XXXV. ATTACK

206 8 2
                                    

"Pssst"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pssst"

"Psst, Stella at Aery"

Nabigla ang mga ito ng makita si Ms Wan sa sulok, naka translucent form ito kaya kitang-kita nila ito sa dilim, kaagad naman silang tumakbo papunta sa kinaroroonan nito.

"Ms Wan?" Mahinang saad ni Aery.

Biglang nagkatawang tao si Ms Wan, at sumunod din si Aery at Stella ngunit hindi umilaw ang mata ni Stella.

Binuksan ni Ms Wan ang isang pintuan at tumambad kay stella ang mga maliliit na containers na mayroong kulay asul na tanging umiilaw sa madilim na kapaligiran.

"Kanina ko pa kayo hinahanap akala ko nakapasok na rin kayo," saad ni Ms Wan.

"Sinubukan po namin silang sundan ngunit nawala sila sa aming paningin" saad ni Aery.

"Tumawag sa akin si Jacque at nalaman kong nilinlang tayo ni Kip at ginamit nito ang katawan ni Mantria. He made a mirage illusion to fool us, hindi ko naisip ang bagay na 'yon dahil pili lang ang mayroong kakayahang ganon" dismayadong saad ni Ms Wan.

"Hindi mo naman po kasalanan sadyang nautakan lang tayo ni Kip, and this time we will not let it happen again" saad ni Stella kay Ms Wan.

Tiningnan ni Ms Wan ang mata ni Stella "Hindi nag ilaw ang mga mata mo that's something"

"Ms Wan, wala na po si Dria sa katawan ko kaya po siguro hindi na nag kukulay asul ang mata ko" saad ni Stella.

"Pero may kapangyarihan kapa?" Tanong ni Ms Wan.

Tumango si Stella "Dahil sa kwentas na ibinigay niya ay nagkaroon parin po ako ng kapangyarihan"

Napaisip si Ms Wan kung paano ito nagagawa ni Dria. "Special one si Dria siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat dahil sa dugo ni Mr Kip na nananalantay sa kanya, kaya kailangan natin siyang mabawi kay Mr Kip" saad ni Ms Wan.

"Alam mo na po ba kung nasaan sila?" Tanong ni Aery.

Tumango si Ms Wan "Nasa loob sila ng pintong may malakas na tugtugin, doon sila pumasok kanina at nandiyan din si Kip. Nakakainis nga dahil akala ko nakuha na natin siya pero we were tricked kailangan nating makapasok sa loob ng hindi namamalayan ni Kip. Here take this Stella" May iniaabot si Ms Wan kay Stella.

"Eye Drops?" Pagtatakang tanong ni Stella.

"It's a glowing eyes eye drops. Nakita ko, na dito sa kwartong ito kumuha ang ibang tao na pumasok sa loob at sa tingin ko ay hindi lahat ng mga nasa loob ay tunay na Translucent, para siyang nightclub, a secret nightclub na ito ang kanilang pakulo, alam mo ba yun?" tanong ni Ms Wan kay Stella.

Umiling si Stella "Hindi po eh, hindi pa po ako nakapasok sa mga ganyan, my teenage years was robbed from me"

Ms Wan sigh "Basta ipatak mo nalang yan sa mga mata mo, well we can manage ours. Nga pala nakapasok na ako sa loob at nakita ko na kung saan sila dinala ni Kip ngunit lumabas ako kaagad nang mapansin kong wala kayo doon, mabuti nalang at nakita ko kayo kaagad dahil hindi ko kakayaning mag-isang kalabanin si Kip"

ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon