Chapter Seventeen

73 2 5
                                    

Chapter Seventeen

"Hoy! Nasaan utak mo?" Bulyaw sa akin ni Yohan.

Kanina niya pa ako kinakausap at puro tango lang aking sinasagot. Kahit isang salita na galing sa kanya ay wala akong naintindihan. Kanina pa kasi lumilipad ang aking isip, actually, kagabi pa pala. Iniisip ko kasi kung saang impyerno ko hahanapin 'yong lalakeng iyon. At kung sino ba ang nagbigay nang regalong nagpainit sa ulo ko. Anak ng puta.

"Nasa utak ko, malamang." Sagot ko sa kanya.

"Tawa na ba ako Meowsy?"

"Oo, para mamatay ka na."

"Gusto mo na ba akong mamatay?"

"Pwede."

"Grabe ka sa akin ha?"

"Mahal naman kita eh." Wala sa sariling sagot ko.

What the fuck? Anong kabobohan na naman ang lumabas sa bibig ko? Isip pa kasi nang kung ano-ano Rose. Dammit.

"Anong sabi mo? Mahal mo ako?" Tatawa-tawa niyang sabi.

Napakamot ako sa aking ulo, "Gago! Anong mahal pinagsasabi mo? Wala kaya akong sinasabi. Ang bingi mo talaga kahit kailan."

Bumaling siya sa ibang direksiyon, I saw him lipped, ang dami mong rason.

Binatukan ko nga siya.

"Aray!" Sabi niya.

"Masakit ba?" Sarkastiko kong sabi.

"Malamang!" Humimas siya sa kanyang ulo. "Bakit ka ba namamatok?"

"Shunga mo eh! Nakita kitang bumulong na ang daming rason."

"Dami mo kasing rason talaga. Sabi mo mahal mo ako e."

"Hindi nga!"

"Oo nga! Umamin ka nga kasi!"

"Ipilit mo pa."

"Oo, ipipilit ko talaga na mahal mo ako." Ngumisi siya.

"Nginingisi ngisi mo diyan?"

"SCHOOLMATES! MAHAL DAW AKO NI ROSE!" Sigaw niya.

Tinakpan ko ang kanyang bibig. Kung ano-anong sinisigaw. Naglalakad nga pala kami sa corridor.

Hinila ko siya pataas ng room.

"Para saan 'yon?" Tanong ko.

"Para umamin kang mahal mo ako." Tumawa siya.

Lakas talaga nang sapi ng isang 'to. Fucker! Tadyakan ko na kaya para tumahimik? Piningot ko siya at kinaladkad paloob ng room. Lahat tuloy ng kaklase namin ay nakatingin sa amin. Hinila ko siya sa upuan namin at pinaupo siya sa kanyang upuan. Saka ko binitawan ang kanyang tenga.

"Ang sakit naman n'on Rose."

"Baka gusto mo pang dagdagan natin?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dangerous Kiss: Kiss Of The Black Cat (KathNiel) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon