"Asus, akala ko di mo na itatanong eh hihihi, siya si....KANOR.""Eh? Sino?", nabingi ata ako saglit sa pangalan nung boylet na sinabi ng bruha.
"Si Kanor, bingi lang bhe?
Seriously? Kanor ang name nung lalaki? Sa description ni Alice, gwapo, macho at yummy. Tapos yung pangalan parang ang "panghe". Sorry for the word. It's just that I'm hoping for a nice name like how she described him. Anyways kanya-kanyang trip naman yan ng mga magulang natin.
"Narinig ko naman uy! Pinaulit ko lang kasi di lang ako makapaniwala na ganun yung name niya. Pfft! Hahaha"
"Makatawa kana man bhe, hmp! Kapag nakita mo siya ewan ko lang kung tawanan mo pa siya.", paismid niya kong tinitigan.
"Sorry naman bhe Alice,eh sa nakakatawa yung name niya parang hindi lang bagay sa description na ibinigay mo "
"Ah basta, kahit medyo di maganda yung name niya, bawing-bawi naman sa ka machohan at kagwapuhan period!"
"Okay sabi mo eh", pagbabalewala kong sabi.
"So maiba tayo, ikaw bhe Dhine musta? May ipapakilala kana bang boylet sakin?" Tanong ni Alice sakin.
"Boylet? As if, takot nga mga lalaki sa akin eh."
"Bakit naman? Anong ginagawa mo sa mga boys?"
"Wala naman. Ayoko lang sa kanila.""Dhine naman, may kinalaman parin ba to kay JJ? C'mon get a life, hindi naman ibig sabihin na nasaktan ka at naiwan ka ni JJ ay ganun na rin ang gagawin ng lahat ng lalaki. Maybe JJ is not meant to stay longer."
Tama naman si Alice, tama silang lahat. Di ko lang talaga maamin sa sarili ko na hanggang ngayon ay apektado pa rin ako ng aking nakaraan. Kahit na ilang taon na ang nakalipas, sariwa parin yung sugat na hatid nito. Sa totoo lang takot na akong magpapasok ng lalaki sa mundo kong matagal ng nakasarado. Ayoko na ulit maranasan ang masaktan, yung feeling na parang ayaw mo ng magising para makalimutan ang lahat ng sakit.
"You know what Alice? Hindi ko naman kailangan ng lalaki, masaya naman ako sa kung mayroon ako ngayon. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay"
"But Dhine----"
"Sshhhh Stop! Just drop that topic, I'm not comfortable with that one"
Natahimik bigla ang kaibigan ko, kitang kita ko sa mga mata niya yung awa at lungkot.
"Alice, please huwag mo akong tingnan ng ganyan na parang awang-awa ka sakin. Don't you see? Masaya naman ako sa buhay ko. I have stable job, in fact nakabangon naman ako sa nakaraan diba? Walang suicide na naganap hahaha"
Tahimik pa rin siya. Kahit hindi ko itanong, alam kong nag- aalala sila para sa akin. Kahit puno ng biro, sila Brit at Rain alam kong mahal nila ako nag-aalala sila para sa akin. What I learned from all of these? Yun ay may mga tao paring handa kang hugutin sa pagkakalugmok at tulungan kang bumangon, kahit pilit mong pagsarhan sila ng pinto andyan parin sila, naghihintay lang at handang makinig sa oras na kaya mo ng harapin sila.
"Wuy! Alice pumunta ako dito dahil sa boylet mo "kuno" diba?. Saan-saan na napunta usapan natin", pag-iiba ko.
Ngumiti naman siya at nagpatuloy sa kwento. Habang nakikinig ako sa kanya, hindi ko maiwasang mainggit. The way she react,smiles, and the sparkle in her eyes, she's happy I must say. It is all visible. Sana ganun din ako pero nakakatakot, hindi pa handa ang puso ko sa lahat ng ito. Maybe, just maybe someday I will learn to open my heart to someone. And I do hope that it will lasts.
Nag stay pa ako kina Alice ng matagal. Dumating rin kasi yung pinsan niyang si Caren na taga Cebu. Nakakatuwa yung boses niya kapag nagsasalita siya ng bisaya, kahit na hindi ko naiintindihan, aliw na aliw parin akong makinig. Ginabi na ako ng uwi, ayaw rin kasi pumayag ni Tita Shawn na hindi ako mag dinner sa kanila, tatanggihan ko pa sana pero knowing her? Alam kong magtatampo siya kaya wala na akong nagawa. It's already nine o'clock when I reach my condo. Nagtaka pa nga ako kasi ang daming reporters sa labas. Pagka park ko ng sasakyan ko ay agad kong tinungo ang elevator, binati pa ako ng staff na nakasabay ko.
"Good evening Ma'am", bati ng babae sakin sabay ngiti.
"Good evening"
"Andaming reporters sa labas ma'am no?" Napatingin ako sa kanya. Hindi ko pa sana sasagutin kaya lang parang ang sama naman kung hindi ko siya kikibuin at mukha naman siyang mabait.
"Oo nga eh, ano bang meron?"
"Naku Ma'am, yung sikat po kasi na Artista Ma'am nandito. Si Jayson Chiu po Maam. Naghihintay po ang mga yun para ma interview siya. Kaninang tanghali pa sila dyan pagkadating ni Jayson andyan na mga yan"
"Ah okay, he's not familiar to me though"
"Hala ka Ma'am hindi niyo po siya kilala? Sikat po yun.
" Oh! Okay "
Marami pa siyang sinabi tungkol sa sikat na artista daw na yun which irritates me. Pakialam ko ba. Hindi ako interesado sa mga artista na yan. Hindi ko naman silang kilalang masyado kaya bakit ko pag-aaksahan ng panahon. I maybe harsh but they're not worth my time. Napatitig ako sa number of floors ang tagal naman huminto.
"Tagal naman", bulong ko na narinig ata ni Ate Girl kaya nagsalita siya.
"Anong floor po ba kayo Ma'am?"
"25th floor", maikli kong tugon.
"Hala Ma'am! Doon din pong floor mag stay si Jayson", nagtitili pa siya. Tiningnan ko siya ng masama na ikinatahimik niya. Sakto rin namang nakarating na rin ako sa floor kung nasaan yung unit ko. Mabilis kong nilisan ang elevator at iniwan yung babaeng staff.
"God she's getting into my nerves", I murmured. Sa lahat kasi ng ayaw ko ay yung napaka ingay. Naaalala ko kasi yung sarili ko noong nabubuhay pa si JJ. Mabilis kong ini swipe sana yung key card ko para makapasok na ngunit natigilan ako kasi bukas na ito. And whats surprise me the most is that. Gulong-gulo yung unit ko. May mga maleta pang nakakalat. Nilapitan ko yung sofa, dinampot ko yung bagay na nakita ko.
"What the!" Sigaw ko ng mahawakan ko ang boxers na hindi ko kilala yung may-ari at katabi nito ay isang bra na pagkalaki-laki, mayroon ding mga damit na nakakalat sa sahig, punit- punit yung damit sa kamamadali ng pagtanggal. Namumula yung mukha ko sa galit pero bigla akong natigilan dahil may naririnig akong ungol mula sa katabi ng kwarto ko which is happen to be my guest room. Dali-dali akong umakyat sa hagdanan. Sa bawat pag hakbang ko ay lalong lumalakas yung ungol na naririnig ko.
"This could not be happening shit!" Nagpupuyos ako sa galit. Kung anu- ano na ang pumapasok sa isip ko. Hindi naman pwedeng magdala ng lalaki sila Brit at Rain dito sa unit ko dahil alam na alam nila kung paano ako magalit. At hindi rin gagawa ng kababalaghan ang isa sa kanila at dito pa talaga sa unit ko gagawin. Mahaharot ang mga yun pero di naman sila hahantong sa ganitong tagpo at dito pa talaga.
Pagtapat ko sa pinto ay huminga muna ako ng malalim, sana hindi tama ang iniisip ko sa mga mahaharot na mga kaibigan ko kung hindi magkalimutan na talaga! Pagka pihit ko ng pinto ay bumulaga sa akin ang dalawang nilalang na nasa mainit na tagpo. They are both naked. Likod lamang ng lalaki ang makikita.
"What the hell", malakas kong sigaw na nagpatigil sa dalawa at bumaling ang tingin nito sa akin.
AN. Sorry for the long wait! Medyo busy lang talaga. At nakalimutan kong may story pa pala ko hahahaa
Anyways Enjoy Reading po :*
BINABASA MO ANG
The Great Hypocrite
Lãng mạnWhen a girl is used to getting hurt ,she won't know how it feels when a guy starts to appreciate her, so she ends up pushing him. This is the story of Maratha Dhine Sierra This is the first time I will write a story so please bear with all the typos...