i33.Friendship

4.3K 134 2
                                    


Chapter Thirty-Three: Friendship

"Is this true?" Malingming na ani Shawn habang minamasahe ang kanyang batok. Pilit na pinapakalma ang kaniyang sarili.

'Tch. Sabi na nga ba, eh. Huwag kasing umepal, sinasabi ko sa inyo hindi lang yan ang kaya kong gawin.' sabi ni Kim sa kanyang sarili.

"W-what the. . . No! I mean- Shawn no they're lying! Wag kang maniniwala sa mga sinungaling na yan!" Hindi makapaniwala si Marie sa naging saad ng babae kaya napaawang ang bibig niya. Kaya naman hindi na siya nakapag-pigil at siya ay nagsalita.

"Huwag maniwala? Wow. Big words. So samin hindi maniniwala, people who just spoke the truth eh samantalang kayo people who lied to their masters a hundred of times ay paniniwalaan?" walang emosyong niyang panga-ngatwiran. Buti na lamang nakapag salita na sya! Kaya lamang siya ay hindi umiimik kanina ay dahil kinakabahan ito kung ano ang susunod na mangyayari.

She's afraid that just because of this stupid situation ay mayroon na naman na masasaktan na kapwa.

"Trina, tinatanong ka, sumagot ka!" nagulat ang lahat sa biglang pagsiklabo ni Nathan. Sapagkat, ngayon lamang ulit ito nagalit ng ganyan. Dahil rito ay hindi alam ng mga butanghero ang kanilang gagawin. The only ones who are not affected by the outburst were the mafias.

Damn those bitches! Kung hindi lang kami binuking ng mga walang hiyang baabeng 'to! Argh, bastards! giit ni Trina sa kanyang isip.

Nobody was talking. Kahit sino man ay walang kinikibo, they're just there standing. Because of all of this stuff that has been happening ay walang magawa ang kanilang guro maliban sa tumayo lamang roon sa kanyang kinatatayuan. Coward? I would or would not say that. Ikaw ba namang napapalibutan ng mga taong kasangkot sa isang illegal na samahan, tingnan na lang natin kung mapapatahimik mo sila.

I need to stay here. . Lalo na't hindi natin alam kung ano ang mga mangyayari. They might kill themselves or worse!' isip ng kanilang guro.

Suspense is really killing Shawn and the others. Since wala namang nagsasalita ay nagsalita na si Javier, "Ah ganoon. . .so walang magsasalita?" lumunok siya. His voice almost cracked because of the awkwardness and even he himself hated the sound of it,

"I hate to admit it but I guess tama nga sila. That you stupid bastards have been stealing our resources and using for something really stupid and useless," dismayadong-dismayadong sabi niya.

"We've been fooled, huh?" singit naman ni Travis.

Yumuko lamang si Trina at humikbi nag kaunti, realising na nakagawa siya ng malaking pagkakamali just because of her stupid obsession.

She was hurt.

She was betrayed.

She thought she had everything.

She thought he loved her.

But no.

He did not love her as a woman.

But as a sister, and a friend.

Just like that.

"Benny! Tara naaaa! Gutom na ako, e!" pagmamaktol ng isang limang gulang na batang babae ten years ago. Everything was just simple and innocent na gugustuhin mo nalang mag-emote pag pumipikit dahil sa sobrang sarap ng hanging sumasampal sayo.

Siya ay nasa bahay ngayon ng kaniyang kababatang lalaki na naglalaro sa kanilang hardin.

"Gutom ka na naman. Later na lang! I want to play pa, e." Saad ng kanyang kaibigan at lumabas ng kanilang mansyon. Umalis kasi ang yaya ng dalawa at pumasok sa loob ng masyon para kumuha ulit ng panibagong bimpo. Ng hindi nito namamalayan na umalis na pala ang dalawa sa mansyon.

Pagkalabas nila ay mayroon silang nakitang mga batang nag lalaro sa loob ng cover court na sa harapan lamang ng kanilang mansyon. Nilapitan ng dalawa ng mga bata at sinubukan nilang makipag laro sa mga ito. "Bata bata, can we play too?" mahinhin na tanong ni Trina, halata ang tanging intensyon na maging masaya lamang. Samantalang ang mga bata ay nairita sa kanya. Not because she's disturbing their game but because she is way out of their league. And of course same thing with 'Benny'.

"Ang arte naman nya,"

"Wag tayo makipaglaro dyan!"

"Nagsasalita pa talaga siya ng hindi tagalog, ha,"

"Yabang naman!"

'Yan. 'Yan ang mga sagot ng mga batang nasa harapan nila ngayon. The two didn't know what to do so they just both stayed silent.

Napawi ang mabait na ngiti ni Trina at umawang ang bibig. She only wanted to play. Have fun.

Is tagalog the only langguage in the world? Huh? Trina pouted. I said 'Bata, bata' too! Isn't that tagalog?

'Benny' just can't handle the silence so he said, "Wait lang, ha. Bakit ba ang sama ninyo sa amin! Di naman namin kayo inaano," until, "Hoy, kayo! Mga walang magawa talaga kayo, e, pati ba naman mga baguhan dito aawayin nyo!" sigaw ng isang batang lalaki na palapit sa kanilang gawi. Ngunit mas nagulat ang lahat ng lumitaw pa ang isa nitong kasamahan. "Tumakbo na lang kayo kung ayaw niyo masaktan." anito.

Namilog ang mga mata ni Trina, halata ang takot. Mabilis niyang nilingon si Benny at balisang kumapit sa manggas ng t-shirt ng kaibigan.

Nagtakbuhan ang lahat habang nagsisigaw. Ang natira na lamang si Trina at 'Benny'.

"Wag kayong lalapit! I'm warning you." banta ni 'Benny', tinatago si Trina sa kaniyang likod. Nagsimulang humikbi si Trina sa sobrang takot.

"Benny, ayoko na dito. Uwi na tayo, please! Ang bad nila lahat." nag-tip toe siya para maabot ang tenga ni Benny.

"Hoy! 'Wag nga kayo dyan. Pasalamat nga kayo tinulungan namin kayo kanina, eh," wika ng batang unang sumigaw kanina, "Javier nga pala." lumapit siya at pinahid pa ang kamay sa damit bago naglahad kayla Benny.

Hindi nakatakas sa pandinig ni Benny ang mahanging bulong ni Javier sa sarili niya, "Bait ko, grabe. Ipagyayabang ko 'to kay Mommy," kaya kunot-noo nitong tinanggap ang kaniyang kamay para 'di rude.

"Travis." pagpapakilala naman noong kasama ni Javier at kumaway habang nakangiti, "Bago lang ba kayo dito?" lumipad ang tingin niya kay Trina.

Tumingin si Trina kay Benny, tila nanghihingi ng permisyo kung pwede niya ba itong kausapin. Ngumiti si Benny at tumango.

"O-oo, eh," nagkamot si Trina sa batok, binabalingan si Travis. "Kakalipat lang namin the other day. . ." dagdag niya.

"Kaya naman pala ganun 'yung mga ungas na 'yun, eh." ngumisi si Javier at nilingon ang pwesto noong mga bata bago sila umalis.

"Bakit ba natakot yung mga 'yon sa inyo?" tanong ni 'Benny', na ikina-seryoso ng dalawa.

"Bakit? Ha. Dahil kami ang kinikilalang Double Trouble sa subdivision na 'to!" hinampas pa ni Javier ang sariling dibdib, tila proud. Tumawa si Travis at tinulak ang kaibigan.


-

Hello! Don't forget to comment and vote! =)

Iniquitous ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon