Chapter Twelve

149 7 0
                                    

Nyeta! Kailan ba ako titigilan ni Axel? Kung patayin ko na lang kaya siya? Nakakainis na, bakit ba gusto niyang bumalik sa akin? Hindi ba, may leche na siyang babae? Kung iuntog ko kaya siya ng magkaroon ulit ng alaala? Nawala yata siya sa sarili niya.

"Aray!" Hinaing ko nang may biglang bumunggo sa akin. Anak ng munggo! Kanina pa nila ako binabangga ah? Ibabangga ko na sila sa pintuan ng impyerno.

"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo Miss, nakakaperwisyo ka kaya." Saad nung lalakeng bumunggo sa akin.

"Tss. Wow ha? Ako pa dapat ang tumingin sa dinadaanan ha? Sino bang nakabunggo? Hindi ba ikaw? Ikaw kaya itong nakakaperwisyo. Nyeta!"

"Kung hindi ka kasi bumubulong sa hangin edi sana nakita mo ako at hindi mo ako nabangga."

"Kung hindi ka lang kasi nakashades edi sana nakita mo ako! Gago!" Pambawi ko.

"Ganyan na pala ang mga babae ngayon, nagmumura. Nice!" Pangbubuska niya pa.

"Hindi mo ako kilala 'no?"

"Hindi, atsaka wala akong balak alamin kung sino ka man. Tutal, pananamit mo pa lang halata ng malandi at bitch ka. Hindi ako papatol sa kagaya mo."

"At sa tingin mo papatulan talaga kita ha? Hindi ako pumapatol sa mga taong makikitid ang utak. Mas makitid pa sa eskinita ng lungga mo. At kung hindi mo ako kilala, kailangan mong malaman kung sino ang binabangga mo. You ass! Akala mo kung sino. Sino ka ba?"

"Ako?" Tumigil siya sa pagsasalita saka itinuro ang kanyang sarili

"Ako si Yael De Villa, ang sisira sa'yo," makahulugan niyang sabi saka inalis ang suot niyang shades at nginitian ako.

Te-teka? Bigla akong nanigas at natigil lang sa puwesto ko. Siya 'yun. Siya ang pinapahanap ni Boss na dapat kong patayin. Siya. Siya talaga 'yun. Hindi ako puwedeng magkamali.

Kinuha ko sa loob ng bag ko ang larawan na ibinigay sa akin ni Boss, oo siya nga ito.

Ang pagkatulala ko ay napalitan ng isang ngiti. Ngiti na magdadala sa akin sa tagumpay. Malapit na Yael, ngayong nasa tabi na kita dapat kitang makuha. At

habang ginagawa 'yun, unti-unti kitang papatayin. Simulan na natin ang larong ito. Welcome to hell Yael. Kiss me and feel the Dangerous Kiss that'll kill you. Let the games begin.

***

"Yoy! Ang saya yata natin ngayon? Anong nakain mo at nakangiti ka ng ganyan Rose?" Pambungad na tanong sa akin ni Yohan nang puntahan ko siya sa likod ng school.

"Nakain? Wala lang, masama na bang ngumiti ngayon ha?" Tinignan ko siya ng masama.

Masaya ako kasi nahanap ko na siya. Ang taong papatayin ko. Pagdating ng panahon, malalaman mo din kung sino talaga ako Yohan.

"Nagtatanong lang pooo~" saka niya pa ginaya ang boses ng pamosong Chichay na'yun.

"Alam mo ang weird mo. Mukha kang sira-ulo. Alam mo 'yun? Ano bang sakit mo ha? Bipolar ka 'no?"

"Bipolar ka diyan? Ikaw, ano ka?"

"Maganda, sexy."Tumawa ako ng bahagya.

"Asus! Maganda daw." Saka ay para siyang bumulong sa hangin.

"Oo naman, maganda ako. Ikaw, bakit gwapo ka ba ha?"At tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo, gwapo ako," at nagpogi sign pa siya.

"Alam mo Yohan? Ngayon lang ako nagkaroon ng baliw na kaibigan na kagaya mo. Bakit nga ba kasi nakipagkaibigan ako sa'yo ha? Atsaka, bipolar ka talaga. Kanina na lang nagdradrama ka tapos ngayon ang saya saya mo. 'Yung totoo Yohan?"

"Kasi nga po, gwapo ako."

"Baliw."

"Eh ikaw? Bakit ka ba masaya? Ayaw mo man lang magshare diyan. Buset ka." Saka pa siya nagpout na parang bakla.

"Ang bakla mo. Hindi mo bagay na maging bakla. Ang laki ng katawan mo, tapos bakla ka? Musta naman 'yun pare diba?"

Lumapit siya sa akin na may seryosong pagmumukha pagkatapos ay idinikit niya ang ilong niya sa ilong ko.

"Ako bakla?" Sabi niya.

Naamoy ko bigla ang hininga niya, napakabango nito. Naaamoy ko din ang pabangong bumabalot sa kanyang katawan. Parang biglang nagbago ang ihip ng hangin at bigla na lang akong parang tinakasan ng hangin sa katawan. Ano ba ang nangyayari? Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Para itong isang kabayo na nakikipagkarera.

Rose, hindi ito puwede. Umayos ka. Sigaw ng isip ko. Ano ba ang nangyayari? Pinikit ko ang mata ko saka itinulak si Yohan. At sa ginawa kong iyon, nakawala ako sa sensasyong aking nararamdaman. Ngunit, nandoon pa din ang kakaibang tibok ng puso ko.

Napatingin ako kay Yohan. Nginitian niya ako ng nakakaloko. Napakabaliw niya. Tinaasan ko siya ng kilay at kasabay niyon ang paghagalpak niya ng tawa.

"Ang ganda mong asarin Meowsy!" At hinawakan niya pa ang kanyang tiyan na halatang tuwang-tuwa siya sa kanyang ginawa.

"Buset kang nilalang ka!"

Lumapit ako sa kanya at hinila ang kanyang buhok. Langyang'to? Pinagtritripan pa ako?

"Tama na Meowsy, titigil na ako. Promise. Basta huwag mo lang guluhinn ang preccious hair ko."

"Ayaw ko. Bwesit ka! Nakakatuwa ka. Kainin kita diyan eh."

"Tama na. Sorry na."

Napasinghapako ng hangin saka ko binitiwan ang kanyang buhok. Tinalikuran ko siya at aalis na dapat ngunit hinawakan niya ako sa braso at inakbayan.

"Sorry na. Libre kita, ano bang gusto mo?"

Napangiti ako sa kanya. Ngiting totoo.

***

"SAAN mo ba talaga ako dadalhin Rose?" Pagtatanong ni Yohan habang nakapiring.

"Basta. Malalaman mo din. Malapit na tayo." At hinila-hila ko pa siya.

"Mamaya niyan ipunta mo ako sa mga baklang nangangain ng patola. Huwag naman. Sorry na talaga Meowsy."

"Grabe ka naman, hindi naman kita ipupunta doon. Huwag ka nga."

Hinila-hila ko pa siya hanggang sa makapunta kami sa lugar na pinupuntahan ko sa tuwing naiinis ako sa mundo. Sa lugar kung saan walang mga mapanghusgang tao. Sa lugar kung saan ako lang yata ang nakakaalam.

Dahan-dahan kong inalis ang piring sa mata ni Yohan sabay sabi na, "Andito na tayo."

Napabitaw sa kamay ko si Yohan at kitang-kita ko sa mata niya ang pagkamangha sa lugar.

"Wow." Sabi niya.

"Nagandahan ka ba?" Tanong ko.

"Oo naman, anong lugar ba ito? Napakaganda. Nakakamangha."

"Ang tawag ko sa lugar na ito ay Paradise."

"Paradise?"

"Oo, kasi dito tahimik. Malayo sa mga mapanghusgang tao. Malayo sa polusyon. Malayo sa kaguluhan. Dito tahimik. Tahimik talaga. Ang ganda diba?"

"Oo, maganda nga. Paano mo nalaman ang lugar na ito?"

"Ah, ito?" Natawa ako.

"Bakit?"

"Nalaman ko ang lugar na ito noong bata pa ako. Naglayas kasi ako. Naiinis kasi ako sa bahay noon. Away bati sila Mama, kaya naghanap ako ng lugar kung saan tahimik. Hanggang sa napadpad ang mga paa ko dito. Dito lagi 'yung takbuhan ko kapag galit ako. Kadalasan dito nawawala 'yung kabadtripan ko at dito napapalitan ng  mga masasayang alaala."

"Bakit mo ako dinala dito?"

"Alam mo ba? Ikaw pa lang ang dinadala ko dito?"

"Ako pa lang?"

Tumango ako, "Oo, ikaw pa lang. Kasi bestfriend na ang turing ko sa'yo. Basta."

Tumango siya saka nilibot ng tingin ang Paradise. Sa pagsasama namin ni Yohan bilang magkaibigan naging tiwala na ako sa kanya. Sana ang tiwalang ibinibigay ko sa kanya ay hindi masayang.

Dangerous Kiss: Kiss Of The Black Cat (KathNiel) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon