[PHILIPPINES, YEAR 2040]
Sa kaniyang laboratory ay abala sa pagbabasa ng mga science books ang isang thirty years old na professor/scientist na nagangalang Alexander. Nakasuot ito ng puting longsleeves at black pants, his feet is resting in a small chair underneath his steel metal study table. The small light on his lampshade was reflecting on his black nerdy glasses. You can tell that Alexander is a good looking man at his age, maingat kasi siya sa pagkain at walang bisyo kahit isa.
Alexander is already on the 35th page nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang laboratoryo at pumasok ang kanyang kapatid na lalaki. Medyo magulo ang buhok nito at halata sa mukha na mayroon itong matinding problema, ang damit nitong kulay Itim na may maliit na print ng isang testube sa bandang kaliwa ay gusot na rin.
"Kuya what are you doing here?" tanong ni Alexander sa kapatid. Hindi kasi ito palabisita sa kaniya dahil busy ito sa pag aasikaso ng mga science exhibits para sa mga bata.
Umupo ang kapatid ni Alexander sa nag-iisang upuan sa loob ng laboratory. "Lex, my wife and I don't know what to do. Our daughter was diagnosed with posterior polar cataract at sabi ng mga doctor ay dahil daw ito sa exposure sa Radiation. I know you have a friend that specializes on this stuff, " saad ng kapatid ni Alexander.
Tinawagan ni Alexander ang kanyang kaibigan na nag e-especialize sa Genetics at Radiobiology.
"Lex, napatawag ka?" saad ng isang babaeng tinig, sa kabilang linya ng telepono.
"Ave my brother is here, ang anak niya ay na diagnose ng isang sakit na mula sa radiation. We need your help kasi wala din akong alam about it," saad ni Alexander habang nakatitig sa kapatid na nagmu-mukmok sa kanyang mga palad habang nakaupo.
"Sige, but radiation is very harmful, hindi ko pwedeng i-consult ang bata sa kanilang bahay. Your mom Lex can be in danger," saad ni Avery.
"I'll tell Mike, to bring her here," sagot ni Alexander.
"Okay sige. I'll meet you in an hour, may ihahatid lang ako at paki labas nalang ang mga nakaimbak mong radiation suits," deretsong saad ni Avery na may halong pag aalala.
Isang oras ang nakalipas mula ng dumating si Avery, she's wearing a black trench coat that reaches up to her thighs, pinalooban niya ito ng isang dilaw na T-shirt at tinernohan ng itim na leather pants. Kasunod ni Avery na pumasok ay ang kapatid ni Alexander na si Mike na karga-karga ang isang batang babae na nakasuot ng asul na bestida, may benda ang magkabila nitong mata at tila natutulog. Nakasunod naman kay Mike ang asawa nito na halatang kagagaling palang sa pag-iyak dahil namamaga pa ang mga mata nito.
Inilabas ni Alexander ang isang hugis pahabang mesa na yari sa steel at pinahiga nila ang bata. Inabutan din ni Alexander sina Avery, Mike at ang asawa nito ng tig isang kulay puting protective lab suit at googles.
Inilapag ni Avery sa metal table ang isang box na maihahalintulad sa isang tool box at kinuha mula dito ang isang radiation scanner device at ini-scan ang buong katawan ng bata.
BINABASA MO ANG
ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)
Science FictionHindi lahat ng bagay may katotohanan, yung iba ay kathang isip lamang. Pero paano kung ang lahat ng ito ay mapunta sa realidad? Ikaw kaya'y makaligtas? Napadpad sa hindi inasahang mundo. Kakaiba sa lahat, hindi maipaliwanag. Sayang bigla na lamang...