Chapter 8

31 5 4
                                    

Kasalukuyan akong nakasakay sa kotse ko at patungo ng FOURANGELS Building. Naipit pa ako sa traffic buti nalang talaga may dalawang oras pa kong allowance. Alas otso palang kasi ay napagpasyahan ko nang magtungo sa office ng kliyente ko, nakakahiya naman kasi na siya pa ang maghintay sa akin. At eto nga nasa byahe pa ko dahil sa lintek na traffic na to. Lahat ng Plataporma ng mga tumakbong presidente noong nakaraang eleksyon ay ang masulosyunan ang trapiko sa Pilipinas, sana naman ay matupad. Nakakabuang kayang bumyahe ng ilang oras, na kung tutuusin ang lapit-lapit lang naman. Hay naku buhay, nakadagdag pa talaga sa stress ko ang traffic nato tss.

Ten O'clock na nang nakarating ako sa Fourangels Inc, shizz ang taas naman ng building na to, no wonder napakayaman nga talaga ng magiging kliyente ko lalo tuloy akong kinabahan.

Pagkatapos kong makausap ang receptionist kanina ay dire diretso na ko sa pag akyat sa top floor di naman ako naligaw kasi nag iisang room lang ang meron ito. At heto nga narito nako sa tapat ng pintuan ng CEO.

"Kaya mo yan dhine"

Kumatok muna ko bago pumasok. Sinalubong naman ako ng pamilyar na mukha ng isang maliit na babae, secretary ata ni Mr. Virata.

"Good Morning I'm Maratha Dhine Sierra, naka appointment ako kay Mr. Virata para sa pagdedesign ng mga susuotin ng parents niya for their wedding anniversary. Ako yung ipinadala ni Sir Carlo." Pagpapakilala ko.

"Ay ikaw po pala yun Ma'am good morning din po, ako nga po pala si Shiela . Nasa meeting pa po kasi si Sir with the investors pero maya-maya po nandito na rin po yun. Upo muna po kayo ma'am."

May 30 mins pa kong hihintayin. Di ko mapigilang ilibot ang paningin ko sa office niya. It's a combination of black and white, very manly. Alagang alaga ang pagkakafile ng papers, may mga cabinets din na nasa likuran ng lamesa ng lalaki. Punong puno ito ng mga libro parang mini library. Mukhang mahilig sa libro si Mr. Virata.

May picture din ng isang babae sa lamesa niya. Ang ganda niya parang model sa kagandahan, siguro girlfriend ito ni Mr. Virata. Itatanong ko sana sa secretary niya kaya lang pinigilan ko ang dila ko. I came here for business hindi para makichika sa personal na buhay ng kliyente ko. Napatingin ako kay shiela ng tumunog ang telepono at sagutin nito ang tawag.

"Hello Sir? Yes nandito na po yung magdedesign ng damit na pinadala po ni Sir Carlo." Sandali itong nakinig sa telepono. "Dyan nalang po sa Conference Room papupuntahin? Sige po ihahatid ko nalang po siya.". Ngumiti ito sakin ng maibaba ang telepono.

"Ma'am sa conference room nalang po daw kayo mag usap sabi ni Sir, ihahatid ko nalang po kayo dun"

"Ah, ganun ba? Sige", agad naman akong sumunod kay Shiela.

"Ilang taon kanang nagtatrabaho dito?", hindi ko mapigilang tanong habang papuntang conference room.

"Ako po? 3 years na rin po akong secretary ni Sir Jerred.", nakangiting sagot nito.

"Mahirap ba?"

"Mahirap na masaya, crush ko po si Sir Jerred eh", sabi nito at tumawa lang pagkatapos.

"Ah kaya pala", ngumiti na rin lang ako ng pilit.

"Pero wag po kayo maingay ha' secret lang natin yun, ayoko pang mawalan ng trabaho uy.".Tango lang ang isinagot ko sa kanya.

"Nandito na po tayo Ma'am, pasok na po kayo at ako naman po ay babalik na sa office. "

"Thank you Shiela"

"Your welcome Ma'am " sabay talikod at umalis.

"This is it!"

Kumatok muna ako bago pumasok. Nabungaran ko ang lalaking nakayuko sa lamesa habang abala sa kanyang mga binabasang mga papel papel. Tumikhim muna ko bago nagsalita.

"Good Morning Mr. Virata". Nag angat ito ng tingin at nagulat ako ng makilala ang pamilyar na mukha na siyang lalaking tumatawag sakin ng babe sa company canteen namin noong nakaraan.

"Good Morning Babe", sumilay ang matamis nitong ngiti na animoy model ng tooth paste.

"You are my client Sir, so I guess you need to stop calling me babe" ,sabi ko sa kanya at tinaasan lang ng kilay. At ang hinayupak pinagtawanan lang ako.

"Ang ganda mo talaga babe kapag nagtataray", ngingiting pang sabi nito. "Anyways have a sit Babe".
Pabagsak akong umupo malapit sa kanya at nilapag ang ballpen at notebook sa mahabang lamesa.

"Chill nawawala ang posture mo Ms. Sierra ", sabi nito ng nakahawak sa lips at pinipigilan ang pagtawa.

"Okay Sir, let's go on to the anniversarry details", pag-uumpisa ko. Tumikhim ito at umayos ng upo.

"Since it was my parents silver anniversary, magkakaroon din sila ng renewal of vows."

"Come again Sir? Gulat kong tanong. "Sir Carlo informed me about this, but he only says its a glamorous party not a wedding ", kontra ko sa kanya.

"That's the first plan but because of my parents request, we come up to the renewal of their vows. Is there any problem about that?", tanong niya sakin.

"Nothing Sir", natameme ako, kliyente ko siya kaya wala akong karapatang magreklamo. Ayoko ring ipahiya si Sir Carlo. Geezzz.

"Good! Anyways gusto kong maging masaya ang mga magulang ko sa araw na yun and since sabi ni Carlo aside from designing of clothes eh nag oorganize karin ng party, is it true?".
Napatango nalang ako. Wala rin naman akong magagawa. The customers are always right.

"So anong kailangan ko pong gawin sir?", tanong ko sa kanya.

"I'm assigning you to be the organizer and the designer as well, I'm sure you can handle that right?" ,tanong nito sakin na tila ba naghahamon.

"No worries Sir, I can handle that.". Taas noo kong sagot pero sa loob loob pinapatay ko na itong lalaking to.

"So that's settle then, and about the details. You can ask my mom about it, from the motifs and all."

"Okay sir, can I ask when will the renewal of vows will happen?

"It will be in two months time"

"What???? Two months?", hysterical kong sigaw.

"Wooh, babe wag kanaman sumigaw, I'm all ears here, nakikinig ako ng mabuti sayo."

"I'm sorry, pero 2 months talaga?"

"Yep", sabi nito.

"Shet naman oh, mapapasubo pa ata ako sa hinayupak nato. Sir Carlo naman kasi "

"Okay sir I'm okay with it", pagsang ayon ko kahit labag sa loob ko.

"So are we good?" Tango lang ang sagot ko sa kanya. Nakita kong nagliligpit na siya ng mga papeles na binabasa niya kanina. Ako naman itong parang timang nakamasid lang sa kanya.

"Its lunch time already, come with me I'll take you to our house, para makilala mo na rin c mommy.", balewalang sabi nito.

"Okay, may magagawa pa ba ko?", bubulong bulong kong sabi.

"Come again babe?"

"Wala sabi ko bilisan mo dyan, nagugutom na ko", inis kong sabi.

"Woohh hindi pa tayo niyan babe, pero ang bossy mo na", sabay kindat at ngiting ngiti. Namula naman ako sa tinuran niya. Nakakahiya ako, kliyente ko siya pero parang ako pa ang boss.

"Tse! Bahala ka sa buhay mo", nagmamadali akong lumabas ng conference room dahil sa kahihiyan. Narinig ko naman ang malakas na tawa ng malandi kong kliyente.

"Argghhhh bwiset!!!"


The Great Hypocrite Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon