Chapter Nine

161 9 0
                                    

ANO ba kasi ang kuwintas na ito? 'Yung nakita ko sa lalake kanina ay 'yung may baril na ginto sa gitna. Tapos, ngayon naman , ang pendant nitong kuwintas na hawak ko ay skull ring. Ano ba talaga ang meron?

“Meowsy!”

Muntik ko nang mabitawan 'yung hawak kong kuwintas. Makagulat naman kasi akala mo walang bukas. Tumingin ako sa likuran ko at pinalo sa braso si Yohan.

“Nyemas ka! Pa’no kaya kapag inatake ako sa puso 'no? Musta naman kalalabasan ko? Yohan naman kasi eh, kakatayin kita niyan.”

Nginitian niya ako saka nagpeace sign, “Sorry Meowsy! Sorry na, may sasabihin lang naman kasi ako sa’yo.”

"Ano?" Kunwaring naiinis kong tanong.

"Uwi na tayo," saka pa siya ngumiti.

"Uuwi na tayo agad?"

Bakit ngayon mo pa gustong umuwi ha? May gusto pa akong malaman eh. Ngayon ka pa eepal. Nakakabaliw ka talaga Yohan. Nakakainis. 'Yan, gusto kong isigaw 'yan sa kanya.

"Bahala ka," biglang bitaw ng bibig ko.

Shutanginerns na bibig. Ngayon ka din eepal, nakakainis. Nyeta. Inilahad ni Yohan ang kanyang palad saka nagsalita, "So, tara na?"

Inabot ko naman 'yun saka ko siya inismiran, "Ano pa nga ba ang magagawa ko? Tara, paalam na tayo kay Ate Jhen."

"Tara."

Malapit na kami sa kinaroroonan ni Ate Jhen ng biglang may bumangga sa akin.

Aba't, kanina pa ako binabangga ng mga hayop na ito ah? Gusto ba nila ng gyera o ng gyera?

"Sa'n ka ba tumitingin ha?" Bulyaw ko sa taong bumunggo sa'kin. Binitawan ko din ang kamay ni Yohan.

Lumapit naman sa akin si Yohan at hinawakan ang braso ko, "Meowsy! Nakatingin na ang mga tao sa'yo oh? Pangalawang beses na'to na nakatingin sila sa'yo."

"THE HELL I CARE YOHAN! SANAY NA AKO SA GAN'TO!" Nangagalaiti kong sagot sa kanya.

"Hoy ikaw! Ang yabang mo ha? Panot na kalbo, pabuhok ka kaya? Tss. Uso naman siguro kasi ang tumingin sadinadaanan diba? Hindi ba nakita ng duling mong mata ang aking kagandahan? Atsaka, bakit ka ba kasi nakashades? Nyeta! Where's the sun dude?"

"Ikaw ba si Black Cat?" Pagtatanong nito sa akin. Aba't iniiba niya ang usapan.

Meron ako sa pagkasarcastic ko kaya iinisin ko siya. Tutal, minsan lang ako maging baliw. Lulubos-lubusin ko na.

"Anong Black Cat ka diyan? Duh to the infinity and beyond, tao ako. Mukha ba akong pusa?" Saka ko tinuro ang sarili ko.

"Sagutin mo na lang ako. Ikaw ba ang Black Cat ng Black Death?" Halata na sa boses niya ang pagkairita.

Nagsimula naman ng magbulungan ang mga tao.

Dangerous Kiss: Kiss Of The Black Cat (KathNiel) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon