i11.Phone call

7.9K 301 2
                                    


Chapter Eleven: Phone call

Marie's POV

Nilagay ko sa plastic bag ang mga nabili kong mga damit sa previous shops na pinasukan namin. Sabit-sabit sila sa aking braso ay naglakad ako ng mabilis para maabutan ang mga kaibigan ko na mabilis maglakad. "Hey guys, ano 'yung last subject para bukas?"

"Uhm," lumingon sa akin si Kim na nakikipagkwentuhan kay Kate. Tumabi naman sa akin si Glydel sa paglalakad.

"I think clubs." sagot ni Kate.

"Ako dapat ang sumagot nun, e." sinamaan ni Kim ng tingin si Kate.

Bumelat si Kate, "Heh. Ako ang nauna, e. Wala ka nang magagawa."

"Ugh! Ano ba naman 'to. Tumahimik na kayo please?" nguso ni Glydel. Tumango ako.

Napalingon kami sa kung saan nang biglang may mag-ring. Halos mapatalon pa ako sa gulat dahil nakakabigla ang malakas na ringtone.

"Hm?" kumunot ang noo ni Glydel at chineck ang phone niya. Doon ko narealize na sa kaniya iyong tumutunog. Kaya pala sobrang lakas kasi katabi ko lang.

"Sino yan?" tumigil si Kim sa paglalakad gaya namin.

"Hindi ko kilala. ." tumingala sa amin si Glydel. Tumutunog pa rin ang iPhone niya kaya hininaan niya ito dahil masyadong malakas ang volume.

"Huh? Paanong hindi kilala? Patingin,"

Sinilip namin ang iPhone ni Glydel at napakagat-labi. "Unknown number?" bulong ko. Kumunot ang noo ko at napatingin ng naguguluhan kay Glydel dahil hindi naman siya yung tipong nagbibigay nalang ng number basta basta.

---

Someone's POV

"Dude," kinalabit ako ng tropa ko sa balikat, "Tapos na ang school. Ano na? Tawagan mo na iyong babae." ani Adrian.

"Oo nga, pre! Malay natin schoolmates tayo."

Tumawa ako. "Huwag kayong masyadong atat."

"Pre, anong atat pinagsasabi mo? Himala ata at 'di ikaw mismo ang tumatawag sa kanila.." kinunot ni David ang noo niya sa akin.

"Mga tol, 'di ba dapat when it comes to girls. We must always keep our cool on." tumango-tango ako.

"Cool? Talaga? Ikaw? Pft!" pang-aasar ni Jeff. Hindi ko siya pinansin.

"At kelan mo pa ginamit yang utak mo?" ani Drake na mukhang tinatamad.

"Ikaw ha, tapatin mo nga ako, ba't ba wala kang tiwala sakin ha!"

Pinilit niyang tumawa, "'Ala. Trip lang."

"Bullshit! Tawagan mo na nga lang! Tarantado ka talaga eh no!? Dali na at para may maikama ako mamaya!" sinuntok ako sa braso ni Jeff. Tangina.

"Oo na nga!"

---

Glydel's POV

"Bahala na. Sagutin ko ha? Para malaman na natin kung sino 'to." sabi ko sa kanila pagkatapos kong kagatin ng matagal ang labi ko. Ang sakit nga, e.

"Sige," ani Marie.

"Yeah. Mabuti pa nga." tango ni Kate.

"Sure!" ngisi ni Kim na makapunit-labi.

"Okay then. ." nagkibit-balikat ako at nilagay sa tenga ang iPhone ko pagkatapos ko sagutin.

"Hello?" bati ko. I cleared my throat.

[Hey there, gorgeous. .]

"Uhm. . . do I know you?"

Iniquitous ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon