XXXVIII. BACK TO THE PAST

164 4 0
                                    

Kagagaling lang ni Ms Wan sa loob ng kaniyang kwarto at nagbasa ng journal nina Ms Cope at Ms Nia ngunit nagugulohan na siya dahil paulit-ulit lamang sinasabi ng mga ito na kailangang mahanap ang apat na pillars, alam ni Ms Wan na sina Stella, Jos...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kagagaling lang ni Ms Wan sa loob ng kaniyang kwarto at nagbasa ng journal nina Ms Cope at Ms Nia ngunit nagugulohan na siya dahil paulit-ulit lamang sinasabi ng mga ito na kailangang mahanap ang apat na pillars, alam ni Ms Wan na sina Stella, Joshua, Dart at Darsy ang mga ito ngunit wala parin siyang ideya kung paano magiging maayos ang lahat kaya napagpasyahan niyang kausapin ang isa sa mga ito sakto naman ng mapadaan siya sa sala ay nakita niya si Darsy.

Napatayo sina Darsy at Aery nang makalapit sa kanila si Ms Wan, magkahalong takot at hiya ang kanilang naramdaman ngunit ngumiti lamang ito sa kanila at pinabalik sa pagkakaupo.

"Ms Wan gusto niyo po bang iwan ko na muna kayo dito ni Darsy?" Tanong ni Aery.

Umiling si Ms Wan "Hindi na Aery may sasabihin lang ako sa kaniya, maari ka namang makinig"

Tumango si Aery at tumayo sa may bandang likod ng upuan upang makaupo si Ms Wan sa tabi ni Darsy.

Humarap si Ms Wan kay Darsy "Gusto kong makausap ang Translucent na nasa loob ng iyong katawan"

Hindi alam ni Darsy ang gagawin ngunit naramdaman niyang lumamig ang kaniyang katawan at napapikit siya nang biglang kumirot ang kaniyang ulo at nang siya ay dumilat ay nakita nina Ms Wan at Aery na kulay asul ang mga mata nito na tila nabuhay.

"Maari ka bang magpakilala?" Tanong ni Ms Wan kay Darsy na ngayon ay blanko ang mukhang nakatingin lamang ng deretso sa kanya.

"Ms Wan pasensya sa hindi ko pagsasalita. Ako nga po pala si Diane. Officer Aery paumanhin sa pakikinig sa inyong usapan" saad ni Diane sa kaayohan ni Darsy.

Nakaramdam ng hiya si Officer Aery kaya napatango nalang siya.

Tumango si Ms Wan, nasiyahan siya dahil pinaunlakan siya ng Translucent na nasa katawan ni Darsy "Diane maari bang sabihin mo saakin kung saan matatagpuan ang mga pillars?" Tanong ni Ms Wan.

"Nawala sa akin ang kompletong impormasyon patungkol sa mga pillars ngunit ikinagagalak ko na bihag niyo na ang taong pumaslang kayda Mr Cope at Ms Nia,ang bihag niyo ay ang taong kumuha sa aking alaala noong ako ay nasa observatory ward ng Transitopia" saad ni Diane sa katauhan ni Darsy.

Nabigla si Ms Wan sa sinabi ni Diane dahil siya ang tagapangalaga ng observatory ward, bigla niyang naalala na sinalakay ito noon na mga Transfigs at may mga napaslang itong mga Translucents.

"Kasama ba kayo sa mga napaslang noon sa observatory ward?" Tanong ni Ms Wan

"Isa ako sa apat na Translucent na napaslang sa observatory ward ngunit dahil sa ipinainom na antidote nina Ms Nia ay hindi kami tuluyang namatay, may tsansa pa noon na kami ay mabuhay ngunit mayroong makapangyarihang Translucent ang pumasok sa observatory ward at tinanggal ang aming mga alaala at kami ay tuluyang nanghina at nawalan kami ng kakayahang makabalik muli sa aming Translucent form. Kailangan kong mabawi ang aking alaala at maisakatuparan na ang kahilingan nina Mr Cope at Ms Nia" pagsalaysay ni Diane sa katauhan ni Darsy.

ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon