Chapter Six

240 13 6
                                    

Hindi na ako nag-abalang mag-excuse me sa mga tao at binangga-bangga na lang sila. Tang*na naman kasi eh! Harang kaya sila sa eksena ko. 'Yung iba pa nagrereklamo kapag nababangga ko. Puny*ta naman! Bakit kasi sila harang sa daan ko? Tss.

Nang makarating ako sa puwesto nila Jhen or Ate Jhen, agad kong inapakan ang dalawang paa nung mga asungot na nakahawak sa kanya at hinila si Ate Jhen kung saan.

Dapat mailayo ko siya sa crowd. Tulad kanina, wala na akong pakialam sa mga taong nababangga namin. Saan ko nga ba 'to dadalhin? Gamit pa rin ang maskara ko, naghanap ako ng puwedeng madaanan palabas ngunit wala akong mahanap na pintuan bukod sa hagdanan na malapit sa amin. Tumingin ako sa likuran namin at laking gulat ko ng malapit na sa likod namin ang dalawang asungot.

Hinila ko na lang ulit si Ate Jhen at itinakbo siya sa hagdan. Pataas na kami nang biglang hawakan ng mga asungot ang extra clothing ng dress ko at sa kasamaang palad, nadapa ako. Nakakasigurado akong may night vision din ang mga maskarang suot nila dahil nasusundan nila kami.

"Aray! Puny*ta! Nasundan niyo pa kami? Itong bagay sa inyo!"

Kinuha ko ang balisong sa may paa ko at pinutol ang extra clothing na hawak nila, inikot ko naman iyon at bigla kong binitawan saka sila nahulog sa hagdan. Ako pa kasi kinakalaban eh!

Pagkatapos niyon hinila ko sa taas si Ate Jhen at tinakbo ang mahabang pasilyo na may pintuan sa dulo.

Pagkarating namin sa may harap ng pintuan agad ko iyong binuksan at teka--- HAGDAN ULIT? Nakanak.

Bigla kong nasapo ang aking ulo. Jusmiyo naman! Alangan namang hilain ko si Ate Jhen. Teka nga, bakit kanina pa 'to hindi nagsasalita? Saka ko lang naalala na may busal pala siya sa bunganga.

Agad ko iyong tinanggal at narinig ko ang malakas niyang paghingal.

"Sa'n papunta itong hagdan na ito ate?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko sa kanya.

"Teka, nasaan na ba tayo?"

"Andito sa itaas,"

"Saang taas? 2nd, 3rd, 4rth or rooftop? Saan?"

"2nd!" Agaran kong sagot.

"Sa pintuan sa dulo ng pasilyo?"

"Oo! Sa'n ba papunta ang hagdan na ito?"

"Sa may rooftop papunta ang daan na ito!"

"Eh, anong gagawin natin? Tataas tayo o hindi?"

"Tumaas na tayo! Teka, sino ka?"

"Mahabang explanation kaya mamaya na tayo magpakilala sa isa't-isa!"

Nagulat kami nang biglang may nagbukas ng pintuan at iniluwa niyon ang dalawang asungot. Agad naman kaming tumaas sa hagdan at nakikipagpatintero sa kanila. Bwesit, nakakainis talaga sa buhay ang mga kontrabida! Laging sinasapawan ang mga bida.

"HOY KAYO!" Sigaw nang isa sa kanila.

"Hoy ka din! May pangalan kami! Gagong 'to, pektusan kita sa ngalangala eh!" Inis kong turan at tinakbo na talaga namin ang hagdan at nakapunta na kami ng rooftop.

Grabe, ang haba ni hagdan. Feeling ko masusuka ako eh. Tapos 'yung dalawang asungot, 'di din nagpapatalo eh. Tapos dead end na dito sa rooftop tapos tapos tapos mamamatay na si Rose este ako. Mali, erase! Ano ba! Ang sakit sa bangs ha?

"HOY TUMIGIL NGA KAYONG DALAWA! KUNG HINDI PAPASABUGIN NAMIN 'YANG MGA U

LO NIYO!" Sigaw nila sa amin.

Dangerous Kiss: Kiss Of The Black Cat (KathNiel) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon