i5.First Impressions

10.1K 412 7
                                    


Chapter Five: First Impressions

Javier's POV

Nasan naba sila? Kanina ko pa hinahanap yung mga lokong yun! Nang iwan ba naman. Ni minsan 'ha hindi pa ako iniiwasan ng kahit sino. Yung mga loko lang talaga na yun ang gumagawa sakin nun!

Habang naglalakad ako sa hallway ng main building ng school ay nakita ko si Shawn kasama si Sean nag uusap sa isang bench. Nasan kaya si Travis? Tinawag siguro ng papa niya. Nilapitan ko ang dalawa at ginulat sila"Uy! May balita ako!" malakas kong sigaw sa kanila. Na hindi ko na dapat pala ginawa kasi binatukan rin ako ni Shawn.

"Gago! Kabute kaba at bigla bigla ka na lang susulpot!?" Loko! Sa mukha kong mala-adonis brad kabute?

"Gwapong kabute kamo."

"Nak ng. San kaba galing 'ha?" tanong ni Nathan.

"Parang di nyo naman yata ako kilala? Syempre sumagap ako ng balita 'no!" sabi ko sa kanilang dalawa na tinitingnan naman ako as if na nandidiring sila. Mga loko! Dapat nga masaya sila eh!

"Bakla kaba 'tol? Kelan pa?" pangaasar ni Nathan.

"Tama na nga yan. Ano ba yang balita na yan na gusto mon sabihin samin?" Wika ni Shawn, halatang atat sa sasabihin ko.

"May narinig akong usa-usapan ng mga babae na may mga bago daw ngayong taon." tumango-tango ako habang nageksplana sa kanila.

Umubo si Nathan, "Bago? Interesting.."

"Sino kaya yang mga yan." tingnan nyo miski si Shawn excited! "Nung balak mo boss?"

"Lalake ba? Babae? O ano--" bago pa matapos si Nathan ay nagsalita na ako kaagad. "Walang sabi, narinig lang daw 'to nung nag uusap-usap ang mga student council."

"We should probably ask her about this," wika ni Travis, na kakarating lang. San kaya 'to pumunta?

"San ka galing brad?" tanong ko. "Ah. Dad." tipid nitong sagot. Knew it though!

"Back to the topic! Di natin kilala kung sino ang mga baguhan. Malay ba natin! Pero sana magaganda kung mga babae, 'di ba." isang nakakalokong ngisi na naman ang sumilay sa labi ko.


"Umayos ka nga, Javier! Babae na naman inaatupag mo eh." reklamo ni Nathan saakin. "Nagsalita ang hindi interesado." tumayo si Nathan kaya tumayo rin ako. Nagyabangan kami ng tingin.

"Magsiupo nga kayo!" hinila ni Travis ang mga shirt namin para makaupo.

Umupo ako ng padabog. "Ikaw? Wala ka ring pake kahit chiks ang mga bago? Ha?" tanong ko kay Travis at tinaasan siya ng kilay.

"Gago. Wala naman akong sinabing ganyan."

"Oh weh-" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang marinig na namin ang school bell. Buti na lang at mabibilis kaming tumakbo kaya nakarating na kami kaagad sa homeroom namin.

"Why do I even have to run in the first place!" angal ko.

"Gago, tumahimik! Nandito na ang Prof," kinalabit pa ako ni Travis. Napalingon ako sa harap ng classroom kung saan pumasok ang propesor. Umubo ako at umayos ng upo.

Iniquitous ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon