"Yes Son?"
"Tawag ka po ni Dad sa loob mom", sabi ni Jerred sa ina.
"Oh, Okay". Napahinga naman ako ng malalim, sa wakas makakatakas rin ako sa mga tanong niya, pahamak rin kasi tong lalaking to. Hay!
"Oh siya hija, maiwan ko muna kayo at tinatawag na ko ng Tito mo, may kailangan ata. Pag-usapan nalang natin sa susunod ang mga iba pang detalyeng kakailanganin.", pag papaalam ni Tita Ayessa sakin. Ngumiti naman ako sa kanya.
" No worries po Tita, take your time po"
"Sige", ngumiti muna ito bago pumasok sa kabahayan. Napatingin naman ako kay Jerred na ngingiti-ngiti.
"Oh anong nginingiti mo dyan?", mataray kong tanong.
"Hindi kaba magpapasalamat sakin? I saved you a while ago", sabi niya ng hindi parin mawala ang ngiti sa labi.
"Save me from what?"
"Oh c'mon babe, you know what I mean", tumawa pa ito pagkatapos niyang kumindat. Lord patawarin mo po ako, alam kong kasalanan ang pumatay pero konting konti nalang bibinggo natong lalaking to.
"Ewan ko sayong abno ka!""Babe naman, nagsusungit kana naman kaya tayo napagkakamalang may LQ eh.", sumimangot pa ito na parang nagpapaawa.
"Isa pang hirit mo at sa Babe2x nayan sisipain na talaga kita sa kayamanan mo", pagbabanta ko sa kanya.
"Yan ang wag mong gagawin babe, maraming napapaligaya nito at tsaka baka di na tayo magkaanak, pag ginawa mo yan."
"Aba't------"
"Wooh wooh, oo na oo na di na kita tatawaging babe, amazona ka rin talaga eh no?", sabi nito habang sinasalag ang mga sipa ko sa kanya.
"Umayos ka, nandito ako para sa trabaho kaya wag mo kong iniinis kundi bibitayin kita ng patiwarik."
"Sungit mo talaga, kaya ka iniiwan eh, tsk3", pumito pa ito na parang nang-uuyam.
Natahimik naman ako sa sinabi niya. Siguro nga tama siya. Wala talagang nagmamahal at lagi akong iniiwan."Oh natahimik ka dyan?", tanong nito sakin ng hindi ako nakagalaw at natulala saglit dahil sa sinabi niya.
"Ah wala, sige pasok na ko sa loob. Kailangan ko na rin kasing magpaalam sa mga magulang mo, babalik pa ko sa opisina ko para mag-ayos."
"Sige-------" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya, tumalikod na agad ako sa kanya. Nang makalayo ako ay pinunasan ko ang butil ng luhang pumatak sa mga mata ko. Masakit palang ipamukha sayo na lagi kang naiiwan dahil sa ugali mo though hindi naman siguro niya intensyon yun. Masyado lang ata akong maramdamin pagdating sa mga usaping yun. Nakasalubong ko pa ang kapatid niyang si Hazel sa pagpasok. Nginitian ko lang siya at nagpatuloy lang sa paglalakad papuntang visitors area kung saan naroon sila Tita Ayessa. Nag aalangan pa nga ako kung lalapitan ko ba sila o hihintayin ko nalang matapos ang pag-uusap nila pero nanaig sakin na magpaalam na kasi hindi ko na kayang magtagal pa dito sa bahay nato ng ilan pang minuto. Hindi sa pag-iinarte gusto ko lang talagang umuwi na sa Condo at mapag-isa. Mapapagod lang akong magpanggap na okay lang ako kahit hindi naman. Nang makalapit ako sa mag-asawa ay nag paalam na ako. Pinipilit pa akong mag stay ni Tita Ayessa pero for the nth of this day ay nagsinungaling na naman ako na may gagawin pa ako sa office kahit wala naman.
"Ay ganun ba hija? Sige ingat ka sa byahe, papahatid nalang kita kay Jerred sabay kayong pumunta dito diba?", mungkahi ni Tita Ayessa.
"Ay wag na po, magtataxi nalang po ako, nakakahiya naman po", pagtanggi ko.
Pero dahil mapilit si Tita ayessa, nasunod parin ang gusto niyang ihatid ako ni Jerred, nakakatawa ang pagkakataon no? Kung kelan feel na feel ko ang magdrama tsaka pa ako walang masakyan. Isang malaking tanga rin ako eh, ba't ko nga ba nakalimutan na sabay kami pumunta ni Jerred dito at yung sasakyan ko ay naiwan sa Fourangels Building. Geez! Yung pilit kong iniiwasan, yun pa ang kasama ko ngayon, edi wow.
BINABASA MO ANG
The Great Hypocrite
RomanceWhen a girl is used to getting hurt ,she won't know how it feels when a guy starts to appreciate her, so she ends up pushing him. This is the story of Maratha Dhine Sierra This is the first time I will write a story so please bear with all the typos...