Nakatayo ako sa harap ng kabaong ni JJ.
Nakatingin lang ako sa kanya. Ni kahit na isang butil ng luha ay walang lumalabas sa aking mga mata . Hindi parin talaga ako makapaniwala na wala na ang best friend ko. Iniisip ko nalang na natutulog lang siya at magigising siya ng nakangiti at sasabihing "joke lang buhay pa ko" kasabay ng pagbunghalit ng tawa tulad ng ginagawa niya sakin dati.
Pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na buhay pa siya alam kong hindi na siya babalik."Ang daya mo JJ diba sabi mo hindi moko iiwan? Hero kita diba? Ipapagtanggol mo pa ko sa mga villains.
Sino na kasama ko tuwing pupunta kong ruins ? Sino ng papasan sakin tuwing masakit na yung paa ko sa kakalakad?
Sabi mo pa nga pupunta pa tayong Valenzuela para makita ko na sa personal yung favorite kong author na si Marielicious . Andaya mo Jack and Jill bakit di mo sinabi na may sakit ka? Kaya ba lagi kang tulala at namumutla ? Kaya ba kapag naglalakad ka nang matagal mabilis kang hinihingal?
Nakakainis ka naman eh bakit wala kang sinasabi?
Bakit hindi moko hinayaang alagaan ka tulad ng pag aalaga mo sa akin? Bakit hindi mo shinare sa akin yung mga nararamdanan mo kung may masakit ba sayo? Kaya ba sinabihan mokong wag malungkot kapag nawala ka kasi alam mong iiwan mo na ko?.Ang dami kong tanong na wala ng sasagot. Wala na ang best friend ko, my hero and most especially the one I love. Yes, may lihim akong pagtingin sa best friend ko, lihim akong nagmamahal para di magkasira ang pagkakaibigan namin.
Noong araw na nalaman kong namatay si JJ wala akong naramdaman parang namanhid ang buo kong katawan. Hindi ako naniwala sa kanila kaya ang ginawa ko naghintay ako sa bahay dahil alam kong magpupunta yun sa bahay namin at manunuod kami ng movie o di naman kaya ay gagala kami sa Ruins.
Three days had pass pero walang JJ na dumating. At ngayon ngang araw nato ako dumalaw. Masakit, No scratch that sobrang sakit. Yung sakit na parang wala kanang maramdaman kasi namanhid kana. Sana nalaman ko ng mas maaga ang sakit niya edi sana napilit ko siyang magpagamot. Sana andito pa siya, andaming sana pero wala na, huli na, dahil eto ngayon sa harap ko ang katotohanan na wala na ang lalaking naging sandigan ko."Mahal kita Jake alam kong masaya ka na kung saan kaman pupunta. Wag mokong kakalimutan ha? Pipilitin kong magpakatatag kahit di ko alam kung paano."
Kasabay non ang pagtulo ng luha ko na agad ko ring pinalis.
Umuwi ako sa bahay pagkagaling ko kina Jake. Naabutan kong umiiyak ang mga kasambahay. Nang mapansin nila ako ay agad silang nagsialisan, tanging si yaya Nelia lang ang naglakas loob na lumapit sakin.
"Anyare ya? Bakit na naman kayo umiiyak? May namatay na naman po ba? " sunud-sunod kong tanong.
"Hindi hija ang mommy mo umuwi dito umiiyak, tinatanong namin kung anong nangyari pero ang sabi niya lang hihiwalayan niya na daw ang daddy mo at aalis na siya dito. Lumayas ang mommy mo anak. ", mahabang pahayag ni yaya Nelia habang nakatingin sakin na punong puno ng awa ang mga mata.
"ah ganun po ba? Hayaan niyo nalang po sila ni mommy't daddy matatanda na po sila. Sige po ya' akyat na po ako sa taas ,magbibihis lang po ako ,pakitawag nalang po ako kapag kakain na."Pagdating ko sa kwarto halos manghina ang mga tuhod ko. Sabay-sabay na dagok sa buhay ko ang dumating. Una, ang pagkamatay ni Jake at ang paghihiwalay at paglalayas ni mommy . Gusto kong magpakaipokrita at sabihing hindi ako iiyak dahil sa mga nangyayari sa buhay ko, sisikapin kong maging matatag .At hindi ko na hahayaang may makapasok pa sa buhay ko na mamahalin ko ng lubos na sa bandang huli ay iiwan din ako.
From this day on Maratha Dhine Sierra will be no longer the lousy girl she used to be.
BINABASA MO ANG
The Great Hypocrite
RomanceWhen a girl is used to getting hurt ,she won't know how it feels when a guy starts to appreciate her, so she ends up pushing him. This is the story of Maratha Dhine Sierra This is the first time I will write a story so please bear with all the typos...