A/N: Thanks for waiting sa update sweeties.
Special thanks to these readers who left their comments before I publish this part.
>FriggKali
>KimberlyAnneaLlarenas
>FlordelizaNolasco9
>Carebears_21
>inLava
>amarcatherine
>Queenvioleta
>KiazuVendix26
>jhoykohh94
>usgsybshebsu
>AngelicaticxxMARGAUX'S POV
"BILISAN MO!" I nagged at her. Kadarating lang namin sa lugar kung saan napagkasunduan namin ni Eirick na magkita.
At heto, nasa mga kamay ko na si Luna.
Ilang oras na lang, mawawala na sya sa landas ko and masisimulan ko na ang pagpapa-surgery ko.
"Pakawalan mo na ako Margaux, this is illegal! Matakot ka sa batas!" Here she goes again, trying her best to convince me.
Wala na syang ginawa kundi ang mangonsensya.
"Quiet! Wala ka sa posisyon na pangaralan ako, Luna!" Pinandilatan ko sya ng mata. I looked at her from head to toe. "Look at yourself, talagang inaalagaan ka ni Ulrick ano? Pati mga damit mo, branded! Mga gamit na hindi mo naman kayang bilhin!"
Hindi nya ako tiningnan. Basta iniiwas nya ang kanyang mga mata.
"You're a gold digger Luna! Manggagamit ka!"
"Nagkakamali ka Margaux! Mahal ko si Ulrick!"
Humalukipkip ako sa harapan nya ad raised my right brow.
"Mahal? Sino ba naman ang hindi magmamahal sa kanya?!" Lalo atang nang-iinis ang babaeng ito. "He's handsome! Matalino! Mayaman! He have everything! Syempre mamahalin mo sya!"
"Hindi lang yon ang dahilan Margaux! Talagang mahal ko sya kahit na hindi sya Altamonte!"
"Shut up Luna! Shut up!" I lost my control kaya sumigaw na ako sa inis. May ilan sa mga tauhan ni Eirick ay pumasok sa salas para makita kung bakit ako sumisigaw.
"Miss Margaux?"
"Go back to your place, Im fine!"
"Balik sa pwesto!" Utos nung isa na nakakaintindi ng english.
Nilapitan ko si Luna.
Nakakabwisit naman nga ang ganda nya! Natural at very charming talaga.
Mga bagay na lalo kong kinaiinisan.
Ayoko sa magaganda.
Ayoko sa mga pacharming!
Kasi ako, oo maganda ako ngayon but I used my money to have this beauty.
Unlike her, basta lang sya lumabas sa mundo at huminga!
Tapos ngayon, yung lalaking mapapangasawa ko sana, inagaw nya!
She took away my happiness and my future!
Yung pagkakataon kong maging ina ng susunod na Altamonte, she stole it from me!
I looked at her again at may napansin ako sa kaliwang braso nya.
"What's that?!" Hinaklit ko ang kanyang braso to see that shining thing clearly.
"Bitawan mo ako, Margaux!"
"A bracelet huh?! Binigay ito ni Ulrick di ba?!" Pinandilatan ko ulit sya ng mata.
And I saw fear in her eyes. Siguradong tama ang sinabi ko.
"Sakin to Margaux!"
"No!" I nagged at her again. "Sakin na'to ngayon! Dapat sakin ito ibibigay ni Ulrick eh!" Tinanggal ko ang lock nung bracelet and took it away. "This belongs to me now!"
BINABASA MO ANG
Black RAINBOW
Romantizm♛♥♛ He's a man who doesnt want a virgin to sleep with him. That's why my life became complicated when he accidentally spent an intimate moment with me. I ran away but he's too powerful and influential. My virginity makes him responsible on my being...