Nang bumagsak sa damuhan ang katawan ni Kip ay napaupo si Ms Wan sa harapan nito, muntikan na siyang lagutan ng hininga ni Kip, ngunit nanghihina na siya, pakiramdam niya ay naubos ang kaniyang lakas sa sobrang pangamba.
Kaagad na nagsitakbuhan sina Jacque at Sky na naka human form papunta kayda Ms Wan at Mr Kip, at dahil naka Translucent form si Ms Wan ay hindi ito ni Sky kayang malapitan dahil madami na ang mga taong naki usyosi sa kanila, ang iba ay paniguradong tumatawag na ng ambulansya dahil ang tanging nakikita lamang nila ay isang lalaking naka business suit na nawalan ng malay sa paanan ng rebulto ni Jose Rizal.
Tiningnan ni Jacque ang lalaking nawalan ng malay, hindi ito si Mr Kip dahil si Mr Kip ay nasa tabi ni Sky at Ms Wan ngunit walang nakakakita dito, paglapit ni Jaque sa lalakibh nakasuot ng itim na business suit ay tinangal ni Jacque ang suot nitong sunglasses at nagulat siya sa kaniyang nakita, wala itong mga mata kaya bigla nalang iya ibinalik ang sunglasses nito. Isa lang ba itong tricks? saad ni Jacque
Nang makalapit sina Alexander, Von, Avery at Antonov ay kaagad nitong hinarang ang mga tao na nagkumpulan, at sa dami nito ay hindi nito napansin na nagkatawang tao si Ms Wan at kaagad na naglakad papunta sa kanilang sasakyan kasama si Sky.
Salamanta masaya si Dart habang naglakad papunta sa gitna ng plaza kung saan naroon sina Alexander at ang iba pa, matagumpay niya kasing nakontrol ang katawan ni Mr Kip nang maramdaman niyang nawalan na ng bisa ang netrans, kaya napigilan niya ang gagawin nitong pagsakal kay Ms Wan, tumulong din si Joshua at Stella na iparalisa ang ibang parte ng katawan ni Mr Kip kaya nagmistula itong estatwa at natumba.
Nag-isip si Jacque ng paraan kung paano nila makukuha si Kip ngayong ang daming tao at magmumukha silang tanga kung bubuhatin nila ang katawan ni Kip. Ilang saglit lamang ay maydumating na isang ambulance na kaagad namang nilapitan ni Avery at pinakiusapang sila nalang ang maghahatid sa lalaki dahil kasamahan nila ito.
Nagsibalikan ang mga tao sa kanilang mga ginagawa, pinapunta ni Jacque malapit sa rebulto ang kanilang sasakyan at pinagtulungan nilang ipasok ang lalaki, nang mapansin nilang hindi na sila pinagtitinginan ng mga tao ay mabilisan din nilang kinuha ang katawan ni Mr Kip, ang mga transfigs naman na kanilang nakalaban kanina ay naging abo at nawala, ngunit ang mga naka business suit na nilalang ay nagsitakbuhan.
Sinundo din ng sasakyan sina Stella, Joshua, Aery at Darsy na nasa bandang likuran ng mga tindahan dahil doon sila nagkatawang tao upang hindi mapansin ang mga ito.
"Ang galing paano niyo yun nagawa?" pagtatakang tanong ni Avery kay Dart habang nasa loob sila ng sasakyan at pabalik sa mansyon nina Ms Wan.
"It was all Stella's plan tita Av, " saad ni Joshua at nginitian si Stella.
Nasa loob din si Ms Wan na ngayon ay nanghihina at binibigyan ni Sky ng enerhiya. Nabigla si Dart sa ginagawa nito dahil akala niya ay sa pamamagitan lamang ng halik nakakapagpasa ng enerhiya si Sky, ngunit kitang-kita niya ngayon kung paano nito bigyan ng enerhiya ang ina na magkahawak lang ang mga kamay nito.
BINABASA MO ANG
ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)
Science FictionHindi lahat ng bagay may katotohanan, yung iba ay kathang isip lamang. Pero paano kung ang lahat ng ito ay mapunta sa realidad? Ikaw kaya'y makaligtas? Napadpad sa hindi inasahang mundo. Kakaiba sa lahat, hindi maipaliwanag. Sayang bigla na lamang...