Chapter Sixteen

51 2 2
                                    

Chapter Sixteen

"Fuck! Sino ka ba?!" Bulyaw ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang kanyang kamay.

Kasalukuyan ko siyang hinihila sa maliwanag na lugar. Gusto ko lang makasiguro na siya nga ito. Gusto ko na din kasi matapos ang aking misyon sapagkat gusto kong mag-focus sa sarili ko.

Tumigil kami sa may mga poste ng ilaw at doon ko nakumpirma na siya nga ang lalakeng kailangan kong itumba.

"Wala ka bang bibig?! Magsalita ka nga!" Sigaw ko.

Nagpalinga-linga siya sa kanyang paligid na parang may hinahanap saka siya tumingin sa akin. Ano bang problema nito?

"Ano bang problema mo Miss?" Mahinahon niyang tanong sa akin.

"Ikaw!"

"Ako?"

"Oo, ikaw! Alam mo, kung hindi mo ako hinila siguro napatay ko 'yong bumaril sa akin."

"Hindi ka ba magpapasalamat sa akin?"

Ang kapal ng mukha! "Ako? Magthathank you sa kagaya mong mukhang paa?"

"Baka kung hindi kita hinila palayo doon sa gustong pumatay sa'yo, siguro sa mga oras na ito ay pinaglalamayan ka na."

Kung kilala mo lang kung sino ang kaharap mo ngayon, bulong ko sa aking isip. "Para sa iyong kaalaman, kaya kong ipagtanggol ang aking sarili. Hambog!"

"Babae ka kaya alam kong wala kang kayang gawin. May dala ka nga na baril ngunit hindi mo yata alam ito gamitin," tinignan niya ang baril ko na hawak pa din niya saka niya ito itinapon sa malayo.

WHAT THE FUCK!

"Bakit mo tinapon?!"

"Wala lang, hindi mo naman alam gamitin kaya itinapon ko na."

Nainis ako sa ginawa niya, I formed my hands into a fist saka ko siya sinuntok sa mukha. Dahil sa ginawa ko napahiga siya sa sahig.

"Para saan 'yon?" Galit niyang tanong.

Babangon sana siya ngunit tinadyakan ko siya sa kanyang sikmura.

Narinig ko siyang napa-ungol sa sakit. Serves him right.

Dinaganan ko siya upang hindi siya makagalaw. Susuntukin ko ulit sana siya sa mukha pero napatigil ako. Sayang naman kung sisirain ko ang kanyang mukha. Infairness, ang guwapo niya. Napailing ako. Tumayo ako sa pagkakadagan sa kanya at inabot ko ang aking kamay.

"Ano 'yan?" Tanong niya.

"Kamay. Tanga lang?"

Napangiti siya, bakit bigla 'tong tumatawa? Hinila niya ang kamay ko para makatayo siya ngunit ikinagulat ko ang mga nangyari. Pagkatayo niya ay hindi sinasadya na nailapat niya ang kanyang labi sa aking labi.

Anong kababalaghan 'yong nangyari?

Biglang nag-init ang aking pisngi. Ramdam ko iyon.

"Nangyari sa'yo?" Tanong niya.

Sa tanong niyang iyon saka lang ako natauhan na hindi na magkalapat ang mga labi namin. Pero, bakit pakiramdam ko ay nakalapat pa din ang labi niya sa akin? What the?!

"Hoy!" Winagayway niya pa ang kanyang kamay sa harapan ko.

Tinitigan ko siya sa kanyang mata saka ako tumalikod at tumakbo palayo. Ano ba 'yong nangyari?

Narinig ko pa siyang sumigaw, "Thank you sa kiss! Hanggang sa uulitin!"

Damn it!

*****

Dangerous Kiss: Kiss Of The Black Cat (KathNiel) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon