Chapter Five

249 14 3
                                    

"ANAK, saan ang punta mo?" Tanong sa akin ni Mama habang naglalakad ako pababa ng hagdanan.

"Sa anong pake mo? Kailan ka pa naging concern sa akin ha?" Pabalang kong sagot.

Nakakainis! Akala mo kung sino 'tong makaasta sa akin? Akala niya siguro, ikakatuwa ko kapag naging concern siya sa akin. Asa siya! Asa siya sa pader! Badtrip na 'to!

"Bakit ganyan ka kung sumagot?" Ngayon, tumaas ang boses niya.

"Una sa lahat, 'wag mo akong sigawan dahil baka pasabugin ko 'yang panget na mukha mo. Pangalawa, so what's it to you kung gan'to ako sumagot? Pati 'yun proproblemahin mo? Hindi kita kailangan! Hinding-hindi," mahaba kong litanya.

Nagpatuloy akong maglakad at lumabas na sa may pintuan. Sino ba siya sa akala niya? Nakakainis talaga! Mapapatay ko talaga siya eh! Banas naman, sinira na niya ang mood ko! Tang*na!

"Meowsy!" Bati agad ni Yohan nang makita niya ako.

Nilapitan ko siya at inarapan, "Badtrip!" Bigla kong nasabi.

"Badtrip?" Tumaas ang kilay niya sa akin.

"Oo, badtrip 'yung put**ginang nanay ko. Andaming inarte sa buhay. Inis!"

"Ah.... Huwag mo na ngang isipin 'yun. Ang ganda mo pa man din diyan sa suot mong black dress na may malaking punit diyan sa gitna. Ikaw din, huwag mong hayaan na masira ang kagandahan mo nang dahil diyan lang. So, tara na?" Inilahad niya ang kamay niya sa akin at inabot ang aking mga kamay at inalalayan niya akong sumakay sa kanyang kotse.

Teka, siya ang magmamaneho?

"Ikaw magdadrive?" Tanong ko sa kanya.

"Ay hindi, ikaw siguro kaya ako nakaupo sa drivers seat," pamimilosopo niya.

"Vice, is that you..."

"... mukhang kabayo?" Pagpapatuloy niya . Natawa naman kaming parehas.

Tapos bigla kong naalala 'yung sinabi niyang punit daw sa gitna sa dress ko.

"Hoy Yohan!" Binatukan ko siya kahit alam kong nagdadrive siya.

"Aray! Bakit ba?" Pagtatanong niya.

"'Yung sinabi mo sa dress ko kanina, hindi 'yun punit. Ungas!"

"Ha? Hindi punit? Eh, anong tawag mo diyan?"

"Slit ang tawag diyan. Gagi!" Natawa ako at nakita kong nagpout siya.

"Why so happy?" Bakas sa tono niya ang pagkasarkastiko.

"Ikaw kasi eh! Punit pa ang gusto. Hahahaha!"

Lalong lumakas ang tawa ko at napahawak sa aking tiyan. Feeling ko mamamatay na ako kakatawa.

"Hoy! Mamamatay ka na diyan kakatawa," tugon ni Yohan sa akin.

"Punit daw kasi ang slit. Bobey! Hahaha!"

Tumatawa ako habang itinuturo siya. Grabe! Patigilin niyo ako sa kakatawa.

"Sarreh okay, sarreh," tinalamsik niya ang kanyang left hand at umirap na animo'y Steffi Cheon ang dating. Dahil dito lalo akong napahalakhak, mawawalan na talaga ako neto. Inday! Ipasok ang Nitrogen este Oxygen. Hahaha!

"Hoy! Tumigil ka na nga kakatawa! Nagvaviolet ka na 'oy!"

"Violet? Ube?"

Ngayon lang ulit ako tumawa nang gan'to kaya susulitin ko na. Mahirap na, baka hindi na ako makatawa pang muli.

"I'm serious! Nagvaviolet ka na, tama na 'yan Rose,"

"Te-teka, sige na nga tatahimik na ako. Pero, tandaan mo na hindi punit ang slit. Kegwapo-gwapo mo tapos shunga ka? Turn off dude."

Tumawa pa ako ng huli at pilit na kina lma ang sarili. Whoo! Hindi tuloy ako makahinga. Bwesit!

*****

8 PM na at isang oras na lang ay mag-uumpisa na ang naturang party. Kararating lang namin dito ni Yohan, mahaba-haba din kasi ang naging byahe namin. At hanggang ngayon 'di pa din maalis sa isip ko ang punit slash slit thingy ni Yohan. Ngayon, gusto ko pa din tumawa kaso kaharap na namin ang pinsan niya daw.

"Hey Rose! Are you listening?" Saad ni Yohan sa akin. Sa sinabi niyang ito bumalik ako sa realidad. Bakit ba kasi ayaw maalis 'yang punit slash slit na 'yan? Maalis na sana ito sa isip ko.

Tumango ako, "Ah, anong sinasabi mo?"

"Haha! Wala ka pa din sa isip mo? As I was saying, siya si Jhen Perez," tinuro niya ang babaeng nakaharap sa akin at nagsalitang muli, "She's my cousin."

Napatingin naman ako sa babaeng itinuro niya at nagulat ako sa alindog na taglay nito. Napakaganda niya, mahaba ang kulot niyang itim na buhok, mapupungay ang mga mata at maganda ang labi nito. For me, parang ang perfect niya at dinaig pa ako sa kagandahan.

Inabot niya sa akin ang kanyang kamay at nagsalita, "I'm Jhen, and you are?" Nginitian niya ako.

Nginitian ko din naman siya upang maipakita ang paggalang ko kuno at inabot ang kanyang kamay at nakipag-shake hands.

"I'm Rose Madrigal,"

"Rose Madrigal? Hmmm, parang familiar ang name mo parang narinig ko na 'yan somewhere. Nice meeting you," matamis niyang saad.

"Oh by the way, happy birthday nga po pala," sabi ko at ibinaba na ang aking kamay sa pagkakahawak sa kanya.

"Oh, thank you." Bumaling naman siya kay Yohan.

"Enjoy the party guys. Asikasuhin ko lang 'yung ibang bisita ko ha. Maiwan ko na kayo."

"Take your time cous," sagot sa kanya ni Yohan.

Mabilis na lumipas ang minuto at ngayon ay 9 AM na. Ang bilis ng oras. Mula naman sa stage ay may emcee na nagsalita.

"Good morning ladies and gentleman," pagbati nito sa lahat ng tao sa venue.

Palakpakan lang ang itinugon ng mga tao sa kanya. At siyempre, kasama ako dito.

"So how's the ni---" biglang naputol ang sinasabi ng emcee nang mawala ang ilaw sa venue.

Teka, anong nangyayari? Biglang nagkagulo ang mga tao sa venue at lahat sila ay nagsimulang magsalita. Bigla kong naalala ang sinabi ni Boss tungkol sa maskara. Gamitin ko daw iyon kapag kailangan, ito na ba 'yun?

Kinapa ko naman 'yung likod ng maskara na suot ko at pinindot ang button na nandoon. At biglang nagkanight vision ang maskarang suot ko. Tinignan ko ang mga taong nasa paligid ko at nagkakagulo nga sila, inilibot ko ang mata ko at sa isang dako may natanaw ako na hindi ko nagustuhan.

'Yung pinsan ni Yohan, pilit kumakawala sa dalawang lalake na nakahawak sa kanyang magkabilang braso at may tali na din ang bunganga niya kaya marahil hindi siya makasigaw. Napaisip ako bigla, tutulungan ko ba siya o hindi?

Manood na lang kaya ako sa mangyayari? Pero, parang hindi kaya ng konsensiya ko na ganoon na lang ang kahinatnan nung pinsan ni Yohan. Kawawa naman siya.

Dala ko naman 'yung mga gamit ko kaya, manonood na lang ako. Mali, tutulong ako.

Humanda kayong mga asungot kayo sa akin.

Dangerous Kiss: Kiss Of The Black Cat (KathNiel) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon