i42.Mahal ko

1K 30 1
                                    


Chapter Fourty-Two: Mahal ko

Javier's POV

---

To: Mahal ko<3

Ano mahal ready na ba ang lahat?

---

Buti na lang at few minutes after kong isend yan sa pinakamamahal ko ay nagreply na ito kaagad.

---

From: Mahal ko<3

Yes mahal! Pak na pak!!

---

I smiled to myself knowing that later on? Magiging okay na ang lahat. "So nasan na ba talaga sila?" tanong ni Nathan na kinakamot ang sentido nya. "Aba'y malay ko! Sabi ni Shawn nandito lang daw sila eh," nandito kasi kami ngayon sa underground city. Naglilibot lang kami ditong tatlo ni Shawn at Nathan dahil sabado naman at walang magawa nang makita namin yung tropa nila Marie na pumasok sa rito. Nagulat nga kami eh.

Ang akala namin hindi na sila babalik dito at titigil na sila sa pagiging Mafia nila. Yun kasi yung mga usap-usapan!

"I think it's time.." wika ni Shawn habang nagsimula ng mag lakad at from the looks of it ay susundan nya yata si Marie. Tss. "Anong plano mo Nathan?" Tanong ko sa kanya na nasa tabi ko ngayon. Para wala yata ng pakay 'to sumunod kay Shawn.

Wow coming from me. It took him minutes bago sumagot sa tanong ko, "Tatawagan ko Travis, papapuntahin ko ang loko." Ano?? Tingnan ko s'ya ng mariin. "Dude. Di matutuwa si Shawn sa gagawin mo. At sa tingin mo ba babalik siya? Diba sabi nya satin ayaw nya ng madamay sa kahit ano na meron tayo?" Pagdadahilan ko sa kanya.

"Look at me." Sabi nito. Tangina 'tol nababaklaan ako sayo!

Imbis na mag salita pa ako ay tumingin na lang ako sa kanya. "Mukhang bang takot 'tong mukhang 'to?"

"Ewan ko. Nabulag yata ako sa kapangitan ng nilalang na nasa harapan ko."

"Gago ka pala eh!" Sigaw nya saakin. Sasapakin nya na sana ako ng tumakbo na lang ako at sinundan si Shawn kung saan s'ya dumaan kanina. Woah! That was close! Kala nya s'ya lang marunong mambara. Hahaha!

Teka.. Takte nawawala yata ako.

Hala! Nasan na sila? Fuck! Maglalakad na sana ako nang biglang may nakita akong pamilyar na lalake.

Dahil sa curious ako kung sino ba talaga yun ay sinundan ko s'ya. Mukhang bihada na sya dito, dahil alam nya ang pasikot sikot rito sa underground city. Maya maya ay huminto ito at umupo sa isang bakanteng upuan sa bar na pinasukan nya kanina.

Nilapitan ko 'to ay tinapik sa balikat up ang tanongin kung sino ito. Kaso mapaglaro nga naman talaga ang tadhana. Dahil ng lumingon ang lalaking ito ay isa nga siyang kilala ko. Kaibigan ko pa nga eh.

It was Travis.

"Javier?" Tawag nya sakin habang tumayo s'ya kagad dahil sa gulat. "Sinusundan mo ba ako?"

"Brad? Anong ginagawa mo dito?"

"Oh bakit? Porket wala na ako sa gang bawal na ba ako pumunta dito? Baka makakalimutan mo tol gangster parin ako."

"Di naman sa bawal.. Kaso---" Di ko na pag patuloy ang aking sasabihin nang biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon. Ng tiningnan ko kung sino ang tumatawag ay nabasa ko na si Nathan pala ito.

"Sige na kausapin mo na yan. Baka hinahanap ka na nila, balita ko may laban kayo mamaya." Sa halip na makipag talo pa sa kanya at tumungo na lamang ako at sinagot ang tawag. Laking gulat ko na nga lang dahil akala ko na kapag sinagot ko na ang tawag ni Nathan ay aalis na kagad sya. But when I answered his call ay nandito parin si Travis sa tabi ko at nag hihintay while his hands is on his pocket.

Iniquitous ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon