JaicaYturalde, mharniekuran, Marshyll, FlordelizaNolasco9, zoeyurgel, Nicolette22_SWAG, MyCuteLittleDarling, binggoyjr
Regular commentators na ata ang mga ito. Haha! Thanks sweeties:)
LUNA'S POV
MAGKASABAY KAMING KUMAKAIN NI GWEN NGAYON.
Lunchbreak kaya pwede kaming magchikahan nang medyo matagal.
"How is it to be with the Triumvirate, Luna?" Tanong nya sakin. Andito kami sa classroom ko kaya may privacy kami.
Pinilit ko talaga syang kumbinsihin na okay lang sa classroom ko.
"Ha? Triumvirate? Ano yun?"
('°_°') "Hindi mo alam ang pangalan ng grupo nina Ulrick, Gibrael at Zych?" Takang-taka at hindi ata makapaniwala itong si Gwen.
Triumvirate? Sila yun?
"Ha? Eh ano kasi eh... Oo nga pala! Haha! Nauntog kasi ako kanina kaya medyo nakalog ang utak ko." Pagdadahilan ko na lang.
(∵') Hindi na lang nagsalita si Gwen.
Sana naman hindi na nya ungkatin pang masyado.
"Gwen, mukhang hindi ka na binubully ah. Nakarecover na ba ang company nyo?" Naisapan kong itanong para naman magkaroon kami ng topic.
Yumuko si Gwen tapos namula sya.
"Isinalba ng mga Montemayor ang negosyo namin." Mahina nyang sagot.
"Wow! Ang galing naman! Ang bait naman ng mga tumulong sa inyo." Tuwang-tuwa ako kasi hindi na pagdidiskitahan pa si Gwen. Kawawa naman kasi.
"Sa totoo nyan, gusto nilang pakasalan ko ang tagapagmana nila." Tila ba kinikilig itong si Gwen. Kulang na lang maghugis puso ang mga mata nya.
"Talaga? Uso ba talaga sa mayayaman ang arrange marriage?"
"Bakit? Di ba mayaman ka din?"
"Uuuggghhh!!!" Nasamid akong bigla. Hindi nga pala alam ni Gwen na mahirap lang ako.
"Ano bang pangalan nung pakakasalan mo?"
"Nakakahiya eh."
"Ha? Bat ka naman mahihiya? Kilala ko ba?"
She nodded. Tapos inilapat nya ang mga palad nya sa magkabila nyang pisngi. Halatang kilig na kilig.
"Sino nga?"
"Secret lang muna natin ito ha? Magagalit sya kapag may ibang nakaalam eh."
Sunud-sunod ang ginawa kong pagtango. Inip na inip na ako sa isasagot nya.
"Si Gibrael. Si Gibrael Montemayor."
ヽ(;▽;)ノ"Haaaaa???!!!"
*********************************
ALLY'S POV
I AM ALLYSON OR ALLY FOR SHORT. I am the reason why Luna is in that situation.
Naaawa ako sa bestfriend ko. Isa na din syang prisoner ngayon tulad ko.
Ang pagkakaiba nga lang naming dalawa, mahal ko talaga si Zych.
"Hi men! Asan si Kuya?" Sumulpot bigla itong si Zach. Nakasando sya at may towel na nakasampay sa balikat nya. Naka-rubber shoes din. Mukhang magja-jogging.
"Tulog pa sya. Alam mo naman yun, tanghali na magising kapag weekends."
Bigla nag-iba ang hitsura nitong kausap ko.
BINABASA MO ANG
Black RAINBOW
Romance♛♥♛ He's a man who doesnt want a virgin to sleep with him. That's why my life became complicated when he accidentally spent an intimate moment with me. I ran away but he's too powerful and influential. My virginity makes him responsible on my being...