Chapter Ten

157 8 1
                                    

Agad akong pumasok sa aking kwarto at inilabas ko doon ang kuwintas. Inalis ko din ang skull ring na pendant nio.

At ngayon, sinusuri ko ang singsing.

Saan ba 'to galing?

Tinignan ko iyon at itinapat sa puting ilaw. Saka ay may napagtanto akong bagay.

Teka, may pangalan ito sa loob.

"FEAR?" Bigkas ko.

Anong FEAR? Ito ba 'yung sinasabi ni Ate Jhen?

Agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Ate Jhen. Agad naman niya itong sinagot.

"Hello, Rose?"

"Oo ate, ako nga 'to." Sagot ko.

"Kumusta 'yung singsing? Anong nakita mo?"

"Apat na letra Ate Jhen. FEAR. May nakasulat na FEAR sa loob nung singsing," litanya ko.

"FEAR?" Parang gulat na sabi ni Ate Jhen.

"Oo, gusto mo bang makita?" Tanong ko.

"Sige, send mo na lang sa email ko 'yung picture."

"Sige."

Ibinigay ni Ate Jhen ang kanyang email at sinend ko ang picture ng singsing agad-agad.

Nagsearch ako sa Google at naghanap ng skull ring na may imprentang FEAR ngunit walang lumabas. Walang kwenta. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ko ba inaalala ang nakalagay dito?

Pakiramdam ko talaga ay may kinalaman ito sa akin. Parang, basta! Ewan!

"Hello?" Agad kong sagot sa cellphone ko.

"Black Cat, kailangan na nating mag-ingat. Bumalik na sila." Sabi ni Ate Jhen sa kabilang linya.

"Anong bumalik na sila Ate Jhen?"

"Ang mahigpit nating kalaban, ang FEAR."

"Ang FEAR na kalaban natin ay ang may-ari nitong singsing?"

"Oo, mag-ingat ka na Black Cat. Ikaw ang gusto nilang itumba."

"Pa'no mo nalaman Ate?"

"Alam ko lang...." then she hunged up.

Sh*t! Talagang bumalik sila dito ha? Dito pa sa teritoryo ko. At ako pa ang gusto nilang itumba? Malalaman nila kung sino talaga ako. Ako ang batas. Ako si Black Cat.

Gusto nila ng madugo? Mas gusto ko 'yun.

Nag-ayos ako ng sarili saka natulog. Ayaw ko munang isipin ang mga nangyayari.

***

"OUCH!" Malakas na bulyaw sa akin ng babaeng nakabangga ko.

"NYETA! Ikaw na nga nakabangga, ikaw pa may ganang magalit? Anong katangahan, pinapairal mo ha?" Nakayuko kong sagot.

Pagkatapos kong sumagot, itinaas ko ang aking ulo at inalis ang shades na suot ko.

Tinignan ko mula ulo hanggang paa ang babaeng nasa harap ko.

"Nyeta naman talaga oh! 'Kaw na naman?"

Humakbang siya palapit sa'kin at tinaasan ako ng kilay, "Oo, ako nga. Ang babaeng napakaganda na GIRLFRIEND NI AXEL, ang EX mo. Black Cat talunan!"

Mas lumapit ako sa kanya. Yumuko ako at tumapat sa leeg niya.

"Sayong-sayo na siya. Isaksak mo siya diyan sa ilong mo. O baka gusto mong putulin ko pa siya at ilagay sa lahat ng butas mo? Baka sakaling matuwa pa ako sa'yo. Kaya ikaw na kuto ka, tumabi ka na kung ayaw mong masaktan ulit gaya ng ginawa ko sa'yo nung una tayong nagkita sa may canteen. You fucki* basta*d daughter of a bi*ch," mahaba kong sabi.

"May araw ka din sa akin Black Cat," pabulong niyang sabi sa akin saka niya ako pinadaan.

"May gabi ka pa sa akin Oranggu," pang-aasar ko.

Dumiretso ako sa room at nakita kong nakaupo si Yohan sa isang tabi. Agad akong lumapit sa kanya at napansing may luhang tumutulo galing sa kanyang mata.

"Wow , umiiyak ka?" Sarkastiko kong sabi sa kanya.

Agad naman siyang napatingin sa akin at ngumiti na para bang ang hina niya.

"Hindi ba halata?" Pagtatanong niya saka pinunas ang luha sa kanyang mata.

"Hindi eh, para kang bakla. Huwag ka ngang umiyak! Ano bang problema mo ha?" Pagtatanong ko.

"Problema ko? Itong kagwapuhan ko," saka pa siya nagpapogi pose.

"Teka, nagU-turn ulit yata si Yolanda. Lakas ng hangin eh. Grabe!" Saka pa ako tumayo pero napaupo din sapagkat umiiyak talaga si Yohan at alam kong hindi na ito joke. Alam ko naman kung nagjojoke ang mokong na ito eh.

“So anong nangyari talaga sa’yo Yohan, at kung makaiyak ka akala mo best actor ka?” Seryoso kong pagtatanong.

“My girl, she’s dead,” saka tuloy-tuloy na umagos ang luha ni Yohan.

Anong sabi niya? His girl is dead? Hindi ko gets, ibig ba sabihin niyon patay na ang aso nila na girl o patay na ang girlfriend niya? Pero teka, may girlfriend ba siya? Bakit wala man lang akong kaalam-alam?

“Girlfriend?” I asked him.

Tumango siya, ibig-sabihin may girlfriend nga siya at hindi ko man lang alam? Anong klase akong kaibigan? Ang tanga ko naman daw.

“Anong nangyari?” Muli kong pagtatanong.

Tumingin siya sa akin. Bakit ba tuwing tinitignan niya ako, gan’to 'yung pakiramdam ko? Bakit parang nakakakarelate ako sa kanya? Bakit?

“Gusto mong malaman?” Napakahusky na ng boses niya dahil na din siguro sa kanyang pag-iyak.

Tumango na lang ako.

“Na-coma siya ng 6 months. Nagkaganun siya kasi may gumawa niyon sa kanya. Isang malagim na trahedya ang nangyari sa kanya. Gusto ko nga na hanapin 'yung pumatay sa kanya eh. Kapag nahanap ko 'yun, papatayin ko talaga siya. Mas doble pa sa ginawa niya kay Kei.”

Inis, sakit at pghati, 'yan ang nararamdaman ngayon ni Yohan. Awa at lungkot, 'yan ang nararamdaman ko para sa kanya. Masakit isipin na gan’to pala si Yohan. Anim na buwan siyang nagtiis, anim na buwan siyang umasa ngunit sa isang iglap nawala ang mga ito.

“May picture ka ba niya?”

Mula sa kanyang bulsa ay may dinukot siyang picture at agad naman niya itong inabot sa akin.

Si-si Kaycee Vega ito. Hindi ako maaring magkamali, si Kaycee nga ito.

“Anong totoong pangalan niya Yohan?”

“Kaycee Vega, ang mahal ko. Ang pinakamagandang babae sa mundo,” tugon niya habang lumuluha pa.

Tama ako, si Kaycee Vega nga ito.

“Saglit lang Yohan, may pupuntahan lang ako.” Paalam ko sa kanya.

“Saan ka pupunta?” Tanong niya.

“Sa comfort room, parang biglang sumakit 'yung tiyan ko eh. Maiwan muna kita dito ah? Babalik ako,” saka ako tumakbo palabas ng room.

Bakit gan’to? Ang sakit malaman na kasintahan niya pala si Kaycee. Bakit hindi ko alam? Napakalaki ng kasalanan ko kay Kaycee. Sana, sana, bumukas na ang lupa at kunin na ako ng demonyo para matapos na ito. Bakit? Hindi ko na kaya, Bakit ba ako naiipit sa nakaraan? 

Dangerous Kiss: Kiss Of The Black Cat (KathNiel) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon