Masyadong aligaga ang mga gifted humans dahil nilusob sila ng isang nilalang na hindi nila kilala, makapangyarihan ito, dahilan ng pagkapaslang ng dalawang nagbabantay sa garahe ng mansyon. Nag-alala din silang lahat dahil kasabay ng paglusob ay siyang pagkawala ni Mr Kip sa selda na pinaglagyan nito. Masyadong malakas ang lumusob sa kanila dahil nagawa nitong tunawin ang rehas na gawa sa Tungsten, the hardest metal on earth.
Habang iniispeksyon ni Jacque ang labas ng mansyon ay bigla niyang nakita si Aery na nakahandusay sa paanan ng isang punong kahoy, exclusive zone ang tinatayuan ng bahay ni Ms Wan kaya walang ordinary humans ang nakatira malapit dito, ang mga bahay na nakapaligid ay mga bagay ng mga gifted humans na kanilang tinutulungan. Nang mapuntahan ni Jacque si Aery, nakita nitong hindi na ito humihinga kaya kaagad niyang tinawagan sina Alexander at ipinaalam ito.
Nang malaman ang balita kay Jaque ay kaagad namang lumabas sina Alexander sa laboratory upang puntahan ito, kasabay nilang dumating sa garahe ay ang dalawang sasakyan na lulan sina Avery, Antonov, at sina Leon at Virga.
Tinulongan nina Alexander at Von si Jacque upang ipasok sa laboratory si Aery na halatang naghihina, habang tinulungan naman ng ibang gifted humans na nakasuot ng putinh loongsleeves and track pants, sina Avery, Antonov, Leon at Virga na ilagay sa safe na lugar ang mga katawan nina Stella, Joshua, Dart at Darsy. Nanatili namang nakamasid si Claire sa mga nangyayari dahil wala pa itong alam sa gagawin.
Nang maihiga si Aery sa isang puting higaan, kinakabitan naman ito ni Alexander ng hose na mayroong liquid cyanide, itinusok ito sa braso ni Aery at kitang kita sa mga ugat nito ang dumadaloy na chemical na nakakalason sa isang ordinaryong tao. Nandoon pa din si Felesia katabi si Claire na nagmamasid sa observatory deck, ayaw na kasing bumalik ni Felesia sa confinement den.
Nang mahimasmasan si Aery ay napa-isip ito, hindi niya kasi maintindihan kung bakit mag-isa lamang siyang nakarating sa laboratory nina Ms Wan, hindi niya mawari ang nangyari, ang alam niya ay kasama niya sina Mesh at Dria na umalis sa desyerto. Bagama't medyo maayos na ang kaniyang lagay ay pinili na lamang ni Aery na muling ipikit ang kaniyang mga mata dahil alam niya na kapag idilat niya ang kaniyang mga mata at tumingin sa mga kasamahan ay magtatanong ang lahat at hindi niya kakayaning sabihin na wala na ang mga kasamahan nito, maliban kena Dria at Mesh.
Lumapit si Alexander at tiningnan ang vital signs ni Aery, mukhang umaayos na ang kalagayan nito, mgunit hindi pa ito dumidilat. Maya maya'y pumasok si Athena sa laboratory at nakita si Aery sa higaan.
"Lex nasaan si Stella?" Tanong ni Athena.
Tiningnan ni Alexander si Jacque na nakuha naman nito ang senyales na nagtatanong ang scientist.
"Dr. Athena, H-Hindi ko po nakita si Stella at ang iba na kasama ni Aery, nakita ko po siyang mag isa na nakahandusay sa may puno. Inutusan ko na po ang ibang mga gifted humans na romonda sa buong kapaligiran, baka napadpad lang sa kung saan sina Stella at hindi pa nakakalayo ang mga ito" saad ni Jacque na may halo ding pag-aalala kayda Ms Wan at Sky.
BINABASA MO ANG
ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)
Science FictionHindi lahat ng bagay may katotohanan, yung iba ay kathang isip lamang. Pero paano kung ang lahat ng ito ay mapunta sa realidad? Ikaw kaya'y makaligtas? Napadpad sa hindi inasahang mundo. Kakaiba sa lahat, hindi maipaliwanag. Sayang bigla na lamang...