LI. FLATLINE

135 4 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas simula nang bumalik si Aery sa mundo ng mga tao ngunit ang kaniyang mga kasamahan ay hindi pa dumadating na naging resulta ng matinding pag-aalala ng mga mahal nito sa buhay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang araw na ang nakalipas simula nang bumalik si Aery sa mundo ng mga tao ngunit ang kaniyang mga kasamahan ay hindi pa dumadating na naging resulta ng matinding pag-aalala ng mga mahal nito sa buhay.

Nang bumalik ang lakas ni Aery ay binigyan siya ni Jacque ng mutation ring upang makapaglakad lakad ito at matutunang makibagay sa mga tao, dahil napag desisyonan na ni Aery na hindi na muling bumalik pa sa Transitiopia dahil hindi nito alam ang kaniyang kahihinatnan doon, at isa pa kailangan niyang hintayin si Darsy.

Isang umaga habang pabalik si Aery sa mansyon nang may mamataan siyang kumikinang na bagay na nakasabit sa isang sanga ng puno ng kahoy, kung saan ay doon din siya nahanap ni Jacque. Nilapitan ito ni Aery at nakita niya ang isang kwentas, kulay puti ito na hugis luha at mayroong maliliit na butas na kulay asul kagaya ng kulay ng balat ng mga Translucent, kinuha niya ito at nagmadaling pumasok sa mansyon ni Ms Wan, inalala ni Aery kung saan niya ito nakita.

Isang ala-ala ang nagbalik kay Aery, alala noong magkakasama pa sila nina Stella, Joshua, Dart at Darsy, isang kirot ang kaniyang naramdaman ng maalala niya si Darsy, kinabahan si Aery nang maalala na ang kwentas na kaniyang hawak ngayon ay suot-suot noon ni Stella sa tore kung saan ay nakasagupa nila si Mr Kip, dali-daling pumasok si Aery sa loob ng mansyon papunta sa laboratory.

Tahimik ang buong mansyon dahil sa mga isipang binabalot parin ng katanungan, nasa loob ng laboratory ni Ms Wan sina Alexander, Avery, Von, Antonov, Jacque, at mga gifted humans na tumutulong sa kanila. Nasa sentro naman ng laboratory ang apat na incubators na ginawa ni Avery, gawa ito sa crystal at hugis cylinder kung saan nasa loob ang mga katawan nina Stella, Joshua, Dart at Darsy, mayroong mga malalaking tubes ang nakakabit sa bawat incubators, may nakakabit namang mga wires sa ulo, dibdib at hita ng apat.

 Nasa sentro naman ng laboratory ang apat na incubators na ginawa ni Avery, gawa ito sa crystal at hugis cylinder kung saan nasa loob ang mga katawan nina Stella, Joshua, Dart at Darsy, mayroong mga malalaking tubes ang nakakabit sa bawat incubato...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumapit si Avery sa incubator ni Dart at Darsy, kung saan ay makikitang humihinga na ang dalawa at mistulang mahimbing na natutulog, kulay berde na ang indicator kung saan ay sinasabing bumalik na ang mga ito, ngunit hindi parin nagigising ang mga ito.

Nilapitan ni Alexander si Avery at hinawakan ang kabilang balikat, "Ave do you believe on your abilities? because I do, ever since we met, like the four of us, I always believe in you all"

ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon