My Detective Partner

9.2K 189 4
                                    

[Revised]

Prologue

“Okay, class. Answer this in 30 minutes. You may start now.”

Tinipa ko ang phone ko at nagkalikot. Okay. All I have to do is to sign in. Pagka-sign in ko, agad kong pinakialaman ang security settings. Dinis-able ko muna lahat ng makakapag-detect sakin. Atsaka ko hinanap ang nag-co-connect sa CCTV. And I scanned it. Lahat ng records na mayroon ang CCTV, tingnan ko. Kailangan ko kasing hanapin yun.

Tiningnan ko yung prof ko kung may possibility na makita niya ako at mukhang wala naman. Nagsusulat kasi siya doon sa desk at malayo siya sa akin. Sa totoo lang, tinaon ko talagang umupo dito sa pinakalikod at pinakasulok na upuan sa classroom dahil dito.

Tiningnan ko ang blackboard at nakita kong may seatwork pala. Buti na lang at nag-advance reading ako kahapon kaya alam ko halos lahat ng sagot sa tanong. Mamaya na lang yan. Madali na lang yan.

Sunod kong tiningnan ang mga kaklase ko. Mukhang oblivious sila sa akin at masyado silang focus sa seatwork. Okay, good.

Matapos ang pag-iikot ko ng tingin sa classroom, ibinalik ko na ang tingin ko sa phone ko. At nagulat ako sa nakikita ko. Something unusual is happening! Namilog ang mga mata ko and I panicked. Shocks! May nang-ha-hack sa akin pabalik! This is unexpected. Dati naman, kapag hina-hack ko ang system ng school, wala naman akong nae-encounter na ganito. Hindi kaya napansin nila na in and out na lang ako sa system? Pero imposible, malinis kong ginagawa yun. Hala ka! Baka ma-trace ako nito.

I did what I had to do. Umalis ako sa system ng school before its too late. Siguradong virus ang i-se-send nun sa akin. At iyon ang iniiwasan kong mangyari. Baka bukod sa ma-trace ako, malaman pa ang identity ko. Maki-kick out ako ‘pag nagkataon. And that would be bad news.

Itatago ko na sana ang phone ko nang may narinig akong tumikhim. Oh no! I gulped. Dahan-dahan akong nag-angat ng paningin. Napangiwi ako. Sabi ko na nga ba. Minamalas talaga ako sa araw na ito.

“Ms. Montez, mukhang gusto mong ma-late ng uwi ngayon ah.” Wika ng prof ko. I gulped.

Patay talaga ako nito. “Ah..eh…Sir…” kinakabahangwika ko. He creepily smiled at me. Tumayo ang mga balahibo ko. Then, he looked at my hand. Nagsimula na akong pagpawisan ng malamig.  It’s confirmed. Nagkatotoo ang sinabi ng Mayan calendar. It’s doomsday!

Binalik niya ang tingin niya and I saw something wicked in his eyes. “I’ll see you in detention,Ms. Montez.” Wika niya sabay hablot niya ang phone ko mula sa aking kamay. Oh no’es! My phone!

My Detective PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon