Saturday came and here I am standing in front of a huge Ancestral house. Owned by Alice family. Pinagmasdan ko ang bahay nila, halos wala namang nabago maliban na lamang sa malalagong bulaklak na naka tanim sa bakuran nila. At sa di kalayuan ay nakita ko yung duyan na lagi kong sinasakyan tuwing pumupunta ako rito noong mga bata pa kami nila Alice. And my childhood memories came rushing.
"Huwaaaaa sabi ng wag mo itutulak ng malakas eh", reklamo ko ng itulak ng malakas ni Jake ang duyan.
"Hahaha ang weak mo talaga dhining."
"Che! Nakakainis ka! Pigilan mo to bababa ako" , simangot akong bumaba sa duyan.
"To naman parang niloloko lang eh", sabi nito na bahagyang kinurot ang pisngi ko.
"Alam mo namang takot ako malaglag, papagalitan ako ni mommy kapag may nakitang gasgas", turan ko.
"Nguso mo dhine haha para kang bibe, sorry na", inakbayan pa ko nito.
"Huwag mo na uulitin ah, ayokong pagalitan ako ni mommy, ayokong ikulong niya ulit ako sa kwarto at hindi palabasin. Paano ko na kayo makikita?", nangingilid ang luha ko habang nagsasalita.
"Oh? Wag kana umiyak promise di ko na uulitin, smile kana dhining ko", pilit niya pang binibinat ang pisngi ko. Napangiti ako sa tinuran niya.
"Talaga? Di mo na uulitin?", nagnining ang mata ko habang nakangiti sa kanya.
"Kita mo na ang ganda -ganda mo pag nakangiti " Nakatingin lang ako sa kanya habang nakangiti.
"Dapat yang ngiting yan hanggang tumanda tayo nandyan pa rin ha? Gusto ko lagi kang masaya. Kahit wala ako sa tabi mo gusto ko maging masaya ka, maipapangako mo ba dhining? Promise?"
"Promise", nakangiti kong tinanggap ang hinliliit niya at idinikit sa hinlilit ko, tanda ng aking pangako sa kanya.
"Ayos! Sige na sakay kana ulit sa duyan, itutulak ko nang hindi masyadong malakas.", aya sakin ni Jake.
BINABASA MO ANG
The Great Hypocrite
RomantikWhen a girl is used to getting hurt ,she won't know how it feels when a guy starts to appreciate her, so she ends up pushing him. This is the story of Maratha Dhine Sierra This is the first time I will write a story so please bear with all the typos...