Chapter Fourteen
"Meowsy! Ba't ka ba nagmamadali ha? Saan ka ba pupunta?"
Kasalukuyan akong hinahabol ni Yohan dahil gusto niya daw sumama sa pupuntahan ko. Ewan ko ba sa lalakeng ito, lagi na lang gustong sumama sa akin. Nagmumukha na tuloy siyang buntot ko, nakakaewan na tuloy.
"Yohan, bukas na lang ulit. Importante 'yung pupuntahan ko eh. Please?"
"Saan nga? Sama kasi ako."
Boses bata niyang sabi. Ang kulit na nilalang naman nito! Ginamitan niya pa ako ng isip bata niyang technique.
"Hindi bagay sa'yo mag-ganyan Yohan."
"Bakit?"
"Mukha kang tanga. Promise! Bukas na lang kasi, may pupuntahan talaga akong importante. Please?"
"Lagi ka namang ganyan Meowsy. Nang-iiwan ka lagi eh."
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang magkabilang braso, "Alam mo, hindi kita iniiwanan. Atsaka, huwag ka nga umasta na parang limang taong gulang ka pa lang. Tanda mo na 'oy! Nagmumukha ka pang bading dahil diyan. Umamin ka nga sa akin, bakla ka ba ha? Hindi ko ipagkakalat 'yang sikreto mo. Honesto!"
"Baliw! Hindi ako bading Meowsy. Asus! Crush mo lang ako eh. Crush mo ko 'no?"
"Aba! Ang kapal ng mukha. Kupal! Wala akong gusto sa'yo!"
Tumawa siya, pati tuloy ako ay nakitawa na. Baliw kasi 'tong si Yohan eh. Medyo may pagka-bipolar.
"Yohan. Bukas na lang talaga. Kailangan ko na talagang pumunta."
"Bukas? Promise?"
Itinaas niya ang kamay niya. Kinuha ko iyon at nagpinky promise kami. Ang cute lang.
"Promise." Sabi ko at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi na alam kong ikinagulat niya.
"Bye!" Paalam ko saka tumakbo palayo.
Naramdaman ko din na namumula na ang pisngi ko. Shet! Bakit ako 'yung nagkiss? Whatever! Bahala na! Wala lang naman iyon eh, sa cheeks ko lang naman kiniss si kupal at hindi naman sa lips. At huwag siyang assuming na ikikiss ko siya sa lips.
Sumakay ako sa Red Mini Cooper car ko na ilang araw ko na din na hindi nagagamit. Infairness, namiss ko siya.
Ano kaya ang sasabihin sa akin ni Boss?
***
"You're here Rose."
T'wing dadating ba ako dito ay 'yan lagi ang naririnig ko kay Boss? Wala na akong narinig mula sa kanya na iba.
"Ba't mo po ako pinatawag?"
"Wala lang."
Aba't, pinapunta niya ako dito dahil wala lang? Ibang klase din ang Boss ko na ito ha?
"Boss, ang ganda ng joke mo ha. Grabe, natawa ako." Inis kong turan.
Narinig kong tumawa si Boss. Aba't first time niyang tumawa. Ano kayang nakain nito?
"Tinawag kita para sa party mo."
"Party ko?" Tumaas ang isang kilay ko.
Party ko daw? Anong trip 'yon? Ang last kong party na dinaluhan ay 'yung party ni Ate Jhen. At naalala ko na naman! Bwesit 'yon! Bwesit talaga.
"Oo. Birthday mo na this coming Saturday, right. Atsaka, 18th birthday mo 'yon diba?"
Oo pala 'no? Birthday ko pala sa Sabado. Nawala iyon sa isip ko, atsaka isa pa, hindi naman kasi ako nagcecelebrate ng birthday. Okay na sa akin kahit walang handa o mga engrandeng party, lilipas din naman iyon.
BINABASA MO ANG
Dangerous Kiss: Kiss Of The Black Cat (KathNiel) #Wattys2016
AkčníKilalanin si Rose Madrigal mas kilala bilang Black Cat ng Black Death. Tatlong taon na ang lumipas simula nang hindi niya gamitin ang kanyang natatanging technique--- ANG DANGEROUS KISS. Pero sa isang kisap mata, kailangan niya ulit itong gamitin sa...