Chapter Four

308 14 1
                                    

"LUMAYO ka nga sa akin! Kakilala ba kita?"

"Please Rose, ayusin natin ito," hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pinisil iyon.

Piniksi ko ang mga ito sa kanya. Nandidiri ako sa kanya, ayaw ko na siyang makita pang muli.

"Punyeta naman Axel oh! Tapos na tayo! Wala na! Kumbaga sa isang laro, game over na tayo."

Oo, si Axel ang kasama ko ngayon dito. Isang linggo na din ang nakakaraan simula nang mangyari ang aksidente na iyon. 'Yung araw na nakipag-away ako sa malanding kasama niya. Ilang araw na rin niya akong kinakausap pero hindi yata alam nang gagong ito na wala na kami. As in, wala na talaga.

"Ayusin natin ito Rose," mahinahon niyang sabi.

Napakuyom ako, sa mga oras na ito ay gusto ko siyang paulanan nang suntok, tadyak at mga bala. Nakakainis! Bakit hindi ko magawang saktan siya? Bakit?

"Wala na Axel, wala na talaga!"

"Bakit ka ba ganyan Rose?"

Tumawa ako nang sobrang hina, "Bakit ganito ako?" Tumingin ako nang diretso sa kanyang kulay kapeng mata at itinuro ang sarili.

"Wala kang alam sa akin Axel, wala!"

Sa mga sinabi ko, nakaramdam ako nang konting kirot sa aking puso. Bakit ganito 'yong pakiramdam? Bakit parang naiiyak ako? Bakit parang nasasaktan ako pagdating sa kanya? Ano ba ang meron sa kanya? Naiinis ako sa sarili ko. Nakakainis!

"Ano bang gusto mo? Gusto mo bang patunayan ko sa'yo ang pagmamahal ko? Paano? Gusto mo halikan kita? Please, sabihin mo lang at gagawin ko,"

"Ganyan ka na ba talaga kadesperado sa akin? Ha? Isa lang naman ang gusto kong gawin mo eh, umalis ka na sa buhay ko. Huwag ka nang magpakita, maglaho ka na sa mundo ko na parang bula. At kung maaari, magpakamatay ka na!"

"Teka, ano ba naman 'yang mga gusto mo?"

"Umalis ka na! Mamatay ka na! Gusto mo bang ako pa ang pumatay sa'yo?"

"Ano ka ba?"

"Ano ako? Tao. Ako si Rose Madrigal," nagtaas noo ako sa kanya.

"Ako ang kinakatakutang Black Cat. Umalis ka na bago ko pa pasabugin ang ulo mo. Para malaman mo, hindi kita minahal! Pinaglaruan lang naman kita, mukha ka kasing manyika eh. Pagpapanggap lang ang ginawa kong pagmamahal sa'yo. Ayaw na kitang makita, umalis ka na kung hindi---" tumigil ako saglit sa pagsasalita at inilabas ang aking baril saka kinasa iyon.

"Papasabugin ko 'yang ulo mo!" At itinutok ko sa kanyang ulo ang aking baril.

Nginitian niya ako, tila ba'y may gusto siyang ipahiwatig sa'kin na hindi ko mawari.

"Balang araw, pagsisisihan mo ang pagpapakawala sa akin. Magsisisi ka!"

"Tang*na mo! Ang dami mong alam! Bakit naman ako magsisisi? Ikaw ang gumusto nito, ikaw ang gumawa ng paraan para magkahiwalay tayo. Hindi ako kailanman magsisisi, ikaw ang magsisisi na pinakawalan mo ang isang tulad ko! Atsaka alam mo? Madami diyan na lalakeng nagkandarapa sa akin. So, bakit pa kita kailangan? Umalis ka na! Alis!"

Tinignan niya muna ako bago tumalikod at naglakad palayo. Habang pinapanood ko siya na lumalayo lalong hindi ako makahinga. Gusto ko siyang pigilan ngunit dapat kong ipakita kung sino talaga ako sa mundong ito. Kung sino ang Black Cat. Kailangan kong ipakita na matatag ako. Na hindi basta-bastang sumusuko. Na kakayanin lahat ng pagsubok sa buhay. Kakayanin ko, alam kong kaya ko.

"Meowsy!"

Napatingin ako sa gawing pinanggalingan ng boses. Hindi ako nagkakamali, si Yohan nga ang paparating sa akin. Tinititigan ko lang siya habang papunta sa aking kinaroroonan.

Dangerous Kiss: Kiss Of The Black Cat (KathNiel) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon