa loob ng unit ko at hindi pa kayo nahiya? Dinumihan niyo pa ang guest room ko! geez!", nanggigil na talaga ko, ang sarap nilang kaladkaring dalawa palabas ng unit ko pero dahil may pinag-aralan akong tao kaya ayoko ng eskandalo sa labas.
"I'm sorry to interrupt Miss only your parents know who you are, but my honey Jayson is saying the truth, this is his unit. As a matter of fact Ronel accompanied us here.", yung maharot na babae yung sumagot.
"Ronel? Sinong Ronel?", gulat kong tanong, this can't be. Hindi maaring yung pinsan ko pa ang nagpapasok sa kanila dito.
" Ronel Sierra, the owner of Sierra Group of Companies. He is a good friend of mine. In fact he is my Best friend.", pa cool na sabi ni Jayson the perv.
"No! He can't do that to me! The nerve of that guy. I need to talk to him." Nakakainis yang Ronel na yan, pinagtitripan na naman ata ako. Alam niyang dito ako tumutuloy at alam na alam nun ang room number ko dahil lagi siyang nagpupunta rito. Urggh!
"Go ahead! Let's see whose telling the truth between the two of us, this unit is mine not yours lady.", he smirked.
Hinahamon talaga ako ng lalaking to. Kailangan kong makausap si Ronel hindi niya maaaring gawin sakin to, akin ang unit na to. Wala silang karapatan na angkinin ang bagay na yun nalamang ang mayroon ako. This unit is a gift from my grandma when I turned 18 at matagal na ako dito simula ng umalis ako sa bahay namin. Dali- dali akong umakyat sa kwarto ko upang kunin ang cellphone ko. Akala nung Jayson na yun. Oras na maayos to pagtatabuyan ko talaga silang dalawa ng babae niyang may malaking pakwan. Agad kong tinipa ang numero at tinawagan si Ronel, ilang ring palang ay sinagot na nito ang tawag.
BINABASA MO ANG
The Great Hypocrite
RomansaWhen a girl is used to getting hurt ,she won't know how it feels when a guy starts to appreciate her, so she ends up pushing him. This is the story of Maratha Dhine Sierra This is the first time I will write a story so please bear with all the typos...