Chapter Fifteen

41 3 1
                                    

"You're so beautiful tonight, Rose."‌

"Thank you Ate Jhen. Uhm, nasaan pala si Yohan?"‌

Tumingin ako sa paligid at tinignan ko kung merong Yohan ngunit wala.‌

"Oh, he's there!" At may itinuro si ate Jhen.‌

Tumingin ako sa itinuro ni Ate Jhen at nakita ko siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at bigla akong pinagpawisan‌.‌

T'wing makikita ko ba siya lagi bang dapat gan'to ang mararamdaman ko? Ano bang pinainom, pinakain, sa akin ng lalakeng ito at ganito na lang kung magwala ang puso ko?‌

"Meowsy! Hey!"‌

"Ouch!"‌

Napahawak ako sa noo ko. Masakit kaya kapag bigla kang pinapalo sa ulo.‌

"Anong nangyari sa'yo? Ba't ka nakanganga?"‌

"Nganga?"‌

Naramdaman kong biglang nag-init ang pisngi ko. Letse! Ano bang magandang ipalusot sa ganitong uri ng nilalang?‌

"Oh, bakit 'di ka makasagot?"‌

"Nakakatamad kasi magsalita Yohan."‌

"Weh? Ang sabihin mo, nagwapuhan ka na naman sa akin."‌

"Aba'y putangama! Grabe? Ikaw pogi? Damn, you're just hot."‌

"Hot?"‌

"Ay nyeta! Wala."‌

"Hey hey! Huwag kang magmura. Ang ganda mo kaya ngayon para magmura ka."‌‌

Sa sinabi niya wala na talaga akong lusot. Oo na! Kinikilig ako. Pero bakit sa kanya?‌‌

Napapitlag ako ng biglang hinawakan ni ate Jhen ang balikat ko. ‌

"Iwan ko muna kayo ha? Enjoy each others company."‌‌

Ngumiti siya at naglakad na palayo‌. Agad ko naman na tinignan si Yohan ng masama.‌

"What?" ‌

"Wala. Regalo ko?"‌

"Oh yeah! Nilagay ko doon sa may table na puro gifts ang nakaibabaw. Maliit lang 'yon pero sana magustuhan mo. Kapag nakikita mo 'yon sana maalala mo ako."‌

Tinusok-tusok ko ang kanyang tagiliran ng matapos siya magsalita.‌

"Aww, ang sweet‌. Le'go? Kain ka na," aya ko at hinawakan ko ang kamay niya.‌

"Ako lang kakain?" May pagtatakang gumuhit sa kanyang mukha.‌

"Naman. Baka tumaba ako ng wala sa oras kapag nakasama kitang kumain eh. Tara?"‌

Kumamot muna siya ng ulo bago magsalita, "'Ge na nga‌."‌

‌***‌

"Rose, can we dance?" Inabot niya sa akin ang kanyang kamay.

Tinitigan ko iyon, wala lang, gusto ko lang tignan. Tanggapin o tatanggapin?
Nakangiti lamang siya sa akin, ang gwapo lang niya.

Agad kong inabot sa kanya ang aking kamay at tinulungan niya akong tumayo. Pumunta kami sa gitna at nabigla ako sa ginawa ng mga tao, bigla silang gumilid.

Hinawakan niya ang isa kong kamay at ang isa niyang kamay ay humawak sa aking bewang. Nagsimulang tumugtog ang isang magandang awit.

We started to dance, nakatingin lang siya sa aking mata. Nakangiti siya sa akin. Parang biglang bumagal ang lahat. Hindi ko alam pero, bigla talagang nagslow motion lahat ng bagay na nasa paligid namin.

Dangerous Kiss: Kiss Of The Black Cat (KathNiel) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon