IV. ARRIVALS

1.5K 128 174
                                    

Nagising sina Dart and Darsy nang maramdaman nilang parang may kung anong bagay na pinipilit silang magising

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising sina Dart and Darsy nang maramdaman nilang parang may kung anong bagay na pinipilit silang magising. Habang nakapikit ang kanilang mata ay pinakiramdaman nila ang kanilang hinihigaan; malambot ito na parang bulak, ngunit pagmulat nila ng kanilang mga mata ay nakita nila na to ay damo.

Hindi nila maramdaman ang kanilang hinahawakan na wari"y nqkalutang lang sila sa ere. Patay na ba sila?, saad nila sa kanilang sarili.

Sa pagkakaalala ni Darsy ay nag-collapse ang ceiling, at ang tanging naalala ni Dart ay nadaganan siya ng chandelier.

Kinapa nila ang kanilang mga katawan; wala naman silang nararamdamang sakit at ganoon parin ang kanilang mga kasuotan. Si Dart ay isang itim na t-shirt at pantalon, at si Darsy ay isang kulay grey na mahabang blouse, pinares niya ito sa isang itim na leggings.

Tumingala si Dart at Darsy upang makita ang paligid, ngunit isang nakakasilaw na ilaw ang bumungad sa kanila. Hindi ito galing sa isang flashlight kundi sa mga mata ng mga naglalakihang nilalang na nakasuot ng metal armor na kulay puti. Hindi masyadong maaninag nina Darsy ang mga mukha ng mga ito dahil sa liwanag.

 Hindi masyadong maaninag nina Darsy ang mga mukha ng mga ito dahil sa liwanag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa takot ay biglang napahawak si Darsy sa braso ni Dart.

"Sino kayo?" tanong ni Dart sa mga nilalang.

Ngunit hindi nagsalita ang mga ito.

Maya maya ay may paparating na isang babaeng nakasuot ng puting hooded vest na abot hanggang paa. Mistula itong lumulutang palapit kayda Dart at Darsy. Nagsipag layo naman ang mga naka-armored vest upang makadaan ito.

Ng magkaroon ng clearing, ay nakita ni Dart at Darsy ang paligid. Madilim ito at ang tanging ilaw lang ay nagmumula sa mga mata ng mga naka- armored vest, at isang malaking building na mistulang mansion sa gitna ng isang napakalawak na hardin sa di kalayuan. Ito ay nagliliwanag ng kulay asul, na parang isang diamante.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ESOTERIC REALITY (Filipino Sci-Fi Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon