Dedicated sa loveteam ko hahahaha labyu pwe!
"Sa akin ka nalang sumabay babe, iwan mo nalang yung kotse sa Parking lot."
Kasalukuyan kaming naka sakay sa elevator ng magsalita ito. Shit! Hanggang ngayon nahihiya parin ako sa pinagsasabi ko kanina.
"Okay", walang gana kong sagot.
Hanggang sa makarating kami sa kotse niya ay hindi na ko nagsalita. Naiinis ako sa lalaking to lalong lalo na sarili ko shiz. Nawawala talaga ko sa sarili tuwing kasama ko tong hinayupak na to. Sana naman madali lang matapos tong preparasyon na to para mawala na rin siya sa landas ko.
"We're here", masayang sabi ni hinayupak.
Hindi nalang ako nagsalita. Kung tutuusin dapat hindi ako sumama sa kanya e. Napasimangot ako, kung hindi lang talaga kay Sir Carlo nunkang sasama ko sa kanya. Malay ko bang may masamang balak tong lalaking to sa akin at may pa babe pang nalalaman tss.
"Baba kana dyan babe, gutom kana diba?", di ko namalayang nasa labas na pala siya ng kotse at pinagbuksan nako ng pinto. Agad naman akong tumalima ng baba, nakakahiya namang magpabebe ako, eh siya nga itong magiging boss ko. Habang papasok kami sa malaking bahay no scratch that, its a huge mansion. Syete may mansion kami pero hindi ganito kalawak at kalaki. Tinitigan kong mabuti ang mga palamuti na nadadaan namin, pati yung tinatapakan ko pwede kang magsalamin sa sobrang linaw. Buti nalang talaga hindi ako naka palda kundi masisilipan ako ng wala sa oras.
"Bastos na sahig to, parang yung taong katabi ko"
"May sinasabi ka babe?"
"Wala at tsaka tigilan niyo nga pong kakatawag sakin ng babe hindi po ako baboy tss". Natawa lang siya sa sinabi ko na lalong nakadagdag sa inis ko sa kanya.
"Alam mo dhine para kang may PMS lagi, ba't ba ang init ng dugo mo sakin?", nakangiting tanong nito sa kin.
"Wala naman po". Ewan ko nga rin kung bakit ang init ng dugo ko sa kanya. Siguro dahil sa una naming pagkikita, at dahil na rin siguro sa kahanginan niya. Truly, First impression last.
"If you say so, bilisan na natin naghihintay na rin sila Mama sa dining, nagpasabi narin kasi ko na sinama kita dito. Halika na."
Nagulat nalang ako ng hawakan niya ko sa kamay. First time kong makipag holding hands sa isang lalaki. Kumalabog ang puso ko sa simpleng pagdaiti lang ng mga kamay namin. Parang hinahabol ko ang aking paghinga.
"Are you okay?"
"Ah y-yes", kanda utal-utal kong sagot.
"Ang sarap mong kutusan dhine, umayos ka lalaki lang yan, wag kang papaapekto, hindi ka dapat makaramdam ng ganyan, wala lang sila para sayo."
"Son! mabuti at dumating na kayo", ani ng ginang na sa tantiya ko ay siyang mama ni Jerred. Lumapit ang huli at humalik sa ginang.
"Magalang rin naman pala si hinayupak"
"Hi, you must be Dhine right? The designer and Organizer of our Party?", lumapit sa akin ang ginang at nagbeso beso kami.
"Yes po Madam, I'm Maratha Dhine Sierra", pagpapakilala ko sa kanya.
"Aww nice name, anyways you can call me Tita Ayessa. Masyadong nakakatanda ang Madam", tumawa naman ito ng malakas.
"Ah sige po", nakangiti kong tugon.
BINABASA MO ANG
The Great Hypocrite
RomanceWhen a girl is used to getting hurt ,she won't know how it feels when a guy starts to appreciate her, so she ends up pushing him. This is the story of Maratha Dhine Sierra This is the first time I will write a story so please bear with all the typos...