Madilim na ang kalangitan at tanging ang city lights lang ang maaatinag, nakatitig si Stella sa kawalan at nag iisip kung ano ba itong nararamdaman niya. Oo kinakabahan siya sa kanila ngayon dahil ni isa sa kanila dito sa mansyon kahit si Dria, Mantria o Ms Wan ay walang alam kung paano malulutas ang lahat ng ito, sabayan pa ng nakakalito niyang nararamdaman para kay Joshua.
"Kanina ka pa ba dito?" Tanong ni Joshua nang makalapit kay Stella.
Natigilan si Stella ng biglang may magsalit mula sa kaniyang likuran ,indi man niya ito lingunin ay alam niya kung sino ito. Si Joshua.
"Napakaganda ng mundo no" saad ni habang isinasandal ang mga siko sa balkonahe.
Napangiti si Stella habang nakatingin sa mga city lights na parang mga bituin na kumikislap, nakaramdam tuloy siya ng pangungulila sa kaniyang Ina, kay Max at Ana "Hindi mo ba namimiss na mapabilang sa kanila?" saad ni Stella
Tumingin si Joshua kay Stella, ngunit hindi parin ito tumitingin sa kanya, hindi niya mawari kung ano ang iniisip o nararamdaman nito. Kaya sa mga oras na ito hinihiling niya na sana mayroon siyang kakayahan magbasa ng isipan.
"Ikaw ba, namimiss mo ba?" Sagot ni Joshua kay Stella.
"Ikaw tinatanong ko eh, walang balikan" sagot ni Stella na hindi parin tumititig kay Joshua.
Huminga ng malalim si Joshua "Tinanong ko na din yan sa sarili ko Stella, kung na mimiss ko ba ang maging isang normal na tao and until now I don't know the answer"
Tumingin si Stella kay Joshua, hindi na niya kaya ang kanyang nararamdaman.
"May namimiss ka ba?" Deretsong tanong ni Stella na ikinabigla ni Joshua.
Hindi nakasagot si Joshua at napaatras siya ng konti.
"Namimiss mo ba siya, Joshua?" Tanong ni Stella at sa bawat bigkas niya ng tanong na yun ay parang pinupunit ang kaniyang puso.
"Stella" mahinang saad ni Joshua.
"Mahal mo pa ba siya?" Derederetsong tanong ni Stella. She couldn't help it, she needs to know the truth bago pa magpatuloy ang kanyang nararamdaman para kay Joshua.
"Stella, what's your point of asking those questions, diba sinagot ko na an mga yan sa Midtopia? Ikaw ba, namimiss mo ba siya?" May halong pagka inis sa boses ni Joshua, hindi niya alam kung bakit nag kakaganito si Stella sa kanya.
Stella sighed "Ikaw yung tinatanong ko Joshua, pero bakit hindi ka makasagot ng deretso, dahil ba oo? Na namimiss mo siya, na mahal mo parin siya?"
Wala silang sinasambit na mga pangalan sa kanilang mga tanong ngunit alam nila pareho kung sino ang kanilang mga tinutukoy, si Max at Sele.
Lumapit ng bahagya si Joshua kay Stella at hinawakan sa braso, "Stella ano ba nangyayari sayo? Alam mo naman ang nararamdaman ko para sayo diba, you were there when I broke up with Sele and yes it's because of you" saad ni Joshua.
BINABASA MO ANG
ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)
Ficção CientíficaHindi lahat ng bagay may katotohanan, yung iba ay kathang isip lamang. Pero paano kung ang lahat ng ito ay mapunta sa realidad? Ikaw kaya'y makaligtas? Napadpad sa hindi inasahang mundo. Kakaiba sa lahat, hindi maipaliwanag. Sayang bigla na lamang...