Chapter Seven
"YOU, alright?" Nag-aalalang tanong ni Ate Jhen sa akin nang makalapit ako sa kanya.
"I'm okay. Nasaktan ka ba ate?" Bulong kong tanong sa kanya.
"Hindi naman," bulong niya sa akin.
Nagbubulungan kami kasi walang dapat makaalam nung nangyari kanina. Ni wala ngang nakapansin na nawala siya eh.
"Nga pala Ate Jhen, anong gagawin natin doon sa mga bangkay sa itaas?"
Kinindatan niya ako sabay sabing, "Huwag kang mag-alala. Napaayos ko na. Relax ka lang Rose,"
"Wala bang makakaalam nun?"
"Teka, natatakot ka ba? You're the Black Cat right?"
Ewan, pero natatakot ako. Ano bang meron at natatakot na ako ngayon? Basta, may kakaiba talaga.
"Hahaha. 'Di ka na ba sanay tulad ng dati? Kakilala kita Rose, matagal na akong nasa tabi mo," ngumiti pa si Ate Jhen.
Iinumin ko dapat 'yung wine na hawak ko pero nahulog ko ito.
"What do you mean?" Tanong ko saka pa napanganga.
Lumapit siya sa may tenga ko at binulungan ako. Sa ginawa niyang ito, tumaas lahat ng buhok ko sa braso.
"I'm the Black Shadow."
Shocked talaga ako sa mga narinig ko. Siya ang Black Shadow? Nganga! Nasa harapan niya ang isang inutil na gaya ko?
"I-ikaw?" Dahan-dahan kong itinaas ang hintuturo ko at tinuro siya.
"Ibaba mo nga 'yang nanginginig na hintuturo mo. Mukha kang gaga," tumawa pa siya.
"Pero, seryoso? Ikaw ang Black Shadow? Mamatay ka man?"
"Mamatay man ako, ako ang nag-iisang Black Shadow ng Black Death,"
"For real?" Gilalas ko.
"Gilitan kita ng leeg, gusto mo?"
Napalunok ako sa sinabi niya.
"Joke lang, hahaha!" Saka niya pa ako hinampas sa likod.
"Pero, 'di ba malaki kang sikreto para sa ibang grupo sa Black Death?"
"Ah-huh!" Gumawa pa siya ng malaking check sa ere.
"Bakit ka nagpakilala sa akin?"
"Alam ko namang isa ka sa magagaling na mandirigma ng Black Death. Hindi ba? Bakit, ipagsasabi mo ba na ako ang Black Shadow?"
Napailing ako, "Hi-hindi."
"Mabuti nang maliwanag. So, tara?"
"Sa'n?"
"Sa kwarto ko, may gagawin tayo." Pinandilatan niya pa ako ng mga mata.
"Anong, gagawin natin?" Tanong ko.
"It's not what you think. Come on, don't be silly!"
"Ano ba kasi gagawin natin ate Jhen?" Pangungulit ko.
"May mga galos ka sa kamay at paa. Tara, gagamutin natin."
Napatingin ako sa aking braso at paa at oo nga, may mga galos ako. Ngunit, okay lang naman ito ah? Hindi naman masyadong malalim. Malayo sa bituka.
"Ate Jhen, h'wag nalang. Galos lang naman ang mga ito. H'wag na."
"Halika na! Mamaya may nilagay pala 'yung kalaban mo kanina na kung ano. Para, macheck na din natin."
BINABASA MO ANG
Dangerous Kiss: Kiss Of The Black Cat (KathNiel) #Wattys2016
AcciónKilalanin si Rose Madrigal mas kilala bilang Black Cat ng Black Death. Tatlong taon na ang lumipas simula nang hindi niya gamitin ang kanyang natatanging technique--- ANG DANGEROUS KISS. Pero sa isang kisap mata, kailangan niya ulit itong gamitin sa...