Chapter Three

301 14 3
                                    

Dapat hindi siya nakikipagkaibigan sa akin sapagkat delikado akong tao.

"Hindi ka ba natatakot sa akin?" Tanong ko sa kanya.

Nginitian niya muna ako bago sumagot, "Well, hindi. Bakit naman ako matatakot sa'yo?"

"Kasi ako ang Black Cat, delikado ka para lumapit sa akin," yumuko ako at iniwasan siya nang tingin.

"Eh, ano naman ngayon kung ikaw ang Black Cat? Ako nga Red Horse eh!" Tumawa siya nang malakas na para bang akala niya ay sobrang close na kami.

"Tsk. Kalalabas mo bang mental? Ang kulit mo eh. Baliw ka yata."

"Ano ka ba meowsy! Bakit naman kasi ako matatakot sa'yo, hindi ka naman si Zuma o kaya si Valentina para katakutan ko."

"Meowsy?" Tumaas ang isang kilay ko.

"Oo, meowsy. Sabi mo ikaw ang Black Cat eh. Kaya tatawagin kitang meowsy," tuwang-tuwa niyang turan.

Kahit papaano ay natawa ako roon sa sinabi niya ngunit hindi ko pinahalata. Pero teka, bakit parang hindi niya ako kilala? Is he a transferee or what? Pero, bakit alam niya ang pangalan ko?

"Are you a transferee?" Tinanong ko siya out of curiosity.

"Mind reader ka ba? Paano mo nalaman?"

Pumalakpak siya na parang isang bata na nakakuha nang isang pirasong chocolate.

"Pwedeng tumahimik ka diyan sa pag-arte mong parang bata? Nakakainis eh. Kapag hindi ka tumahimik, papasabugin ko 'yang ulo mo sa taas at baba!" Iritado kong turan.

Sumimangot naman siya sa akin. Aba't, hilain ko nguso nito eh. Maka-pout parang bata.

"Nagtatanong lang eh."

"So, transferee ka nga?"

"Obvious ba? Kaya nga nakikipagkaibigan ako sa'yo e," tumingin siya sa kabilang direksiyon.

"Bakit ba ako ang nilapitan mo? Bakit sa akin ka nakikipagkaibigan? Bakit hindi sa iba?"

Tumingin siya sa akin na may kakaibang facial expression. Hindi siya normal na poker face. Hindi ko mawari kung ano ito. May kung anong misteryo ang bumabalot sa kanya.

"Kasi, iba ka sa lahat. Natatangi ka. Kakaiba." pabulong niyang sabi sa akin.

"What do you mean kakaiba?"

Nagulat ako sa ginawa niya sa akin, tinulak niya ako at nahulog ako sa may bench. Buti na lamang at may mga damo rito, tatayo dapat ako ngunit pinigilan ako ni Yohan.

Dumagan siya sa akin at inilapit niya ang kanyang mukha.

"Kakaiba ka sa mga babae rito, may kakaiba kang taglay. Napanood kitang nakipag-away sa canteen kanina. Paano ka natuto ng mga ganoong technique? Saan galing 'yong baril mo? Alam mo, marami akong gustong itanong sa'yo. Umamin ka nga sa akin. May itinatago ka bang sikreto?"

Bumilis ang pagtibok nang aking puso, kakaibang tibok. Tila ba'y kinakabahan ako na ewan sa presensiya nitong lalakeng kaharap ko ngayon. Ang mga mata niya, nangungusap sa akin na sagutin ang mga tanong niya. Para siyang may sapi, mas kakaiba siya sa akin. Ramdam ko iyon, isa ba siya sa dapat pagkatiwalaan?

Umalis na siya sa pagkakadagan sa akin saka ngumiti.

"Rose, gusto kitang kaibiganin. Maaari ba?"

Sa sobrang kakaiba ng kanyang presensiya, napasagot ako nang, "Oo, sige. Magkaibigan na tayo simula ngayon."

"Hindi ka magsisisi sa pagpili mo sa akin bilang kaibigan mo. Pangako."

Tumalikod na siya sa akin at naglakad palayo. Tinignan ko lang siya maglakad hanggang sa nawala na siya sa aking paningin.

Tama ba ang pagpili ko sa kanya bilang kaibigan? Sana tama ang naging desisyon ko at hindi ko ito pagsisihin sa huli. Mukha naman siyang mabait. Medyo matangkad at medyo gwapo.

Napahawak ako sa aking dibdib.

Dangerous Kiss: Kiss Of The Black Cat (KathNiel) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon