♛5♛

2.2K 104 20
                                    

LUNA'S POV

WALA PA DIN AKO SA SARILI KAHIT NASA CLASSROOM NA AKO.

Kakalabas lang ni Kuya sa ospital kanina.

Naalala ko ang mala-MMK naming usapan.

"Sige na, pumasok ka na. Alam ko mahalaga sayo ang pag-aaral mo."

(。-_-。) Ang bait talaga ni kuya.

"Pero kailangan mong maalagaan Kuya." Giit ko.

"Kaya kong tumayo at kumain. Nakapagluto ka na. Saka baka mahawa ka pa sakin kaya dapat pumasok ka."

"Pero-----"

"Malulungkot ako kapag nakita kitang binabalewala mo ang pag-aaral mo. Pag magaling na si Kuya hindi na tayo magkakautang. Magtatrabaho ako para makatulong sayo."

Akala ng iba pinagsusugal ni kuya ang pera kaya nababaon sya sa utang. Pero ang totoo ginagamit nya yun pagpapagamot.

Kawawa naman si Kuya.

Boooogssshhhh!

Boooooommmm!

Saglit na itinigil ng professor namin ang klase. Tumingin kaming lahat labas ng bintana.

Fireworks display na naman mula sa Labyrinth.

('-').。oO(Ulrick)

Ilang gabi ko na syang napapanaginipan.

"May event na naman ba sa Labyrinth?"

"Ewan."

"Sosyal naman nila every event di-fireworks pa. Dito satin ni minsan walang ganyan."

Boogggssshhhh!!!!

Booooooommmm!!!

Kumulay na naman ang fireworks sa langit.

Hinahanap pa din kaya nya ako?

"Luna!" Nagising ako sa pag-iisip nang malalim nang tapikin ako ni Ally sabay turo sa langit.

L☆☆☆U★★★N☆☆☆A

What----the??!!!!!!

╭( ๐_๐)╮╭( ๐_๐)╮╭( ๐_๐)╮

╭( ๐_๐)╮╭( ๐_๐)╮╭( ๐_๐)╮

  ╭( ๐_๐)╮╭( ๐_๐)╮╭( ๐_๐)╮  

Napatingin sakin ang lahat ng tao sa classroom.

Yung kahuli-hulihang fireworks, capitalized letters ng pangalan ko ang lumabas.

"Ikaw ba yon??" Tanong sakin ng mga kaklase ko.

"Paano?"

"Baka naman ibang Luna."

"Bihira ang pangalang Luna dito, ano ka ba?"

"So si Luna nga?"

('・ ・') Anong sasabihin ko?

Tumayo si Ally para paalisin ang mga nagtatanong sakin.

"Walang kinalaman si Luna sa fireworks na yun, okay? Bumalik na kayo sa seats nyo. Sayang ang oras ng pagtuturo ni Prof."

"Sige na nga."

"Tara klase na ulit."

(^_-) Kinindatan ako ni Ally tapos bumalik na sya sa upuan.

Tinanaw ko ulit ang Labyrinth.

Ano bang klase ng tao ang Ulrick na yon?

Bakit big deal sa kanya ang lahat?
********************************

Black RAINBOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon