Chapter Two

406 16 3
                                    

Chapter Two

"Linsyak ka Axel! Sagutin mo itong tawag ko! Gago ka!" Mahina kong bulong sa aking sarili.

Kanina ko pa tinatawagan si Axel sapagkat may gusto akong sabihin sa kanya. Gusto kong makipagkita sa kanya ngunit nakakalabing-isa na yata akong tawag sa kanya ngunit hindi pa rin niya ito sinasagot.

Muli kong pinindot ang call button. Sa sobrang inis ko ay ibinato ko sa sahig ang aking cellphone. Nakakainis siya! Gusto ko siyang gilitan ng leeg.

"Aray!" Hinaing ko habang sapo-sapo ang aking likod na tumama sa pader.

Punyeta naman, 'yung bumangga ba sa akin ay may inis? Parang hindi niya kilala kung sino itong binabangga niya.

Tumingin ako sa direksyon na nilalakaran niya ngunit wala na siya. Napakabilis naman niyang naglaho. Hindi ko na lang ito pinansin at dumiretso na lamang ako sa canteen. Gutom naman na ako at hindi naman nagpaparamdam sa akin si Axel.

As usual, pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa canteen lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa akin. Wala na akong pakialam sa kanila, sanay naman na ako na nasa akin lahat ng kanilang atensyon.

Hindi na rin ako nag-abalang pumila pa sapagkat kilala naman na nila kung sino ako. Ako ang Black Cat, nakatatak na iyan sa kanilang isip. Ang babaeng hindi dapat kinakalaban. Ako iyon at wala nang iba.

Pagkatapos kong bumili ng pagkain ay humanap naman ako kaagad nang mauupuan ko.

Pero, hindi ko na yata makakain ang binili ko dahil nahulog ko ito sa lapag. Biglang namula ang pisngi ko sa sobrang inis sa aking nasilayan.

Si Axel, ang matagal ko ng boyfriend ay may sinusubong pagkain sa babaeng kasama niya. Kung nakakalusaw lang ang mga titig, siguradong patay na silang dalawa.

Hindi ko na namalayan ang aking sarili at dumiretso ako sa kanilang kinauupuan. Sinuntok nang nang-gagalaiti kong kamao ang mesa nila. Daig ko pa nga yata ang isang lalake sapagkat malaki ang naging pinsala ng mesa. Agad naman silang napatingin sa akin. I smiled with anger and hatred.

"R-Rose?" Utal-utal na banggit ni Axel.

"Ako nga, sino naman itong kasama mong malandi?" Tinaas ko ang isa kong kilay saka hinawi ang aking buhok

Tumayo naman sa pagkakaupo ang babaeng kasama ni Axel at sinampal niya ako sa magkabilang pisngi. Hindi ko nakitang gagawin niya iyon sa akin.

Aba't hindi ba ako kilala nitong hayop na ito? Napahawak ako sa aking pisngi. Sa unang beses ay may naghangad na saktan ako.

"Sino ka?" Tanong nito sa akin saka pa pumamewang.

Ngumisi ako at tinuro ang aking sarili, "Ako? You must be kidding me. Hindi mo ako kilala? Imposible!" Napatawa ako. Tumigil ako saglit sa pagsasalita at inabot ko sa kanya ang aking kamay.

"Ako si Rose Madrigal mas kilala bilang Black Cat," dugtong ko pa.

Humikab siya at hindi pinansin ang aking kamay.

"So, ikaw pala ang Black Cat? Mas bagay pa pala sa'yo  ang Askal. Hindi ka mukhang pusa, isa ka lang basura na itinapon sa kalsada. Finally, nakaharap din kita Askal."

Hindi na ako nagpapigil at sinuntok ko siya sa mukha na naging dahilan upang bumagsak siya sa sahig. Inalalayan naman siya ni Axel na tumayo. Tsk. Magsama silang dalawang inutil.

"How dare you?" Lumapit siya sa akin at nakita kong may kinuha siya sa bulsa nang kanyang jeans.

May dala siyang swiss knife. Binuksan niya iyon at sasaksakin niya dapat ako ngunit naunahan ko siya at binalibag ko siya sa lapag, nadinig ko ang inimpit niyang aray. Ngunit, wala yata siyang balak na magpatalo. Tumayo siyang muli at hinawakan ako sa leeg.

Pero, alam kong hindi niya ikakatuwa ang gagawin ko sa kanya.

Kinapa ko ang aking pantalon at binunot ang baril na binigay sa akin ni boss kanina. Nginitian ko siya.

"Ba-bye!" Winave ko pa ang aking kamay sa kanya at kinasa ang baril.

Ngayon, natulala siya dahil nakatutok ang baril sa kanyang ulo na anumang oras ay pwede kong iputok sa kanya.

"YOU BITCH!" Inapakan niya ang paa ko saka niya ako tinadyakan ng ubod lakas sa tiyan at tumama ako sa malaking salamin.

Hindi siya nagpapaawat ha. Inaamin ko, wala pang nangahas na makipag-away sa akin ng ganito. Gusto niya ng gulo? Pagbibigyan ko siya.

Hawak-hawak ko ang aking tiyan na tumayo. Akala niya bang magpapatalo ako? Umasa siya sa impyerno!

I heard her gasp, "Ah punyeta! Talagang tatayo ka pang bitch ka ha?" At inismiran niya ako.

Tinawanan ko lang siya.

"I told ya, I'm the Black Cat. Marami akong buhay atsaka isa pa, itim ako na pusa. Ibig sabihin, mamalasin ka."

Lumapit ako sa kanya at flinying kick siya sa mukha. Lahat ng tao na nakapaligid sa amin ay nagtitilian na. Pero, wala akong pakialam.

Lumagapak ang kanyang katawan sa sahig.

"See? Huwag mo akong kalabanin kung gusto mo pang mabuhay."

Sa sobrang inis ko sa kanya ay inapakan ko pa ang kanyang kamay. Hindi ko ito tinigilan hanggang sa hindi ko narinig ang pagtunog ng mga buto nito. Kinuha ko rin ang isang fried chicken na malapit sa mesa at pilit ko iyong pinasok sa kanyang bunganga. Mamatay ka na.

"Tsk," nasambit ko na lang nang matapos ako sa kanya at lumakad na palayo sa canteen.

I'm the winner.

Pumunta ako sa open field sa likod ng campus at naupo sa isang bakanteng bench. Nilabas ko ang litrato ng lalakeng pinapahanap sa akin ni Boss.

"Saan kayang palda ni Satanas ko ito hahanapin?" Bulong ko sa aking sarili.

"Boo!"

"Putangama!"

Sa pagkagulat ko, ako ay nahulog sa pagkakaupo. Hindi ako agad makarecover at makatayo. Takte! Sino ba kasi ang mangugulat nang ganon? Tumingala naman ako sa taong nakatayo sa likuran ko na alam ko namang siya ang gumawa nang pagkagulat ko.

Inabot niya ang kanyang kamay sa akin upang tulungan akong tumayo. Kinuha ko naman iyon at sa wakas nakatayo rin ako.

Umismid ako sa kanya, "Nginingiti-ngiti mo dyan?" Nagcrossed arms ako sa kanya.

"Ganda mo pala?" Saad niya na parang na-aamaze pa. Bigwasan ko kaya ang isang ito?

Tinititigan niya ang mukha ko na para bang may nakadikit na dumi. Hindi ba siya natatakot sa akin?

"Whatever! Sino ka ba?" Pagtatanong ko.

"I'm Yohan," at inabot pa niya ang kanyang kamay.

"Anong gagawin ko riyan?"

Napahiya yata siya at binaba na lang niya ang kanyang kamay. Dapat lang, walang sino man ang dapat humawak sa maganda kong kamay.

Umupo ulit ako sa bench at napansin ko na nakiupo na rin siya.

"You're Rose Madrigal right?" Pagbasag niya sa katahimikan na bumabalot sa aming pagitan.

"Oo," tugon ko.

"Ah, ano," tinignan ko siya at kumamot siya sa kanyang ulo.

"Ano?"

"Pwede ka bang maging kaibigan?"

Tumawa ako nang mahina. Ako? Gusto niyang kaibaganin? Bakit naman? Wala lang siyang mapapala sa akin kapag naging magkaibigan kami.

Nilingon ko siya na may pagtataka.

Dangerous Kiss: Kiss Of The Black Cat (KathNiel) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon