In a parallel world that exists in the parallel universe, there lies an unknown place named Transitopia that has inhabitants called as Translucents.
Ang mga Translucents ay pwedeng maihalintulad sa mga tao, they can speak like humans, but their technologies are way beyond human's reach. They have blue skins and blue eyes that illuminates in the dark.
Ang Transitopia ay hindi naaabot ng araw kaya palaging madilim at malamig ang kapaligiran nito, ang tanging ilaw lang ay nagmumula sa isang malaking building sa gitna nang isang napakalawak na hardin na may nag-rorondang mga lumilipad na sasakyan, at mga nilalang na mukhang sundalo; nakasuot ang mga ito ng mga puting armors, at may mga armas na kulay puti, ang mga mata nito ay parang mga flashlight na umiilaw.
Kasalukuyang nagpupulong ang mga counsel ng Transitopia sa isang silid na tinatawag na Dining pavilion; kulay puti ito at umiilaw ang mga sides ng dingding. Sa gitna naman nito ay isang malaking mesa na yari sa crystal.
Sa mesang iyon ay nakaupo ang mga counsels o and tinawag na Ms at Mr.
The counsel is consists of 20 members, nakasuot ang mga ito ng puting hooded vest na abot hanggang paa which symbolize their roles.
Pinangungunahan ang counsel ni Mr Kip na acting leader simula ng mawala ang mga magulang nito na siyang tumatayong pinuno ng Transitopia.
"Maligayang pagdating counsels, sa inyong nakikita ay mayroong mga nilalang na napad-pad sa atin mula sa kung saan. Nandito tayong lahat upang mag desisyon kung ano ang gagawin sa kanila," saad ni Mr Kip. Nakasuot ito ng putting vest na mayroong hood na naka bukas at nakabitin sa kaniyang likod. Umiilaw ang mga mata nito habang umiinom ng isang blue liquid na umuusok.
"Patayin sila," suhestiyon ng isang counsel na namumuno sa east wing ng Transitopia.
Tumayo ang isang babaeng may dala-dalang tab, "Hindi natin pweding bastang galawin ang apat. Alam kong may dahilan kung bakit sila nandirito."
"Ano ang ibig mong sabihin, Ms Wan?" tanong ni Mr Kip habang umiinom ng tsaa.
Tumingin si Ms. Wan sa kaniyang dalang tab, "Ang unang dalawang nilalang na napadpad ay sina Darsy Stevenson and Dart Stevenson magkapatid po sila, at ngayon naman po ay sina Stella at ang isa ay nag-ngangalang Joshua. Lahat sila ay galing sa mundo ng mga tao o Earth na ating pinangangalagaan"
Napalaki ang mata ni Kip sa huling narinig kay Ms Wan na siyang taga bantay sa entry and exit points ng Transitopia.
"Magaling Ms Wan pakisabihan ako sa lahat ng makukuha mong impormasyon tungkol sa kanila," saad ni Mr Kip.
May narinig pang mga bulungan sa mga counsels pero hindi na ang mga ito nag salita dahil wala rin silang magagawa kundi sundin si Mr Kip.
Tumango si Ms Wan.
"Tinatapos ko na ang pagpupulong na ito,palagi niyong bantayan ang inyong mga lugar mukhang napapadalas na ang pagpasok ng mga tao dito sa ating mundo" saad ni Mr Kip habang umiinom sa kaniyang crystal na baso at tumingin kay Ms Wan.
Nang magsilabasan ang mga counsel ay pumanhik si Kip sa kaniyang capsule, humiga siya sa isang outing higaan, ipinikit niya ang kaniyang mga mata at isang ala ala ang nagbalik sa kaniya.
Napadaan si Kip sa opisina at nakita niya ang kaniyang mga magulang. Hindi siya pumasok at pinakingan lamang niya ang usapan ng mga ito.
Nag uusap sa isang silid sina Ms Nia at Mr Cope; ang dalawang pinunu ng Transitopia.
"Sino ba ang dapat nating bigyan ng ating kapangyarihan?" tanong ni Mr Cope sa kaniyang asawa, nag iisip na kasi sina Mr Cope at Ms Nia na mag retero.
Ang pag reretiro ng isang Translucent ay umaalis ito sa Transitopia at pumupunnta sa Earth kung saan ay marami ang nangangailangan ng kanilang tulong sa technology, business at iba pa. They became invisible guides of the humans at kapag nakatapos na sila sa kanilang tungkulin ay maglalaho nalang ang mga ito at maipapasa ang kanilang kapangyarihan sa kanilang mga itinakda. Ngunit, tanging ang mga pinuno lang ang may kakayahang makapunta ng Earth ng walang gamit na kahit anong transportation devices. At hindi ito ituturing na illegal entry ng natural world dahil magiging isa itong natural phenomena na maihahalintulad sa shooting stars.
"Si Kip lang ang tanging mayroong karapatan na sundan tayo pero sa kaniyang mga ikinikilos nitong mga nakaraang araw ay parang nawawalan ako nang gana," saad ni Ms Nia.
Nag-iisa na lamang ang kanilang anak, ang isa ay nadisgrasya at hindi na nila muling natagpuan, tanging si Kip na lamang ang natira ay kasalukuyang namumuno sa mga guards; ang hukbong sandatahan ng Transitopia. Inaasahan nilang lalaki si Kip ng may disiplina ngunit lumaki itong makasarili at walang modo.
Isang katok mula sa kabilang silid ang nagpatigil sa sa usapan ng dalawang pinuno. Pagbukas ng pinto ay nakita nila si Ms Wan na parang malungkot kaya kaagad naman itong nilapitan ni Ms Nia.
"Ano nangyari?" Tanong ni Ms Nia.
"Patawarin niyo po ako, hindi ko na po kayang manungkulan sa poder ng anak niyo," Saad ni Ms Wan, habang nakaluhod at umiiyak.
"Anong ginawa ni Kip?" Tanong ni Mr Cope
Nag angat ng mukha si Ms Wan at tinitigan ang dalawang pinuno "Pinatay niya po ang asawa ko,"
Kaagad namang pinatawag si Kip ng kaniyang mga magulang at pinapasok sa capsule ng mga ito. Ang capsule ay ang tawag sa mga kwartong hugis bilog na pinagpapahingahan ng bawat naninirahan sa Transitopia.
Hindi nila alam na matagal nang nakikinig si Kip sa kanilang pag uusap, kaya masama na ang aura nito alam nitong mapapagalitan nanaman siya dahil kay Wan. Hindi niya kasi sinasadyang matamaan ng laser gun ang asawa nito na leader ng guards kaya bago paman makapag salita ang kaniyang mga magulang ay inunahan na niya ito.
"Kung balak ninyo akong parusahan, gawin niyo na, sawang-sawa na ako eh, sawang-sawa na ako na mas kinakampihan niyo pa ang babaeng yan kesa sakin na anak niyo, kaya siguro hindi na bumalik si Kina" Galit na sagot ni Kip.
"Kip!" Pag suway ni Mr. Cope.
"Bakit Ama? Mali ba ang sinabi ko? Una si Mantria, Mesouri, Alys, at ngayon siya? Wala kayong kwentang mga magulang!" galit na sabi ni Kip.
Nanatili namang tahimik si Ms Wan sa gilid.
"Wala kang karapatan upang pagsalitaan kami ng ganyan!" Hindi sinasadyang nasampal ni Mr Cope si Mr Kip.
Nanlisik ng mga mata ni Mr Kip at dinuro ang mga magulang, "Kung sa tingin niyo ay wala akong alam na matagal niyo nang pinangangalagaan ang Earth. Nagkakamali kayo, alam ko ang lahat at sisiguraduhin kong hindi kayo magtatagumpay. Pahihirapan ko sila, at mapapasaakin ang mundong 'yon. Gagawin ko ang lahat ng hindj nanghihingi ng tulong sa inyo, gagawin ko yun sa sarili kong pamamaraan!"saad ni Mr Kip at umalis.
Iminulat ni Kip ang kaniyang mga mata, hindi niya alam kung nagtagumpay ba siya o hindi, dahil mula noon ay hindi na niya muling nakita ang kaniyang mga magulang.
-----
AVOID NIYO PONG MAGBASA NG MGA PAST COMMENTS TO AVOID CONFUSIONS AND SPOILERS :)
BINABASA MO ANG
ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)
Ciencia FicciónHindi lahat ng bagay may katotohanan, yung iba ay kathang isip lamang. Pero paano kung ang lahat ng ito ay mapunta sa realidad? Ikaw kaya'y makaligtas? Napadpad sa hindi inasahang mundo. Kakaiba sa lahat, hindi maipaliwanag. Sayang bigla na lamang...