Living with a guy in the same roof is not easy. You need to adjust on the works that you used to do. Kaya Good luck nalang talaga sa akin. Kailangan ko rin kasing isaalang-alang ang mga bagay na makakabuti para sa aming dalawa. Mula kaninang magising ako ay lumabas lang ako para makainom ng tubig. I'm not a morning person that's why I'm not used of eating breakfast. Hindi ko pa nakikita si Jayson a.k.a My VIP unit mate. Tulog pa siguro. Since its Sunday napag pasyahan kong manatili nalang sa kwarto ko at asikasuhin ang mga kailangang gamitin para sa nalalapit na renewal of vows ng parents ni Jerred. Speaking of that guy, hindi ko na pa siya nakakausap simula kahapon. Maybe he's busy or he don't want to talk to me. Sa mga ilang oras na pananatili ko loob ng aking kwarto ay andami kong tinawagang tao na kakailanganin ko para sa wedding. I'm done talking with the catering, photographer and the owner reception venue. Dahil kilala ang mga magulang ni Jerred sa larangan ng business ay kailangang maging perpekto ang lahat. Ayoko rin naman kasing ma disappoint si Sir Carlo. He really believes on my capacity. The designs of Jerred's parents outfits are already done. Since sa akin naman ipinaubaya ng mommy ni Jerred ang lahat, I think kailangan ko nalang ayusin ang mga ito at ikonsulta ang mga ito kapag nakabalik na sila for fitting. Isang buwan nalang ay nalalapit na ang renewal of vows nila kaya kailangan kong mag focus sa work ko para mapadali ang preparation. Nang masulyapan ko ang orasan ay past 11 na kaya napagpasyahan kong bumaba at maghanda ng pananghalian.
Pag bukas ko ng pinto ay may naaamoy akong mabangong ulam na sa tantiya ko ay tinolang manok na nanggagaling sa aking kusina. Habang bumababa ako sa hagdanan ay may nag uusap at kasabay nito may naririnig na akong hagikhikan. Nabungaran ko ang mga kaibigan kong pinagkakaguluhan si Jayson. Nagluluto ang huli habang ang dalawa naman ay nakaupo't nagpapa cute."May girlfriend kana ulit pogi? Wala na kayo noong sikat na model ng Bench diba?"
"Ano ba yang tanong mo Brit!" Saway ni ulan. "Eh Fafa J available kaba mamaya date tayo, you want?"
Nangingiti't napapailing na lamang si Jayson sa kabaliwan ng dalawa.
Hindi muna ko pumasok sa kusina. Nakatayo lamang ako sa hamba ng pintuan. Kitang- kita ko kung paano kumislap ang mga mata ng mga kaibigan ko sa nakikita nila. At ito namang si Unit mate ko tuwang- tuwa pang ibalandra ang katawan niyang natatakpan lamang ng apron."Fafa J punta ka rin sa condo ko. Promise wala doong mga paparazzi tapos Pagluto mo rin ako please", si Ulan while batting her eyelashes .
"Naku ulan may fafabels kana eh huwag mo ng agawin si pogi sakin".
"Break na kami ng fafabels ko. Tss. Hindi ba naman ako ipaglaban sa parents niya nung pinakilala ako at ayaw sa akin ng nanay. Mama's boy ang kumiraw. Takot mawalan ng mana kaya iniwan ako. Hayp! Kaya akin nalang si Fafa J."
"No way! Una ko siyang nakita eh, tsaka matagal ko na siyang pinagnanasaan sa TV"
BINABASA MO ANG
The Great Hypocrite
RomanceWhen a girl is used to getting hurt ,she won't know how it feels when a guy starts to appreciate her, so she ends up pushing him. This is the story of Maratha Dhine Sierra This is the first time I will write a story so please bear with all the typos...