i21.The Excitement

6.1K 220 6
                                    


Chapter Twenty-One: The Excitement

Kim's POV

"Bat ganun!"

Kanina pa ginugulo ni Glydel ang buhok niya. Tawang-tawa na nga ako habang inaayos 'yon na lagi rin niyang sinisira. Aw. Kaya gusto namin 'tong asarin parati eh! Kiki.

"Hindi ako pwede kumain niyan," bumagsak ang balikat niya habang deretso ang titig sa Chocolate Cake na nasa harapan niya.

Dumapo ang tingin ko kayla Kate at tumawa kaming pareho, nawiwirduhan parin sa kay Glydel. Basta talaga pag pagkain, napaka-emotional niyan.

"Kasi nga, BAWAL! Capital letters!" sabi ko. "Bawal, Glydel! Bawal!" hinampas ko ang lamesa like as if was in the court.

"Yup," nakangising ani Marie. "Wag ka nga, Glydel. . hindi ka pa kumakain ng main course tapos yan na agad? Aba, ewan sa'yo."

"Yup. . tama," nag-high five sila ni Kate.

"Punyemas na. . . !" kunot na kunot ang noo ni Glydel na nakanguso pa. "Osige na nga!" aniya. Awe. I felt bad. Natawa ako.

"Oh, girls," singit ni Tito Peter, Marie's father. "Naririto na pala kayo. How was school?" aniya. Habang niluloosen up ang necktie ay mukha siyang haggard. I wonder what's up.

"Dad!" maligayang bati ni Marie at nginitian ito, "The school that you chose isn't that bad after all. ."

Ngumiti rin kami sa kaniya at bumati.

"Yeah," tango ni Kate na kalmado lamang na nakaupo. "And you know, Tito-papa? Madaming activities 'yung school every week. I'm pretty excited." hindi rin mawala ang ngisi sa labi ni Kate habang nakahalukipkip.

"Ah, sounds good. Mabuti naman at masaya kayo doon, I hope it lasts." nginitian rin kami ni Tito-papa habang hinahagod ang likod ng anak.

"Hah, kalurkey." singit ni Glydel, natawa naman kaming lahat. "Pwede kumain muna tayo? I'm so hungry."

"Hindi halatang PG ka, hindi talaga." ani Kate. I agreed.

Umiling si Tito-papa nang nakangiti, "Alright. Let's eat. . Bon appétit?"

"Bon Appétit!"

I tried to smile. Weird, though. Tumingin ako sa pagkain na nasa harap ko. To my surprise, hindi naman ako masyadong gutom. At tsaka dapat magprepare na kami ngayon. . for later's event. Humanda talaga sa akin iyong mondragon na 'yun.

Trying to manipulate others just to satisfy himself? Pathetic.

At kung makaasta'y akala mo kung sino. I hate those type of persons. AND. I found out they were gangsters too! Mafia na nga, gangster pa? Aba't. . two in one, ganoon? Hindi makontento sa isa?

Timeskip

"Marieee," I called Marie for the nth time. "Okay na ba 'tong suot ko? Hm?"

Ilang beses kong tinapunan ng tingin ang suot ko ng paulit-ulit. Kanina pa ako dito nagbibihis while my hair was up in a messy bun. My boho get up doesn't look nice!

"Ay, ewan sa'yo Kim! Kanina ka pa nag-aayos diyan. Mamili ka na nga lang ng maayos-ayos, dali!" sigaw sakin ni Glydel. Ngumiwi ako. Hindi ko nga alam anong isusuot ko. .

"Hayy. ." malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Kate na mukhang kanina pa ako jinujudge dahil sa tingin niya. "Kanina ka pang 3 diyan, alam mo? Nakalubog na ang araw't lahat. . wala ka paring damit na maisuot! Just decide immedietly!" pati ba naman siya.

"Hays." bumagsak ang balikat ko. "Oo na, oo na!" ngumiti ako ng matamis. It's my charms!

"Tigil-tigilan mo nga ako," masungit na ani Kate. Grabe siya.

"Okay, 25! Wait lang!" sabay takbo ko. Naghanap agad ako ng panibagong damit. Magleleather jacket na nga lang ako! Mas nahahighlight ang mga curves ko sa katawan, e. You know? To attract boys. I laughed at my mind. Landi ko wadapak.

Shawn's POV

"Nasaan na ba sila?"

Nakakairita, ha? They were so excited about this fight and now mang- iiwan sila? Dammit. Doon magaling iyong mga baklang 'yun, e. Nakakaputangina. I ran my fingers through my hair. Buti nalang ako, hindi ganoon.

"Dude!"

Kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses. What the. . .


---

Don't forget po to comment and vote! =)

Iniquitous ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon