XXIV. EARTH: MEMORIES

319 17 2
                                    

[EARTH 2056]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[EARTH 2056]

It's been months since Max Dining and Corine Nyal got married, ngunit kinailangan ni Corine na pumunta sa ibang bansa upang puntahan ang mga magulang nito, kailangan daw kasi nitong matuto sa negosyo. Tutol man si Max ay walang siyang nagawa dahil nagpumilit si Corine, hindi din pwedeng sumama si Max dahil sa mga hindi kapanipaniwalanh pangyayari sa Pilipinas and his mom need him.

Nainis sa idea nito si Corine dahil daw masyado paring sinusunod ni Max ang ina nito, that makes Max curious eversince they got married palagi na siyang dinedektahan ni Corine, na sobrang kinaiinisan ni Max afterall Max never wanted their marriage in the first place.

Nang maihatid ni Max si Corine sa airport ay bumalik si Max sa kanilang bahay upang doon muna manirahan  sa kaniyang ina, kararating lang niya ngayon at nasa loob siya ngayon ng kaniyang kwarto, his room never changed kahit ilang buwan na siyang hindi dito natutulog. Umupo si Max sa kaniyang headboard at isinandal niya ang kaniyang ulo pader ngunit naramdaman niyang kakaiba ang tunog na nilikha nito kaya nilingon niya ang dingding hinawakan niya ito ay kinatok, Max was shocked when it made a hollow sound na parang mayroon itong laman kaya kinuha niya ang baseball bat niya sa ilalim ng kaniyang kama, at pinukpok ang dingding. Tumambad sa kaniyang ang isang lumang kahon kinuha niya ito at pagbukas niya ay tumambad sa kaniya ang napakaraming litrato, litrato ng mga iba't ibang planeta at bituin, ngunit isang litrato ang nakakuha ng kaniyang attensyon kinuha niya ito at laking gulat niya sa kaniyang nakita, ang babae sa kaniyang panaginip ay siyang kasama niya dito at mukhang masaya sila sa letrato.

Binasa ni Max ang nakasulat sa likod ng litrato.

AUGUST 8, 2049
THE DAY I KISSED THIS WONDERFUL GIRL NAMED STELLA, WHO IS NOW MY GIRLFRIEND  - MAX DININGS in state of euphoria.

Ginalugad ni Max ang kaniyang isipan ngunit wala siyang maalalang Stella, Oo napapanaginipan niya ito pero ni minsan ay hindi niya maisip na naging totoo ang mga ito.

Ibabalik na sana ni Max ang litrato ng biglang umuga ang lupa kaya nagtago siya sa ilalim ng kaniyang study table. Hindi naman na siya nagpanic dahil mukhang napapadalas na ang paglindol sa kanilang lugar, pero nababahala siya dahil the last time na nagka earthquake ay gumuho ang kanilang eskwelahan at na injured siya.

Nang maramdaman ni Max na tumigil na ang pag yanig ay umupo siya ulit sa kaniyang kama, maya maya'y kumatok ang kaniyang ina.

"Max! lumabas kana muna diyan, lilipat tayo doon sa bahay ng tita Amy mo baka daw magka aftershock at lumakas pa" Tawag ng Ina ni Max mula sa labas ng kanyang kwarto, pinapalikas daw ang lahat ng mga nasa mababang lugar baka daw magkaroon ng tsunami na imposible namang mangyari sa lugar nila dahil wala namang dagat na malapit sadyang napapraning lang talaga ang kanyang Ina.

Kinuha ni Max ang kaniyang itim na backpack at inilagay ang ilan niyang damit, makakabalik pa naman siguro sila dito sa bahay nila bukas ng umaga, naging routine na kasi nila ang lumikas papunta sa bahay ng  kapatid ng kaniyang ina dahil mas panatag daw ang loob nito kapag kasama ang kapatid tuwing may bagyo o kapag may tsunami scare. Inilalagay ni Max ang kaniyang laptop sa loob ng kaniyang bag nang maalala niya ang kahon.

ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon