Dedicated to MaricrisPindo, maryirag, binggoyjr, mharniekuran, FlordelizaNolasco9, zoeyurgel, MyCuteLittleDarling, JaicaYturalde, Marshyll and langgaaaaa.(^_−)☆
LUNA'S POV
MASAYANG-MASAYA AKO HANGGANG SA PAGBALIK NAMIN SA LABYRINTH.
Inaaya ko si Allyson na dito na din mag-aral pero hindi pa daw payag si Zych. Pag nakabalik na daw si Zych after ng mga business matters na inaasikaso nito saka nya malalaman ang sagot.
Maybe, Allyson is inlove with that guy.
Papasok na sana ako ng kwarto when I noticed someone on the minibar.
Mag-isa lang syang nakaupo duon at mukhang marami na ang naiinom nya.
"Gibrael?" Tinawag ko sya pagkalapit ko. I decided na kamustahin sya kasi nagkalat na ang bote ng alak. Baka kailangan nya ng tulong.
Nilingon nya ako. He smiled when he saw me at his back.
"Oh... Luna." Binitawan nya ang hawak nyang baso. "Do you need some--thing?" Mukhang lasing na sya kasi kumukurap na ang mga mata nya nang madalas.
"May occassion ba? Mukhang marami ka nang naiinom." Tinuro ko ang mga boteng nakatumba sa tabi nya.
Tumawa sya nang mahina. Yung medyo mahaba nyang buhok, parang slow motion na gumalaw.
"Nagpapaantok lang ako." Sagot ni Gibrael.
"May sleeping pills sa taas, gusto mo?" Nagbiro ako para naman mapatawa sya nang totoo. Halata kasi na may pinaghuhugutan ang pag-iinom nya.
"Hahaha. You're funny huh. Baka mainlove ako sayo nang tuluyan nyan!" He said that while looking at me. Kinindatan pa nya ako kaya kumalat na naman ang blush sa mukha ko.
"Hey men!" Lumingon kaming dalawa kasi dumating si Zach at si--------- Ulrick.
Seryoso na naman sya at hindi man lang ngumingiti.
"Kaya hindi ka sumama sa ospital, iinom ka." Yun ang sinabi ni Ulrick kay Gibrael. "Anong problema mo?"
"Nothing."
"There is."
"I said nothing."
"I know there is."
"Trip ko lang uminom."
"Dumarami ang inom mo kapag may problema ka. Nagsosolo ka na naman ng problema!"
(~,~)(~,~) Nahihilo na kami ni Zach sa palipat-lipat namin ng tingin sa dalawa.
Pareho silang may anting sa gigilan eh.
"Go to your room. Hindi ka namin bubuhatin ni Zach kapag nalasing ka dyan." Ang mean ni Ulrick.
"I can do it myself." Sagot naman ni Gibrael.
Yung mata nung dalawa, parang naglalabas ng kidlat.
Mukhang parehas mainit ang mga ulo.
"Chill men." Pumunta si Zach sa aircon tapos pinalakasan nya yun. Halata kasing nagkakainitan ang dalawa. "Pati ba naman mga moods nyo apektado ng climate change, men?!"
"Tsk." Hinila na ako paakyat ni Ulrick. Naiwan yung dalawa sa baba.
"Ulrick." Hindi naman ako makareklamo.
"You're sleeping at my room."
"Ha?!!!??"
Dire-diretso kami sa kwarto nya. Binubuksan na nya ang pinto kayang parang lalong sinilihan ang paa ko na tumakbo.
![](https://img.wattpad.com/cover/76071996-288-k697161.jpg)
BINABASA MO ANG
Black RAINBOW
Romantizm♛♥♛ He's a man who doesnt want a virgin to sleep with him. That's why my life became complicated when he accidentally spent an intimate moment with me. I ran away but he's too powerful and influential. My virginity makes him responsible on my being...