Chapter 16

20 3 4
                                    

Hanggang makabalik ako sa unit ko ay iniisip ko parin yung nakita ko kanina sa mall. How come na magkakilala si Alice at Jerred? Yep yung lalaking kasama ni Alice kanina ay walang iba kundi si Jerred. Sinundan ko pa sila kanina kung saan sila patungo nang makita kong pumasok sila sa isang restaurant ay ipinasya ko naring umuwi. Hindi naman ako chismosa na hanggang loob ay susundan ko pa sila. Nang dumating ako sa Condo ay
dire-diretso na akong pumasok sa kwarto ko without minding the presence of Jayson and my friends  sitting on the receiving area. Nang makapasok ako ay pinagkasya ko nalang yung sarili ko sa panonood ng mga videos ng mga sikat na fashion designers and their collections of dresses. This is my hobby searching and surfing the net. It feels heaven, my only escape.
Ilang saglit pa ay may narinig akong katok kasunod nito ay pagbukas ng pinto. Bumungad sa akin sila Rain at Brit. Tinaasan ko lang sila ng kilay.

"Oh bakit nandito na kayo? Nagsawa naba kayo sa Jayson na yun?"

"Dhine naman! Para kang others. Artista yun eh tsaka fafabels kaya namin kinakausap."

" True! Alam mo naman kami ni Brit kapag nakakita ng gwapo.", ani Rain.

"Kaya nga di na ko nagtataka, pinabayaan ko na nga kayo kanina diba? Tss"

"Ayiieeehh, tampururot naman c Friend, love mo talaga kami no?", sinundot-sundot at pinagkikiliti pako ni Brit na kalaunan ay nakisali narin si Rain.

"Stop", pilit kong iniilag at sinasalag yung mga kiliti nila sa katawan. But these girls are persistent. Nahinto lamang sila ng bumukas ang pinto at sumilip ang ulo ni  Jayson sa siwang ng pintuan.

"Yes? Do you need anything?", una akong nakabawi sa aming tatlong magkakaibigan dahil yung dalawa ayun pinagtatawanan parin ako ng lihim sa hindi ko malamang dahilan.

"Nothing, I just want to inform you that I will be out for awhile.", he said smiling. Amusement is visible in his eyes.

"Oh okay", kibit balikat kong sabi.

"Okay, see you later." Hindi paman niya nasasarado ng tuluyan ang pintuan ay sumilip siyang muli.

"By the way Nice hairstyle keep it up", kumindat muna siya at tuluyan nang isinara ang pinto. Binalingan ko naman ang mga kaibigan ko na ngayon ay humahagalpak ng tawa.

"Uy anong hairstyle yung pinagsasabi nun?", tanong ko sa kanila.

"See it to yourself Dhine, tingin ka sa salamin dali", tinulak pa ako ni Rain sa harap ng salamin habang tatawa tawa pa ito. Napamura nalang ako sa itsura ko sa salamin. Nagmukha akong witch na bida sa Snow White and what's worst is mas malala pa ko dun. Yung buhok kong parang na kuryente, naka one sided pa. Kaya pala ganun nalang ang tawa nila Brit. Nagmukha akong timang at ang mokong na Jayson na yun arrgh kainis.
Pinukol ko ng masamang tingin ang dalawa, na bigla ring natahimik nung makita ako.

"Look what you've done girls", turo ko sa buhok ko.

"Sorry na, pinapatawa ka lang naman namin eh." Tsaka huwag kang Oa besh si fafa Jayson lang naman yun"

"Eh kung sa inyo ko kaya gawin to? Kayo kasi eh sabi nang hindi ako galit eh hays."

" Yieeh sabi mo yan besh ha! Di kana galit samin ni Brit"

"Oo na", hay ganito naman ako parati eh, nasanay akong mag-isa pero pagdating sa dalawang to hindi ko magawang magalit o magtampo ng matagal. They're precious to me, hindi man halata pero mahal ko sila. I don't want to loose them, hindi ko na siguro kakayanin pa ang mawalan ng mga taong malapit sa akin kahit na hindi ko alam kung hanggang kelan sila mananatili sa aking tabi. Marami akong nakilala sa nakaraan pero iilan lang sa kanila ang nagtagal na  maituturing kong totoong kaibigan at ilan sa mga yun ay sila Brit at Rain. I must say that despite of all the bad things that had happen, having them is the most precious one. Nakilala nila ko sa mga sandaling mag-isa na lamang ako, broken and lonely. Hindi nila ako sinukuan kahit na hindi maganda yung pakikitungo ko sa kanila, ika nga nila " patience is a virtue".

"Earth to Dhine?", kumaway kaway pa si Brit sa harap ko.

"Y--yes?" What was your saying?", hindi ko na malayan na nakatulala na pala ko sa harap nila.

"Nagtatanong si Rainbow kung san ka ba daw galing? Hindi ka sumama sa aming kumain. Ang sarap paman din ng luto ni Fafa Jayson"

"Ah wala, sa labas na ko kumain. Malay ko ba kung may lason yung inihanda ng lalaking yun!", nakaismid kong sabi.

"Grabhe siya oh! Edi sana kung may lason yun, patay na kami ni Ulan. Andami paman din ng nakain niya. Naka tatlong pinggan kaya yan."

"Woy hindi ah! Dalawa't kalahati lang yun uy"

"Counted as three parin yun nu kaba"

"Aray naman Brit ansakit na ng batok ko, kotang kota kana sa kakabatok sakin. Buti nalang talaga wala akong highblood. Naku! kung meron baka pinaglalamayan na ko."

Nakatitig lang ako sa kanila habang nagbabangayan. Seeing them like this is my medicine. Yeah! Kahit na parang nagbabangayan at nagkakasakitan, natutuwa parin akong makita silang nagbabati pagkatapos at magtatawanan. Parang ang gaan lang ng buhay para sa kanila ang lahat. They are my happy pill. Napabaling ako kay Rain ng magsalita ito.

"Siya nga pala Dhine, tumawag si Sir Carlo kanina, pinapatanong daw ni Sir Jerred kung kumusta na raw yung details para sa renewal of vows ng parents niya?"

"Everything is okay naman na, tawagan ko nalang si Sir Carlo mamaya."

"Teka nga muna Dhine? Bakit si Sir Carlo pa ang nagtatanong? Diba number kanaman kay Sir Jerred?", may halong pagtataka ang tanong ni Brit.

"Aba ewan ko sa kanya."

" Tsk tsk tsk! Nag- away kayo no? Awiieeh I smell something, like oh la la"

"Tigilan moko Brittle sa mga paganyan ganyan mo, wala ako sa mood para pag-usapan yung lalaking yun. Kung ayaw niya kong kausapin edi wag", May pa "you can ask me instead" pa siyang nalalaman yun naman pala iaasa lang naman niya yung lahat sakin. Inuuna niya pa ang pakikipag date tss.

"Sabi mo eh, oh siya Dhine uwi na kami ha! Tapos na rin naman kaming makikain."

"Tse! Magsilayas na nga kayo", pagtataboy ko sa kanila.

"Asus di mo kami mamimiss?", segunda pa ni Rain.

"Asa! Magsilayas na nga kayo, naaalibadbaran ako sa mga niyo"

" Ouch! Ansakit Brit tagos sa puso."

"Yeah Rain I'm hurt tagos na tagos hanggang bituka ko", at nagsimula na naman silang magdrama.

" Hindi kana naawa samin, dumayo pa kami dito para lang makita ka tapos ayaw mo naman pala samin. Ouchy!

"Stop! Mukha kayong timang. Hala lumarga na kayo"

"PEACEEEEEEEEEEEEEEEE", sabay na sabi ng dalawa.

"Bye Bye Dhine"

"Bye"

Isinarado ko na ang pinto matapos kong maihatid sila sa labas. Tiningnan ko ang loob ng unit ko, tahimik, walang maingay, this is what I live. Ganito ako mag-isa, walang kasama. Pilit ko man silang itaboy, ako rin lang ang nasasaktan. I'm such a hypocrite pretending to be okay even if its not. Pretending to be brave and all. Because making them see the weakest me is the last thing that I will do.


AN.
Ayo! I'm back! A short update for you guys :-* hope you liked it.

The Great Hypocrite Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon